3 years

215 7 0
                                    

3 Years Later

Masasabi kong Napakasaya nang buhay namin ngayon ni Charles. Simple lang ang mga tao sa Baryo Ginapang wala nang sakitan at puro nalang Pagmamahalan.

Alam na rin ni Charles ang lahat lahat na nangyari Three years ago. Alam niyang dati siyang aswang at naging tao lang din katulad ko dahil sa tubig nang buhay.

Tanggap na rin nang mga tao dito sa Baryo Ginapang ang mga aswang na pamilya ni Charles. Marami sa kanila ang nalagas noong nagkaroon nang digmaan sa pagitan ni Menandro pero marami rin namang nadagdag dahil gusto na nilang mag bagong buhay. Ang mga kasapi ni Menandro na nanatiling buhay ay malugod na Tinanggap ni ama ang tatay ni Charles.

Si Leonora naman ay nanatili paring aswang dahil sa sarili nitong kagustuhan ayaw naman nitong uminom nang tubig ng buhay dahil ayaw niyang makalimot. Si Luigi naman ay isa na ring kasapi nang aswang. Hindi dahil napilit siya ni Leonora kundi dahil sa isang aksidente habang nagbabiyahe ito papuntang bayan upang mag-aral. Mabuti na lamang ay malakas ang pakiramdam ni Leonora kaya naramdaman nitong may masamang nangyari kay Luigi. Agad agad niya itong Pinuntahan at nakita niya nga itong nag aagaw buhay. Hindi na ito nag dalawang isip at sinipsip niya ang dugo nito at pinalitan nang dugo nang mga aswang.

Hindi naman nagalit si Luigi bagkos natuwa pa ito dahil hindi na sila maghihiwalay ni Leonora. Samantalang ang mga magulang naman ni Luigi ay malaki din ang pasasalamat sa dalaga mas gugustuhin nang mga ito na maging aswang siya kaysa tuluyang mamatay.

Ang Baryo Ginapang naman ay mas gumanda kaya naman ang iilang mga dayuhan ay madalas nang nagpapasyal sa aming Lugar.

"MAMAAAAAAA" agad naman akong napabalikwas nang may tumawag sa akin.

"Oh bakit anak?" tanong ko kay Sharamaine ang anak kong limang taong gulang.

"Si Papa po kinikiliti ako. Ang kulit ni papa" nakabusangot pa nitong sabi. Ayaw na ayaw niya kasing kinikiliti siya nito.

"Charlessss? Huwag kang makulit diyan. Naiinis na ang baby girl natin sayo" patawa tawa ko pang sigaw sa kaniya

"Ay nakakalungkot naman. O sige hindi na kita kikilitiin si Mama nalang" sabay kiliti nito sa akin kaya nagtatakbo ako para hindi niya ako makiliti

Sobrang simple lang nang buhay namin ngayon. Mapa aswang man o tao kami parin ni Charles ang nagmamahalan. Makalimot man ang mga isip namin masisiguro kong maaalala ng mga puso namin ang bawat isa.

Sa paglipas man nang panahon mananatili pa ring Sekreto ang mga nangyari sa Baryo Ginapang. Sa muli nating pagkikita kong saan Baryo nang mga aswang at tao noon at ngayon.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now