Chapter 8

219 11 1
                                    


REIGN POV

Nakatingin lang ako sa pintuan na tila magigiba na sa sobrang pagtulak dito nang kong sino mang nagpupumilit Buksan ang pinto.

"CHARLES CHARLES!"

"ALAM KONG NARIYAN KA! LUMABAS KA DIYAN!"

"BAKIT MO BA AKO GINAGANTO HA? NILALAYUAN MO NALANG AKO PALAGI!!"

"CHARLES? BUKSAN MO ITONG PINTO! BAKIT BA HINDI MUKO MAGAWANG MAHALIN HA? BAKIT SIYA PARIN BA HA? PATAY NA SIYA CHARLES. AKIN KALANG AT HINDI NA PWEDENG MAPUNTA SA IBA!!!!!!"

Nang makalipas ang ilang minuto ay pinakiramdaman ko kong naroroon pa rin ang baliw na babae pero wala na akong marinig kaya naman nakahinga na ako nang maluwag.

Nagugutom na rin ako dahil sa hindi pa ako nakakakakain. Inaantay ko si Charles pero ang tagal nitong dumating kaya naman hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang may marinig akong mga alulong sa labas at dito sa loob nang kwarto.

"AHHHHHHHHHHH"

"AHHHHHHHHHHH"

"RAWRRRRRRRR"

"RAWRRRRRRRRRRR"

Pinakinggan ko ang bawat pag alulong at narating ko nga ang isang kwarto na bahagya pang nakabukas kaya naman hindi ako nag dalawang isip na pumasok sa loob.

Ganoon nalang ang pagkabigla ko nang makakita ako nang isang nilalang na ngayon ko lang nakita sa tala nang buhay ko. Hindi ako makagalaw nakikita kong pilit niya akong pinaalis pero hindi ko magawang maikilos ang mga paa ko. Nagpatuloy lang siya sa pag ungol. Sobrang natakot ako kaya hindi ko na pigilan na maibulaslas ang salitang

"ASWANG"

Nakita ko ang ekspresyon nang mukha niyang nalungkot. Lalapitan ko sana siya dahil na rin sa naawa ako dahil nakita Kong lumambot ang ekspresyon nang mukha niya pero pilit niya akong pinalalayo sa Kaniya.

Wala na akong nagawa kundi lumabas ako nang kwartong iyon. Tiningnan ko ang malaking orasan at nakita Kong pasado Alas dose na pala nang umaga. Inilibot ko ang aking mata sa buong kwarto pero hindi ko pa rin nakikita si Charles. Natatakot pa rin ako sa nangyayari sa akin. Bakit nagtatago si Charles nang aswang sa loob nang bahay nila.

Napakalaking pala isipan nang mga nangyari sa akin ngayong gabing ito. Naririnig ko parin ang pag atungal sa loob at labas nang kwarto. Binalak ko mang umalis nalang dito pero hindi ko mabuksan ang pinto kaya nanatili akong nakaupo sa kwarto.

Dahil na rin sa malalim na pag-iisip hindi ko nanaman napigilang makatulog.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat