Chapter 29

107 8 0
                                    


CHARLES POV

Nakauwi na ako sa amin at agad akong sinalubong nang aking ama

"Anak nabalitaan ko ang nangyari sa iyo kagabi. Kamusta na ang iyong pakiramdam?" pag aalalang tanong nang aking ama

"Mabuti lamang ama. Kamusta kayo dito? Hindi ba kayo sinugod ni Uncle Menandro?"

"Sa kasamaang palad ay kagagaling lamang niya rito at nagdeklara siya nang digmaan laban sa ating angkan" malungkot na Saad nito.

"Ama patawarin mo ako." nasabi ko nalang dito dahil ako ang may kasalanan kong bakit ito nagdeklara nang digmaan.

"Anak wala kang kasalanan. Ito na rin siguro ang oras upang labanan natin ang aking kapatid dahil sa kaniyang taglay na kasamaan"

Pagkatapos naming mag usap ay nagpaalam na ako dito upang pumunta sa aking silid. Kitang kita ko ang iba pa naming kauri na Naghahanda na para sa darating na digmaan nang mga aswang lubos akong nag aalala dahil na rin sa magiging resulta nang digmaan naming mga aswang.

Pinuntahan ko ang kapatid kong si Leonora upang siya ay balaan ngunit laking gulat ko nang wala ito sa kwarto na kausap ko ang mga tagapag bantay na binigyan siya nang tungkulin nang ama kaya umalis.

Hindi naman ako lubos na nag-alala dahil alam kong sadyang pinaalis ito ni ama upang hindi madamay sa mangyayaring kaguluhan.

Kumain nalang ako at dumiretso sa kwarto upang makapaghanda dahil mamayang gabi ay lalabas nanaman ako upang magmatyag dahil baka may mabiktima nanaman ang grupo nila uncle Menandro.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ