Chapter 40

172 9 1
                                    

REIGN POV

Nandirito ako sa bahay upang alamin ang katotohanan sa kanila nanang at tatang. Sa kanila ko nga nakumpiramang isa pala talaga akong aswang noon.

Ibinigay ako ni Charles sa kanila nang walang kamalay malay. Ipinaalam sa akin na naaksidente ako kaya nakalimutan ko ang iilang impormasyon sa pagkatao ko.

Naiintindihan ko ang naging desisyon ni Charles. Gusto niya lang ako mapabuti at hindi na masangkot sa gulo nang mga aswang.
Masinsinan kaming nag uusap nang dumating si Leonora at kasama nito si Luigi na laging nakabuntot sa kaniya.

"Hi ate Reign. Gising na po siya at as usual wala po siyang maalala na kahit ano." malungkot na turan ni Leonora

"Huwag kang mag alala Leonora. Sasabihin natin ang totoo sa kaniya. Wala tayong kahit isang itatago." magpapagaan ko sa loob niya at niyakap ito. Nangmagyakap kaming dalawa ay nakiyakap naman si Luigi.

"Hoy lalaki? Hindi ko pa na tatanong sayo. Bakit kayo magkasamang dalawa? Atsaka diba nasa maynila ka at nag enroll." masama ko pang tingin sa kaniya.

"Bestfriend ayuko nang pumunta sa siyudad. Dito lang ako sa tabi ni Leonora ko" turan pa nito habang niyayakap sa baywang ang dalaga.

"Susumbong kita kay Charles. Ipapaalala kong ayaw niya sayo para sa kapatid niya" sabi ko pa dito na may himig pang aasar.

Natawa naman ako sa reaksiyon niyang parang bata. Ngayon ko lang nakitang ganito ang Bestfriend ko. Ang alam ko kasi ay puro computer lang ang inaatupag nito e.

"So bakit nga kayo magkasama ha?" tanong kong muli

"Ate Reign may misyon kasing ibinigay si ama. Yon nga ang hanapin ang tubig ng buhay dahil alam niyang mapapalaban na ang aming angkan kay tito Menandro dahil hindi na kami makapapayag na kainin niya ang lahat nang tao dito sa Baryo Ginapang." sabi nito

"Oh eh bakit nga kayo magkasama?" ulit ko sa tanong ko

Nakikita kong nahihiya naman si Leonora kaya tumingin ako kay Luigi.

"Kasi Bestfriend. Yon ang araw na pupunta na ako sa siyudad upang mag aral. Ang kaso nga hindi ko kayang iwan si Leonora nang Papunta na ako sa bahay niya ay nakita Kong paalis ito kaya sumama na ako. Hindi na natuloy ang pag eenrol ko" paliwanag nito

"Eh paano yan? Nagalit ang nanang mo?" tanong ko pa

"Oo nong una. Pero sinabi kong itutuloy ko ang pag aaral ko pero dito nalang sa Bayan. Kahit medyo malayo ay alam kong makikita ko parin si Leonora ko" sabi pa nito sa akin

Nagkakwentuhan pa kami bago kami tuluyang pumunta sa bahay nila Charles. Nalaman ko din kay Leonora ko sino si Max at anong kinalaman ko sa pagkamatay niya. Ngayon Naiintindihan kona kong bakit ganon nalang ang galit sa akin ni  Menandro.

Nasa kwarto na ako ni Charles at nakita ko itong nakatulala sa bintana.

"Hi" simpleng bati ko sa kaniya at Napukaw naman nito ang atensiyon niya.

"Hi din. Ikaw siguro ang Girlfriend ko na sinasabi ni Leonora" dire-diretsong sabi nito na ikinapula ko

"Hala ang cute mo kapag kinikilig. Kaya siguro kita nagustuhan" tawa tawa pang sabi nito

Nag-usap lang kaming dalawa. Tawanan ang namumutawi sa loob nang kwarto ni Charles lalo na nang dumating si Leonora at Luigi. Hindi na rin naiilang si Luigi kay Charles dahil tanggap na tanggap na siya nito.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now