Chapter 23

124 10 0
                                    


LEONORA POV

Pagkarating na Pagkarating ko ay hinanap ko agad si kuya dahil baka nag alala siya sa akin dahil bigla akong nawala. Mahal na mahal ko ang kuya at ang aking ama kaya hindi ko sila maiwan iwan.

Habang nakaupo na ako at nakatapat sa salamin ay naalala ko ang pag uusap namin ni Luigi kanina.

FLASHBACK

Pupunta kami ni Kuya Charles sa pamilihan nang makita namin si Ate Reign at ang mga taong gustong kuyugin ang isang matanda habang nakatayo ako roon ay may tumawag sa akin.

"Leonora?" tawag nang isang mahinang boses sa pangalan ko pero dahil isa akong aswang ay narinig ko nang malinaw ang tawag na ito.

"bakit ka nagtatago sa puno luigi?" takang tanong ko sa kaniya.

"Ah eh masyado kasi akong mapagmahal sa mga puno kaya niyakap ko sila" palusot ko pa nito na ikinatawa nang aking isipan. Pinigilan kong tumawa sa harapan niya dahil baka maoffend ito. Alam ko namang tinataguan niya si kuya.

Hinila niya ako agad naman akong nagpatangay sa kaniya dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko siya

"Saan muko dadalhin Luigi?" tanong ko dito

"May tiwala kaba sa akin?" pero sinagot niya lang din ako nang isang tanong

"Oo naman Luigi kahit kakakilala pa lamang natin ay naging magaan na ang loob ko sa iyo" sabay ngiti ko sa kaniya.

"Wow ang ganda naman dito. Yon ba ang tinatawag nilang siyudad?" tanong ko dito. Sabay turo nang isang Lugar kong saan makikita ang nagtataasang mga gusali.

Ang pinuntahan natin ngayon ay ang Lugar kong saan  gusto kong makapag isip isip at saka Tama ka! yan nga ang tinatawag na siyudad. Ang ganda no?  kahit na maliliit sila mula rito masasabi Kong maganda ang pagkakagawa nila. Alam mo bang pangarap kong diyan manatili kasama nang aking magiging pamilya ." sabay ngiti ko nito sa akin pero Nakaramdam ako nang lungkot nang malaman kong gusto niyang tumira kasama ang pamilya niya.

"Bakit ayaw mo ba sa Baryo Ginapang?"  malungkot na tanong ko. Hindi kona naitago ang nararamdaman ko.

"Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang maranasan kong ano ang mayroon sa siyudad at isa pa. Sa Lugar na yan nagtatrabaho ang papa ko" sabi niya sabay ngiti

"Bakit mo ako dinala dito Luigi?" tanong ko upang magbago ang aming pinag uusapan.

"ah eh gusto ko sanang pangalanan natin itong Lugar na ito" sabi pa niya na ikinangiti ko naman. Feeling ko espesyal ako sa kaniya dahil na rin sa bibigyan niya ako nang karapatang pangalanan ang isa sa mga paborito niyang Lugar.

Agad agad naman akong pumunta sa duyan na nakasabit sa puno.

"Sandali lang ah pag iisipan ko lang muna" sabi ko habang nakangiti

"Alam ko na. Gusto kong ipangalan natin dito ay LUGAR NG PANGARAP. Dahil dito mo nakikita ang pangarap mo" sabi ko sa kaniya.

"Eh paano naman ikaw? Hindi mo ba pangarap makapunta sa siyudad ?" tanong niya sa akin

"Kahit gustuhin ko mang pumunta sa siyudad hindi ito maaari dahil hindi ko pwedeng iwan si kuya at ang aking ama. Hindi rin ako nababagay sa Siyudad" malungkot na sabi ko. Kong alam lang niya ang totoo kong pag katao siguradong sasang-ayon siya na hindi talaga ako bagay sa siyudad.

"Huwag kanang malungkot. Ipinapangako kong madadala kita sa siyudad" sabi nito na ikinangiti ko.

Natapos ang pag iisip ko nang mga nangyari kanina nang kumatok ang kuya Charles ko.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon