Chapter 13

159 10 0
                                    


MICHAEL POV

Nasa kwarto lamang ako kasama nang aking anak na si Leonora. Ipinapakita ko sa kanya ang mga larawan nang kanyang ina. Namatay kasi ang ina nito dahil sa mga tao pero hindi ko sinabi sa kanya ang katotohanan dahil alam kong magagalit siya at ayukong kamuhian niya ang mga tao.

Masaya kaming nagkwekwentuhan nang aking anak tungkol sa mama niya nang pumasok si Charles sa kwarto ko na mukha nag aalala kaya naman pinalabas ko muna si Leonora upang hindi niya marinig ang aming pag-uusapan.

"Ama naririto si Uncle menandro sa Baryo Ginapang tinangka pa nitong lapitan si Reign kanina mabuti lamang at naiharang ko ang aking sarili." sabi nito na nag aalala

"Ano ang sinabi niya sa iyo anak?" tanong ko pa dito

"Mag-usap daw po kayong dalawa." pagkasabing pagkasabi ni Charles nang mga katagang iyon ay biglang kumatok ang isa sa aking mga alagad.

"Haring Michael gusto ka daw po makausap nang iyong kapatid na si Haring Menandro" sabay yukod nito.

"Sige Papunta na ako. Pakisabi na lamang na antayin ako sandali" sabi ko dito

"Ama anong gagawin natin? Ayuko nang lumipat pa. Nandirito si Reign ayukong pati siya ay madamay." sabi nito nang may pag-aalala. Humahanga ako sa pagmamahal nang aking anak para sa dalagang si Reign.

"Huwag kang mag-alala hindi na tayo aalis dito" sabi ko dito upang hindi na siya kabahan at malungkot.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Where stories live. Discover now