Chapter 12

177 11 0
                                    


REIGN POV

Agad agad akong sumilip kong saan nang gagaling ang mga yabag na iyon at hindi nga ako nagkakamali may bago nanamang lilipat sa Baryo Ginapang.

Tuloy tuloy lang silang Naglalakad Huminto pa sila sa harapan namin kaya bahagya pa akong nagulat naglakad siya papalapit sa akin nang kakaunti nalang ang distansiya namin ay biglang may humarang sa harapan ko.

"Huwag mong subukang hawakan siya" sabi ni Charles na nasa harapan ko lang nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha nang babaeng kasama nito. Siguro nagtataka na to at nagseselos dahil sa ginagawa nang boyfriend niya ngayon.

"Andito pala kayo. Asan ang papa mo?" tanong nang lalaki kay Charles. Magkakilala naman pala sila e.

"Bakit kayo naririto? Umalis na kayo dito." walang emosyon pang sabi ni Charles

"pamangkin hindi ikaw ang magdedesisyon nang bagay na iyan. Gusto kong sabihin mo sa iyong ama na mag uusap kaming dalawa" sabay alis nito.

Agad naman akong hinarap ni Charles na wala pa ring emosyon sa kaniyang mga mukha.

"Umuwi kana huwag kang magpapaabot nang gabi dahil delikado" sabi pa nito nakita kong itataas niya pa ang kaniyang kamay para sana hawakan ang mukha ko nang magsalita ang babaeng kasama niya.

"Charles halika na umuwi na tayo" sabay hila sa binata. Naririnig ko pang binubulyawan nang babae si Charles siguro dala lang din nang selos niya.

Umupo nalang akong muli. Nakita ko naman si Luigi na nakangisi sa akin.

"Hoy Bestfriend? Sino yon boyfriend mo ba?" tanong pa niya sa akin na nang-aasar

"Bulag kaba? Nakita mo na ngang kasama niya Yong Gf niya kanina tapos tatanong tanong kapa diyan." naiinis kong sabi sa kaniya.

" Oy may naamoy akong selos. May nagseselos dito dahil ang lalaking gusto niya ay may kasintahan na." tatawa tawa pa niyang asar sa akin

Tumayo nalang ako sa pagkakaupo at sinabunutan at binatukan ko si Luigi sabay takbo. Rinig na Rinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon dahil alam kong aasarin niya lang ako.

Nakauwi ako sa bahay namin na maayos at walang sugat pero may gumugulo naman sa isipan ko..

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz