Chapter 14

147 11 0
                                    


MICHAEL POV

Hinarap ko ang kapatid kong si Menandro kitang kita ang pag ngisi niya sa akin.  Noong mga bata pa kami ay magkasundong magkasundo na kami pero dahil sa isang pag-ibig dahil sa isang babae ay nasira kaming dalawa.

Dumating sa buhay namin si Belinda ang babaeng mahal ko at ang ina nang mga anak ko. Isang tao rin si Belinda naligaw siya sa aming Lugar habang tinutugis siya nang mga kapwa naming aswang kaming dalawa ni Menandro ang tumulong at nagtago sa kanya. Naging palagay kami ni Belinda sa isa't-isa hanggang sa nagka-ibigan kami nang tuluyan. Sa mga panahong yon ay nagseselos na pala si Menandro sa amin kaya isinuplong niya ang pinagtataguan namin ni Belinda habang hinahabol kami nang mga kalahi kong aswang hindi sinasadyang parehas kaming malaglag sa bangin. Dahil sa lakas ko bilang aswang galos lamang ang natamo ko pero ang babaeng mahal ko ay nag aagaw buhay. Nataranta ako dahil ayuko siyang mamatay kaya ginamit ko ang kakayahan naming mga anak nang hari o nakatataas sa lahi nang mga aswang. Kaya naming gawing aswang ang isang tao kapag Inubos namin ang dugo niya at palitan ito nang dugong aswang. Makalipas ang ilang araw nagbalik ako nang kaharian at kasama ko na si Belinda na isa nang ganap na aswang. Kinasal kaming dalawa at nabiyayaan nang dalawang anak na ikinagalit lalo ni Menandro na nagbunga nang pag patay niya sa mga tao.

"Maganda itong Lugar ninyo ngayon kong saan kayo nagtatago." sabi niya habang nililibot ang mga mata sa aming bahay.

"Menandro bakit ba kayo naririto?" hindi ko na napigilang itanong dahil alam kong may kailangan siya kong bakit siya naririto.

"Gusto rin namin dito manirahan." walang ka abog abog niyang sabi sa akin

"Hindi maaari ang gusto mo. Alam naman nating pumapatay kayo nang tao. Tahimik ang Baryo Ginapang kaya huwag niyo nang guluhin." Inis na sabi ko

"Hindi mo kami mauutusan kong saan kami mamamalagi. Hindi kami aalis sa Lugar na ito. Kong ayaw niyo kaming makasama kayo ang umalis." mayabang na sabi nito

"Kami ang nauna dito. Kaya kayo ang umalis." giit ko sa kanya

"Michael Michael!! Mahilig ka talaga mang angkin kahit hindi mo pag-aari no?" sabay ngisi niya sa akin

Dahil sa hindi ko na mapigilan ang Inis ko at dahil gusto niya rin nang asaran minabuti Kong makipagsabayan.

"Huwag mong ibalik sa akin ang ugali mo. Alam mong pag-aari ko si Belinda pero inaangkin mo pero sa kasamaang palad Menandro hindi ka manlang niya minahal dahil ako lang yon Menandro ako lang ang mamahalin nang asawa ko." sabay ngisi ko sa kanya. Kitang kita ko ang kaniyang kamao na handa nang manuntok at hindi nga ako nagkamali sinuntok niya ako Ngunit ako ay nakailag. Ito ang kahinaan nang kapatid ko magaling siyang makipaglaban ngunit mahina at pabigla bigla nalang ang kilos kapag galit.

"Menandro hindi kita papatulan dahil itunuturing pa rin kitang kapatid kahit na ikaw ay Traydor. Maaari kanang umalis" seryoso ko nang sabi sa kaniya. Umalis siya na nagpupuyos pa rin sa galit

Nilapitan naman ako nang anak kong si Charles. Hinanap ko sa kaniya si Leonora lumabas daw ito at namasyal muna. Natuwa naman ako dahil unang beses niya palang na lumabas mula nang lumipat kami dito.

Baryo Ginapang                     (COMPLETED) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora