Chapter 3

189 13 1
                                    

"Baby , mamimiss talaga kita" Napairap na lamang si Red nang  makita na naman ang nakapout na mukha ni Austin ..kasalukuyan silang nasa airport dahil ngayon na ang kanyang flight papuntang pilipinas para isakatuparan ang walang kwentang plano daw ni Com para sa kaligtasan nya .

"Pede ba Austin tigil tigilan mo ako sa pa baby baby mo ha " aniya habang nakaupo sa waiting area ...naglalaro lang sya sa cellphone habang naghihitay sila nang oras nang flight nya ...

"Basta ha Red wag mong lilimutan ang mga tinuro ko sayo ha ... Saka yung sabi ni Commander na dapat walang makaalam na nagpapanggap ka lang na lalaki ." paalala pa nito na animoy isang magulang na namamaalam sa anak nitong mag oofw at mamasukan bilang isang care giver.

"Oo na pang isang daang paalala mo  na ata yan mula nung umalis tayo sa condo" aniya habang patuloy pa rin ang paglalaro sa cellphone .

"Eh kasi eh baka makalimutan mo ...sabagay wala naman na tayong problema sa boses mo dahil malaking tulong ang malagong mong boses." Anito habang nakasandal sa upuan ...sa totoo lang marami na ang laging nagsasabi na boses lalaki daw sya ...kaya hindi mahirap sa kanya na magpanggap ngayon na lalaki  dahil malagong ang boses nya kumpara sa normal na boses nang isang babae ....sa mga mission nga nya eh laging ang alam nang mga nakakalaban nya eh lalaki sya tulad na lang nung pagkakaakala ni Mr . hubberton na sa kasamaang palad eh nalaman din na babae sya .

"At saka malaking tulong din na wala ka nyan" nagtaka sya kung ano ang tinutukoy nito na wala sya kaya napalingon sya rito ngunit halos umusok ang ilong nya nang makitang nakaturo ito sa kanyang dibdib.

"ARAY!!!ARAY!! Shakit!!!! Malakas na hiyaw nito matapos nya itong pingutin sa tenga .

"Napakabastos mo talaga!!!"aniya sabay pahabol pa nang isang kurot sa tagiliran. Pero totoo naman kasi na flat sya kaya halos ang naging problema lang nila nitong mga nakaraang linggo eh ang galaw nya at ang appearance nya pero naging madali lang ito dahil naging effective teacher nya si Austin pagdating sa pagkilos lalaki at pagpapaangas.

Bago rin sila mag practice eh nagpagupit sya nang buhok ...yun bang kung tawagin eh under cut ...bagay naman sa kanya pero naninibago pa rin sya .. Sa katunayan nga eh dahil maganda sya at maputi gwapo naman ang kinalabasan kaya lagi syang inaasar nuon ni Austin na nababakla na daw ito sa kanya ... Minsan ngay sinabi pa nito na baka raw maging hearthrob pa sya sa papasukan nyang school...naalala na naman tuloy nya nakailangan nyang magaral muli .

Ang sabi naman ni Com eh nakaayos na ang lahat nang kakailanganin nya sa pilipinas mula sa passport nya bilang Rckey Villamin at mga pekeng papeles nya para sa kanyang pagaaral ...hindi nya alam kung paano ito lahat nagawa ni Com pero wala na syang pakialam ang gusto na lang nya ngayon  matapos na itong lahat upang makabalik na sya sa pagiging agent hindi sa pagiging estuyante.

"Baby tara na !!" Naputol ang pagiisip nya nang tawagin sya ni Austin bit bit na nito ang mga bagahe nya ...tinatawag na pala ang lahat nang may flight nang 5:00 am agad syang tumayo upang kunin ang isang bag nya na dala rin ni Austin ...

"Tsk. Halika na baby!!" Pagsakay nya naman sa pangaasar ni Austin sa kanya na agad nitong ikinatawa ...mukang mamimis nya rin kahit papano ang kakulitan nito.

"Yiiieehhh tinawag nya akong baby!!" Parang tanga naman nitong sabi sabay kapit sa braso nya .

"Ayy bakla pala si kuya sayang pogi pa naman " nagulat na lang sila ni Austin sa narinig napalingon sila sa tatlong babae na nakatingin sa kanya habang mukang nanghihinayang talaga .

"Bwahahaha sayang ka daw baby !!!" Malakas na tawa naman ni Austin habang naka kapit parin sa kanya...nalimutan ata nila na naka pormang lalaki at gupit lalaki na sya kung makalingkis naman kasi tong si Austin nagmumukha tuloy silang magshota .

He's a SheWhere stories live. Discover now