Chapter 33

113 7 2
                                    

ABALANG ABALA SI Rckey sa paghahanap nang makakain sa ref at mga cabinet para mabaon nya sa pagpunta kila Tyler ,pagkauwi kasi nila galing sa mall ay napagusapan nilang dun na lang sya matulog.

"ATEEEEE!!!!!" halos mapatalon si Rckey sa pagkagulat dahil sa biglang pagsigaw ni Sky ...inis na nilingon nya ito sa bukana nang kusina.

"What the fuck is your problem sky?! aatakihin ako sayo !" aniya habang nakahawak sa bandang puso.

"ATEEEEE!!!" ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsigaw...kaya kunot noong pinagpatuloy na lang nya ang pagpili nang mga makakain.

"Ano na naman bang problema mong bata ka ha!tawag ka nang tawag !" singhal ni Sam nang makarating ito sa kusina habang nakapamewang.

"Ate.. tingnan mo!" parang batang turo sa kanya ni Sky ...na ikinakunot nang noo nya.

"Oh eh ano nga?" naiinip nang tanong ni Sam.

"Ate inuubos nya yung mga pagkain sa bahay ! pati yung mga snacks ko! saka yung mga candy !!baka wala akong makain mamaya tapos magugutom ako !" nagkatinginan silang dalawa ni Sam at pareho na lang napahampas nang palad sa noo...mukang palala na nang palala ang pagkaisip bata ni Sky.

"Saan ka ba pupunta ?" tanong ni Sam sa kanya .

"Tyler's house ....dun na rin ako matutulog." kalmadong sabi nya habang isa isang nilalagay sa eco bag ang mga pagkain na dadalhin nya .

"Ateeee!!! " halos paiyak nang sabi ni Sky pero hindi man lang ito pinansin nang ate kaya binelatan lang nya ito..nagmamadali namang pumunta si Sky sa ref at binuksan .

"atteee!!! yung mga Chuckie ko!!! saka ice cream!! saka...saka yogurt!! wala na !!" parang batang pagsusumbong ni Sky habang isa isang chine check ang laman nang ref.pigil naman ang tawang nagkatinginan sila ni Sam.

"gotta go guys!!..." mabilis nyang isinukbit ang dalang bagpack at binitbit ang mga eco bag na puno nang pagkain at bago pa man makareact si Sky ay tumakbo na sya palabas..."BYEEE!!!!" sigaw nya mula sa labas bago pumasok sa kotse.

Tatawa tawa syang nagmaneho papunta kila Tyler ...tinatamad kasi syang maggrocery para bumili nang makakain kaya yung mga stocks na lang muna nila sa bahay ang pinuntirya nya at ang ilan nga dun ay ang mga fav .food ni Sky.

"OMG !!!! Nandito na si Rckey Baby!!" napapikit na lang sya dahil sa malakas na tili ni Hanah ..ito agad ang bumungad sa kanya pagkapasok na pagkapasok nya sa bahay nila Tyler...dapat kasi ay silang dalawa lang ni Tyler ngayon pero dahil likas na chismoso si Denver ay nalaman nito kaya makikijoin na rin daw sila sa overnight nila pati rin nga si Hanah.

"San sila?" tanong nya kay Hanah na kasalukuyang nakapulupot na sa kanya medyo nasasanay na rin sya dito ...kahit masyadong clingy para na rin kasi nya itong kapatid ...minsan nga ay para itong girl version ni Sky.

"nasa taas na sila ..kaya lets go na !" hyper na  hinila sya nito paakyat nang hagdan .

At assual ay ang nagaasaran na namang sina Denver at Jhana ang bumungad sa kanila ...habang  Busy naman si Tyler sa kung ano habang nakasalampak sa kama nito...ayos lang naman ang kwarto ni Tyler pero kung ikukumpara sa kwarto nya ay mas maliit talaga ito..pero kumpleto rin naman ang gamit gaya nang isang kama na dalawang tao lang ang kasya ,isang study table , electric fan, at isang sofa.. may carpet din sa sahig kaya komportable pa rin kahit dun ka maupo. ..wala nga lang ditong CR dahil nasa baba .

"ano bang problema mo ha?! sabi ngang magkaibigan lang kami ni Andrei! at saka ikaw tinanong ba kita kung ano mo si Khate?! " hingal na hingal na sigaw ni Jhana kay Denver na ikinatulala nya sa mga ito ..ano naman kayang pinagaawayan nang dalawang to .

"Gusto ko lang naman malaman ah! masama bang magtanong saka ano namang kinalaman ni Khate dito ?!" sigaw din ni Denver .

"Magkaibigan nga lang kami ok!" ani Jhana

"Eh bakit ka nagpayakap sa kanya saka nagpahatid ka pa ha!" puno nang sarkasmong sigaw ni Denver napatingin naman sya kay Tyler na patuloy pa rin sa ginagawa nito pero nakangisi naman .Si hanah naman ay para lang nanunuod nang isang k-drama habang nakaupo na sa sofa .

"Eh ano naman! ikaw nga dyan...tuwang tuwa ka pa habang nakapulupot sayo yung maarteng Khate na yun!" balik na sigaw naman ni Jhana ...pero imbis na mag-alala sya sa pag-aaway nang dalawa ay napangisi na lang sya nang may mapagtanto.. someone's jelly.

"Eh bak---" hindi na natapos ni Denver ang sasabihin nang biglang sumingit si Tyler .

"Pwede bang manahimik kayong dalawa ...kung ayaw nyo naman ay dun kayo sa labas at mag-aminan na ." Napahagalpak naman sya nang tawa dahil sa sinabi ni Tyler ...habang si Hanah naman ay natawa na rin obvious naman kasing nagkakaselosan lang ang dalawa ..at base na natatandaan nya ay si Andrei ang partner ni Jhana sa activity at si Khate naman kay Denver curious tuloy sya kung anong nangyari.

"a-anong nakakatawa!?" singhal ni Denver na namumula na . habang si jhana naman ay todo ang iwas nang tingin dahil unti unti na rin itong namumula.

"Ok guys wag na natin pilitin ang mga torpe ....mabuti pa lets eats na lang muna" aniya dahil naaawa na sya sa dalawa na naging tampulan nang tukso ...itinaas naman nya ang bitbit na mga pagkain at syempre parang flash na lumapit sa kanya si Denver at ito na ang nanguna.

"Takaw talaga .." bulong ni Jhana habang umiirap .

"Mahal mo naman .." pangaasar naman dito ni Hanah kaya nakatikim ito nang kutos sa ate tatawa tawa naman syang sumunod kay denver upang kumain .

"hmmmm ang dami namang foods!" maya maya'y sigaw ni Tyler at mabilis na puwesto sa sahig kung saan nakalatag ang mga dala nyang pagkain.

"teka!! bakit wala yung mga cupcake ko dito ?!" reklamo ni Tyler habang nakapamewang sa kanya ...napansin naman nyang kanina pa mga nakatulala ang mga kasama nila...si denver na may nginunguyang Monde, si hanah na natigil sa pag cecellphone, at jhana na nasamid pa nang chuckie.

"ah oo nga pala ! ..." kunyari ay nalimutan nya pero ang totoo ay naiwan lang nya ito sa kotse.  busangot naman na tumingin sa kanya si Tyler habang nakacross arm.

"woah joke lang to naman ..oh.." aniya sabay hagis dito nang susi nang kotse nya ."... kunin mo na kamahalan nasa kotse ko lang " pang-aasar nya dito pero ngumisi lang ito at excited na tumakbo papuntang kotse.

Nagulat naman sya nang pagharap nya sa tatlo ay sobrang lapit na nang mga mukha nito sa kanya .

"W-What?" utal na tanong nya habang pilit nilalayo ang mukha nya sa mga ito .

"Ano yun?" -denver

"Nasaan ang totoong Tyler?"-Jhana

"anong pinakain mo sa kanya?"-Denver

"nasapian ba yun?"- hanah

"What are you guys talking about?" nakangiwing aniya habang isa isang pinaglalayo ang mukha nito sa kanya .

"Teka nga!! bat parang nag-iba si Tyler?" Gulat na tanong ni Jhana habang umiinom nang chuckie. Okay mukang alam na nya ang mga pinagsasasabi nito kahit naman sya ay naninibago din kay Tyler pero alam naman nyang ito talaga ang totoong Tyler kaya ikinatutuwa nya yun.

"Bakit hindi naman yun ganun pag kami lang ?" Pagtataka ni Denver.

"hay can you just guys be happy for him ." aniya na ikinatango lang nang mga ito sakto namang dating ni Tyler ...pero syempre nandun pa rin ang mga mapanuring tingin nila Denver habang si Tyler naman ay nakangiti at parang walang pakialam na kumain nang mga cupcake...cupcake lang pala ang katapat nito ...napangiti naman sya sa naisip..dahil ang cute cute ni Tyler sa paningin nya nanlaki ang mata nya sa huling naisip ..agad nyang tinakpan ang kanyang mukha dahil ramdam nyang namumula ang mga ito.

He's a SheWhere stories live. Discover now