Chapter 23

155 13 0
                                    

"Left! Right! Left! Right and ikooooot!!" Malakas na boses ni Sam ang maririnig sa buong sala habang nakasimangot naman si Rckey habang ginagawa ang mga itinituro nito .Alas otso na nang gabi pero may energy pa rin ito.

"Pwedeng time out muna ..." Aniya sabay lugmok sa sofa "... Hay ngalay na ngalay yung mga paa ko!" Reklamo naman nya . Simula pa kasi  kaninang hapon ay pinilit na sya nitong itrain at ngayon ay parang nagsisisi na sya dahil sinabi pa nya dito ang tungkol sa Ms. Astig 2020 .

"Ano ka ba eh hindi mo pa nga perfect yung pagrampa mo saka yung pagikot ! Kailangan ikaw ang manalo " inis na sabi naman nito habang pilit syang tinatayo sa sofa pero hindi sya nagpatalo at pilit binabawi ang kamay at dahil masyadong makulit si Sam ay natumba tuloy ito sa ibabaw nya .

"Ewww!! Pwede ba may bata kayong kasama dito oh !" Nagulat sila nang biglang pumasok sa pinto si Sky na may bit bit pang plastic bag ...agad naman silang naghiwalay ni Sam habang Tatawa tawa ...kung alam lang in Sky na wala naman iyong malisya .

"Sinong bata naman ang kasama namin dito eh ang tanda tanda mo na !" Asar naman nya kay Sky ...tuwang tuwa kasi sya pag naiinis ito dahil namumula ang mukha nito sa tuwing ginagalit nya.

"17 pa lang ako no kaya bata pa ako !!" Balik na sigaw naman sa kanya nito habang naglalakad papasok sa kitchen.

"Weh baka nga may girlfriend ka na eh ! Siguro may nahalikan ka na no?!" Asar nya dito bago pa man ito makapasok nang tuluyan sa kusina binigyan lang naman sya nito nang isang nakakalokong ngiti na nakita din ni Sam.

"Aba't anong ngiti yan ha Sky ...sino yang girlfriend mo ! Bakit hindi ko alam yan ! Ang bata bata mo pa ah" parang susugod sa gyera si Sam habang naglalakad pasunod sa kapatid nito ...hay buti na lang ay nalimutan na nito ang training sobrang sakit na talaga kasi nang sakong nya kahit kasi nung babae pa sya eh ..hindi naman sya nagsusuot nang heels .

Habang nagpapahinga ay nagring bigla ang phone nya ,dinampot nya ito at nakitang tumatawag si Austin.

"Oh." Usal nya nang lumapat sa tenga ang phone nya.

"Waaahhh! Baby i miss you na ! Ang dami kong ikukwento sayo pag nagki----"

"What really is it Austin ?." Putol nya sa sasabihin nito dahil alam nyang bago pa nito sabihin ang totoong pakay eh kung ano anong katarantaduhan pa ang sasabihin nito .

"Well ano its a bad news ." anito sa kabilang linya ..biglang sumeryoso ang boses nito tanda na seryoso talaga ang pakay nito kung bakit ito napatawag .

"Explain." Maikling tugon nya .

"Its about Mr. Hubberton , some of our team finally found him but something happen..." Bumuntong hininga muna ito." ...ilan sa mga co-agent natin ang namatay ." anito na ikinagulat nya mukang naniniwala na sya sa sinasabi nilang kakaiba nga ang sindikatong ito dahil ni minsan ay hindi pa sila nalalagasan nang kasamahan ngayon lang.

"What do you mean?! Pano nangyari yun!?" Medyo mataas na ang boses nya kaya siguro napalabas nang kusina sa Sam habang may nagtatakang tingin ...hindi nya muna ito pinansin.

"Mahirap magpaliwanag sa phone pero ang masasabi ko lang ay kailangan magingat ngayon Red dahil kumikilos na ang kalaban ..hindi tayo makakasiguradong hindi ka nila matutonton kahit pa nakadisguise ka ngayon." Mahabang paliwanag pa nito .

"Idetalye mo ngayon na para maintindihan ko" aniya .

"Hindi ako pwedeng magtagal sa pakikipagusap sayo Red dahil malakas ang koneksyon nang kalaban baka madetect nila ang usapan natin na to sa phone ...saka ko na lng sayo sasabihin ang lahat pagdating ko dyan ." anito.

"Teka ! You mean pupunta ka nang pilipinas? Kailan?" Hindi makapaniwalang sabi nya dito .

"Yes ..I'll be there in the philipines as soon as posible pero tatapusin ko muna ang mission ko para makaalis na agad ako" anito na may halong pangamba pero mas nangingibabaw pa rin ang saya .

He's a SheWhere stories live. Discover now