Chapter 35

131 4 0
                                    

"Shhhhhh..!! teka lang !"

"Wag kasi kayong magulo!"
*click *click *click

"Aray...Denver yung paa mo naman!"

"Ang ingay nyo...baka magising !"
*click *click *click
"Kunan mo pa dito sa side na to..dali!"
*click..

"Uwu..bat ang cute ni Baby Rckey !"
"Hanah alis dyan nahaharangan mo yung camera!"
*click * click
"Shhhh ..ang ingay nyo naman eh "
"Denver ayusin mo naman yung kuha ...ang cute nilang dalawa eh haha."

NAGISING SI RCKEY DAHIL SA SOBRANG INGAY nang paligid unti unti syang nagmulat pero agad din syang napapikit dahil sa biglang may nag flash sa mukha nya .

"What the--- What are you doing guys!" Gulat nyang tanong sa tatlo ..si Denver na may hawak na camera ..si Jhana na nasa tabi nito at Si hanah na kulang na lang ay mahalikan na sya sa sobrang lapit.

"Anong--?" Inaantok pang sabi nya .

"Hehe ang cute nyo kasi--" Ani Jhana habang nakaturo sa katabi nya...nangunot naman ang noo nya ..anong meron sa katabi nya eh unan lang naman ang kayakap nya, unti unti syang lumingon sa yakap nya at...

"Aaaaahhhh!!!!" Sa sobrang gulat ay agad syang kumalas sa pagkakayakap kay Tyler ..at oo si Tyler lang naman ang kayakap nya ngayon na inakala nyang unan at sobrang lapit nang mga mukha nila sa isa't isa ..dahil dito ay unti unti na ring nagising si Tyler.

"Anong...meron?" Walang kaalam alam nitong tanong habang nagkukusot nang mata ..agad naman syang umiwas nang tingin nang maalala na naman nya ang nangyari kagabi.

"Bakit kayo nanditong tatlo?" Naguguluhang tanong nito sa tatlo na akmang lalabas na nang pinto.

"Huh? hehe ..wala lang ..gigisingin lang namin kayo"Ani Denver habang unti unting tinatago ang camera sa likod nya...na mukang hindi naman nakatakas sa paningin ni Tyler.

"At bakit may camera kang hawak?" mapangduda na tanong ni Tyler.

"Huh?! Wala ah!" Defensive na sagot ni Denver habang unti unting lumalapit sa pinto kasunod ang dalawa ni Jhana.

"Denver patingin nang camera..." Ani Tyler at akmang tatayo na nang biglang kumaripas na nang takbo ang tatlo.

"Den--hoy!!! bumalik kayo dito !!Nanguha na naman kayo nang picture ano?!!" Sigaw ni Tyler habang dali daling hinabol ang tatlo sa labas ...naiwan naman syang nakanganga sa kwarto.

"And now it's going to be so awkward " Bulong nya sa sarili habang inaalala kung anong nangyari kagabi...after the kiss accident naging awkward na ang lahat sa kanilang dalawa..halos walang umiimik sa kanilang dalawa maliban kay Tyler nung sinabi nitong ready na ang kwarto ..after that halos mahulog na silang dalawa sa pagkakasiksik sa mag kabilang dulo nang kama and then nang magising sya ngayon ay magkayakap na sila ...thank god Tyler don't have any idea on what happened ..well of course mukang malalaman na rin nito maya maya sa mga pictures ni Denver.

Pagkatapos mag munimuni ay tumayo na sya at nagayos nang kama pagkatapos ay bumaba na sya para maghilamos dahil nasa baba ang CR nila Tyler...naabutan nyang binabatukan ni Tyler si Denver habang tatawa tawa namang nakikibatok din nang palihim ang dalawang magkapatid..nailing na lang sya sa kakulitan nang mga ito .

"Aray! oo na nga buburahin na !" Reklamo ni Denver habang nakahawak sa ulo nya

"Siguraduhin mo lang ang aga aga nang bubwiset ka !" Ani Tyler habang pinagkukurot naman ito sa tagiliran.

"Aray!! oo ng---hoy Jhana kala mo ha kita ko yun ! " Ani denver nang mahuli si jhana na nakikikurot din.

"Bakit silang dalawa kasama ko rin naman ah ! batukan mo rin sila!" pagrereklamo ni Denver kay Tyler habang nanguso at nakaturo sa magkapatid.

He's a SheWhere stories live. Discover now