Chapter 28

124 11 0
                                    

HINDI PA RIN MAKAPANIWALA hanggang ngayon si Tyler sa lahat nang nangyayari ..kanina lang ay nakakakita sya nang totoong baril sa unang pagkakataon. Wala pa rin syang matanggap na sagot sa tuwing magtatanong kung anong nangyayari at mas lalo itong nakakadagdag sa kaba at pagaalala nya.

"T-teka nga!! ano ba kasing nagyayari?!" sigaw ni Denver habang palipat lipat ang tingin kay Rckey na  busy sa pag aassemble nang baril, kay Sam na tutok sa laptop ,at kay Austin na kumakain sa isang tabi 😑.

"Calm down ok." ani Austin na matapos lumagok nang juice .

"paano kaming kakalma sa mga kinikilos nyo!! t-tapos! t-tapos may baril pa ! natatakot na ako!" histerikal na sigaw ni Jhana na maluha luha na..inalo naman ito ni Denver habang sya naman ay naguguluhan man pero pilit kumakalma.

"done. the camera our ok ..." ani Sam pagkatapos isara ang laptop at tumayo." Rckey ikaw nang bahala dito anytime dadating na sila" baling naman nito kay Rckey na tapos na rin sa pagaassemble .

"how about me?" parang batang tanong naman ni Austin na namumualam pa sa pagkain..hindi man lang ba to kinakabahan !?

"Ah! sasamahan mo dito si Rckey iiwan ko sayo ang laptop para icheck ang CCTV " paliwanag pa ni Sam ..aalis ba sila? eh pano naman sila nila Denver?

"Lets go guys !" baling sa kanila ni Sam na ikinakunot lang nang noo nila .

"S-saan ? bakit maiiwan sila Rckey dito ?" naguguluhang aniya . kamot ulo namang hinila na lang ni Sam ang dalawa ni Denver .

"lets go Tyler wala na tayong oras kaya na nila Rckey yan ang mahalaga sa ngayon ay ang kaligtasan nyo !" medyo nauubusan nang pasensya anito.

"Ligtas!? bakit ba kasi ...may panganib ba? saka bakit naman iiwan natin sila Rckey dito kung mapanganib !" sigaw nya nang mapagtanto ang nangyayari ..hindi man nila sabihin pero ramdam nyang may hindi magandang nangyayari..tumingin sya kay Rckey na nasa kaliwa nya at busy naman sa pagsilip sa bintana.

"H-hindi ako sasama! ay--"

"Tyler ano bang sinasabi mo !! natatakot na ako ..sumama ka na lang samin ..magtiwala tayo kay Sam!!?" umiiyak nang sigaw ni Jhana habang pinipilit syang hilahin ngunit nagpumiglas sya .

"Shit! nasa labas na sila!! Sam ilayo mo na sila dito !!" Ani Austin na biglang nagseryoso habang nakatutok sa Laptop. Si Rckey naman ay naghanda na habang hawak ang dalawang baril...lalong humagulgol si Jhana habang si Denver naman ay kinakabahan din pero pilit ring pinatatahan si Jhana.

"Tyler !! ano ba!! halika na !" Ani denver nang hindi pa rin sya sumusunod sa mga ito papuntang likod nang bahay....wala na syang nagawa nang hilahin sya ni Sam ..nagulat pa sya dahil sobrang lakas nito at kahit lalaki sya ay hindi nya magawang makawala ..anong klaseng mga tao ba ang mga ito .

"Sam! bitawan mo ko !! kung ikaw ayos lang sayo na pabayaan sila Rckey na mapahamak pwes ako hindi !!" sigaw nya dito at buong lakas na pumiglas sa pagkakahawak nito..wala nang nagawa ang mga ito nang muli syang tumakbo palabas sa sala..may naririnig na syang putok nang baril ngunit kahit abot abot sa langit ang kaba nya ay nagpakatatag sya mas nangingibabaw ang pagaalala nya sa dalawang naiwan lalo na kay Rckey ...bago makalabas ay naririnig pa nya ang malakas na iyak ni Jhana at pagtawag ni Denver.

Naatras sya nang makita kung ano na ang kaganapan sa sala ...sobrang daming nakaitim na mga lalaki ang nilalabanan ngayon sila Austin at Rckey gusto man nyang mamahangha sa galing at bilis sa pakikipaglaban nang dalawa ay hindi nya na magawa dahil kung kanina ay matapang sya ngayon naman ay mas nangingibabaw ang kaba at takot sa kanya. Nagkubli sya sa likod nang isang aparador ...duwag na kung duwan pero mahal pa nya ang buhay nya...oo lalaki sya at kahit papano ay alam naman nya kung pano sumuntok pero kung lalaban sya sa mga ito na pawang mga dalubhasa sa pakikipaglabam ay dehado sya . Nanlaki ang mata nya nang makitang nakikipaglaban at sabayan nang putok nang baril si Rckey gayon din Si Austin .

He's a SheWhere stories live. Discover now