Chapter 7

180 11 0
                                    

[A/N guys don't worry halos lahat naman nang character eh bibigyan ko nang POV pero hintay lang ...thank you ]

NAGLALAKAD si Tyler nang biglang sumabay sa kanya si Denver .

"Oi sabi ko na nga ba sa second gate ka na naman pumasok eh buti naabutan kita ! Diba sabi ko sabay tayo ?!" Hyper na naman na sabi nito ngunit tiningnan lang nya ito ...madalas lang sya dumaan sa main gate dahil mas malapit ang second gate sa bahay nila ..at dahil dito madadaanan nila ang parking lot ...kaunti lang ang may sasakyan dito sa University dahil nga public ito mas maraming estudyante pa rin ang mahihirap at hanggang motor lang ang kayang bilhin na sasakyan ..kaya malimit panay kotse lang nang mga prof at principal ang nagpapark dito

"Wait pre tingnan mo diba kotse ni Ms. Principal yon ?" Pigil naman sa kanya ni Denver habang nakatingin sa harap nila ,mula sa pwesto nila kitang kita mo nga ang kotse nang Principal nila pero ano naman ngayon

"Wait pre tingnan mo parang may kasama sya eh lalaki !" Parang chismoso naman itong nagkubli sa isang kotse ngunit nakasilip parin hinila nito ang ulo nya upang mapatingin sya sa loob nang kotse ,tama nga ito dahil may kasama nga itong lalaki sa kotse pero ang nakakagulat lang eh biglang tumungo si Ms. Principal sa tapat nang hita nang lalaki dahilan upang mapatungo ang lalaki siguroy para tingnan ang ginagawa nang principal sa kanya ...nakakainis lang dahil hindi nila makita ang ginagawa nang principal nila dahil nakasara pa rin ang pinto nag kotse pero hindi naman tinted masyado ang kotse

"Tangina pre ano sa tingin mo ang ginagawa ni Ms. Principal dun sa lalaki?!!" Gulat na tanong naman sa kanya ni Denver mukang pareho sila nang nasa isip

"Alam mo tara na late na tayo " aniya sabay labas sa pinagtataguan upang maglakad papunta sa main gate at dahil madadaanan talaga nila ang kotse nang principal medyo kinakabahan sya Ewan ba nya kung bakit ..samantalang etong si Denver  ay  dahan dahan pa ang lakad ..malapit na sila sa kotse at konti na lang makikita na nila ang muka nung lalaki pero biglang umangat ang ulo ni Ms. Principal kaya naharangan nito ang mukha nung lalaki

Mabilis naman silang lumagpas dahil baka makita pa sila nang principal.

"Ano ba yan konting konti na lang makikita na sana natin kung sino yung lalaki " hinayang na sabi ni Denver habang pinapakita ang loob nang bag sa security .

"Eh ano bang paki mo kung may ginagawa ba talaga sila?" Aniya dahil hindi nya maintindihan kung bakit affected ito masyado.

"Ihh kasi bro nakakapagtaka lang ...first time yun dude ...diba nga simula nung maging principal natin si Ms. Sam ni kailan wala pa akong nakita na kasama nun na lalaki eh para ngang walang panahon yun sa boyfriend boyfriend na yan!" Anito at napaisip din sya sabagay tama nga mukang first time nga na makitang may kasama itong lalaki

"Oh ayun pala yung si Rckey !!" Biglang turo naman nito sa bandang likuran nya ..dahilan para mapalingon din sya ..meron ngang lalaki na papasok pa lang pero parang hindi naman nya ito kilala

"Sinong Rckey?" Tanong nya nang may pagtataka .

"Ano ka ba Tyler seatmate kaya natin yan ...muka kasing di mo pinansin kahapon eh kaya di mo kilala ...transferee yan from US!" Hyper na paliwanag nito ...malayo pa ang naturang lalaki pero  pinuntahan na iyo ni Denver at hinili patungo sa pwesto nya.

"Rckey si Tyler nga pala , sya yung katabi mo kahapon "ani denver

"Tyler this is Rckey ang new classmate/seatmate natin !" Ani denver ...nakipagkamay sa kanya si Rckey ngunit kunyaring hindi nya ito pinansin at nagpatuloy sa paglakakad ...nasa likod nya naman ang dalawa at mukang nagkakamabutihan si Denver at Rckey dahil panay na ang kwentuhan nang mga ito , sya naman ay palihim na nakikinig lamang narinig pa nyang nagsosorry dito si denver para dun sa inakto nya rito kanina  yung hindi nya pakikipagkamay .

He's a SheWhere stories live. Discover now