Chapter 32

106 7 0
                                    

HINDI ALAM NI Rckey kung matutuwa ba sya o maiinis habang pinagmamasdan ang hirap na hirap na guard sa National Bookstore na kasalukuyang pilit pinipigilan ang mga babaeng nagkakagulo sa labas...kahit naman itanggi nya alam nyang ito ang mga babaeng kanina pa sumusunod sa kanila....may ilang nagpupumilit na pumasok at meron namang ilan na mas pinili na lang na manatili sa labas at kunan na lang sya nang picture.

"Grabe iba talaga pag gwapo ." pangaasar pa ni Tyler na kunyari ay busy sa pag hahanap nang mga gagamitin nilang props ..pero parang may iba sa tono nito ..parang medyo galit na naiinis .

"Tsk. shut up Tyler." aniya at pinili na lang na tumulong dito sa paghahanap.

"Para san ba tong pinagbibili natin ? ano bang kasing plano mo?" naiinip nang tanong nya dito .

"Basta akong bahala..." anito habang busy pa rin sa pagpili nang mga kung ano ano."...and ayan tapos na !!" nakangiting harap nito sa kanya sabay bigay nang mga napili nito sa kanya na ikinakunot lang nang noo nya.

"And ano naman ang gagawin ko dito?" takang tanong nya na ikinangisi lang nito .

"Ano pa ba ? edi bayaran mo na ! dali para mamamasyal pa tayo !" hindi sya makapaniwalang sya ang pinagbabayad nito.

"seriously ! do you see as a bank " pangaasar nya dito dahil talagang simula nung alagaan nya ito pagkatapos nitong lumabas nang hospital ay dun nya lang nakita ang iba pa nitong ugali or should we say he's true personality. malayong malayo sa una nilang pagkikita nung napakasuplado pa nito at tahimik.

"Hehe wala akong pera ngayon eh ..saka mayaman ka naman kaya ok lang yan !" nakangisi pa ito na ikinatawa na lang nya at agad na dumeretso sa counter.

Pagkatapos magbayad ay lalabas na sana sila nang bookstore pero agad silang napatigil nang hindi pa rin pala umaalis ang mga babaeng kanina pa nagaabang sa labas .

"Shit.." naibulong na lang nya na rinig naman ni Tyler .

"So pano tayo lalabas nito ?" Natulalang tanong ni Tyler.

"Ano ba kasing kailangan nila ? nakakairita na!" naiinis na sabi nya habang nakakunot ang noo ...hindi nya alam pero simula nang pumasok sila sa loob nang mall ay para bang lagi syang naiinis .

"woah ! parang ang init ata nang ulo mo ngayon ?" gulat na lumingon sa kanya si Tyler na ikinairap lang nya ...mabilis din syang maasar ngayon .

"i have an idea ..." seryoso nyang sabi dito sabay hawak nang mahigpit sa mga pinamili nila.

"ano nama--" hindi na natapos ang sasabihin ni Tyler dahil mabilis nya itong hinila at saka sila nakipagsiksikan sa mga babaeng walang humpay sa pagtili ,nang alam nyang malapit na silang makawala ay mabilis syang tumakbo habang hawak pa rin ang kamay ni Tyler.

"Ha! g-grabe napagod ako dun ah! hindi man lang nang-inform!" Reklamo nang hingal na hingal na si Tyler habang nakahawak sa magkabilang tuhod nito habang sya naman ay hingal din na nakasandal sa pader ..mabuti na lang at nailigaw nila ang mga babae ...hindi lang nya alam kung nasaan na ba sila dahil ito ang unang beses nyang pumunta sa Mall simula nang dumating sya dito sa pilipinas.

"where are we?" tanong nya sa kasama habang lumilinga sa paligid.

"huh? first time mo dito?" gulat na tanong nito ..na ikinatango lang nya.

"ahh...nandito tayo ngayon sa Second floor malapit sa food court." paliwanag naman nito na mukang nakabawi na sa pagkahingal.

"ah ok good ..lets eat then first" anya dahil parang gutom na rin sya.

"ok basta libre mo ha?..." napalingon naman sya sa kasama na mukang habang tumatagal ay pakapal na nang pakapal ang mukha samantalang nung yayain nya ito dati ay todo tanggi pa ito.

He's a SheWhere stories live. Discover now