Chapter 13

157 15 0
                                    

NAGULAT si Tyler nang biglang nagkukumahog na lumabas nang room si Jhana ..nagkatinginan sila ni Denver at agad sinundan si Jhana .

"Jhana!! San ka ba pupunta?!" Aniya habang hinihingal.. ang bilis kasi nitong tumakbo at sa cafeteria na nila ito naabutan.

"Napagod ako dun?!" Ani Denver na kakarating lang at hinihingal naiwan nya kasi ito kanina kahit sabay naman nilang sinundan si Jhana.

"HOY!!! Teka nga lang ano bang problema?!" Aniya kay Jhana habang mabilis pa rin silang naglalakad ...pero parang papuntang clinic ang tinatahak nilang daan.

"Si hanah kasi !!.." Ani Jhana sabay lingon sa kanya."nasa clinic si Hanah tumawag sakin si Rckey!" Anito na puno nang pagaalala ...ano naman kayang nangyari kay Hanah?

"Bakit naman mapapapunta si Hanah sa clinic nang university??" Nagtatakang singit naman ni Denver na pilit pa ring humahabol nang lakad sa kanila ni Jhana .

"Hindi ko alam ..bilisan na lang natin !" Sabi ni Jhana at tumakbo muli papuntang clinic nakasunod lang naman sila dito ...nagaalala din sila pero  alam nila mas sobra ang pagaalala ni Jhana sa kapatid nito.

"ANONG NANGYAREEE!?" Nagaalalang tanong ni Jhana kay Rckey pagdating nila sa clinic habang nasa tabi nang kapatid nitong natutulog at may ilan ding mga galos sa braso at binti.

"May muntik nang mang rape kay Hanah--"

"ANO !! SAAAN!!!?" Gulat na putol naman ni Jhana sa sasabihin pa dapat ni Rckey.

"Yes muntik nang marape ang kapatid mo buti na lang nandun ako sa lugar at nakita ko sya" paliwanag naman ni Rckey habang hindi pa rin nawawala ang pagalala sa boses ..kita nya sa mukha ni Rckey ang pagaalala ... Pero sa pagkakalam nya ito pa lang siguro ang pangalawang beses na nagkita ang mga ito dahil una ay nung sinundo sila nito sa bahay nila Jhana. Sabagay baka naman nagalala ito dahil kapatid ni Jhana si Hanah.

"Guys una na ako sa inyo ha may gagawin lang ako andyan na naman kayo para bantayan si Hanah eh .!" Nagulat na lang sila dahil nagmamadaling nagpaalam sa kanila si  Rckey  at agad na lumabas nang clinic .

Pagkaalis ni Rckey hindi nila inaasahan ang pagdating ni Jared na para bang ginahasa ang itsura.

"NASAAN SI HAAANAH!!!" OA na bungad ni Jared pagkapasok na pagkapasok nito sa clinic .Nakanganga lang naman sila dito habang halos paalisin sila sa harap upang malapitan ang natutulog pa ring si Hanah.

"OA naman !!" Asar ni Denver na naitulak na pala ni Jared sa kabilang kama natawa na lang silang lahat sa itsura nito.

"Pano mo nalaman na nandito si Hanah?"nagtatakang tanong nya .

"Jhana texted me " mahinahong tugon naman nito.

"Pero totoo bang pinagtangkaan si Hanah?" Anito habang hawak ang mga kamay ni Hanah ...teka parang may mali dito ..una ang pagka OA nito kanina pangalawa ang paghawak nito sa kamay ni Hanah ngayon na punong puno nang pagaalala ..sa pagkakaalam naman nilang lahat eh si Hanah ang matagal nang may gusto dito pero si Jared naman eh never nagkainteres Kay Hanah dahil Hindi daw sya pumapatol sa mas bata sa kanya.

"Ok lang ba sya?" Ani Jared .

"Oo sabi ni Rckey mukhang napagod lang nang sobra sa pagiyak si Hanah kaya nakatulog ." tugon naman ni Jhana

"Sinong Rckey?" Ani Jared

"New friend namin sya ...sayang hindi mo naabutan gusto ko pa naman syang ipakilala sa iyo !" Excited na sabi naman ni Denver.

"R-rckey?" Napalingon silang lahat kay Hanah na kasalukuyang gising na pero bakas pa rin ang pagiyak nito sa mga mugto nitong mata.

"Omyghad!! Hanah ayos ka lang ba? Bakit ka ba kasi napunta sa lugar na yon! Alam mo bang sobra akong nagalala!" Ani Jhana na agad lumapit sa kapatid agad naman tumayo si Jared palapit sa kanya upang bigyang daan si Jhana .

He's a SheWhere stories live. Discover now