Chapter 9

189 14 0
                                    

"So sinasabi mo ba na bukod kay Ms. Principal eh may iba pang babae si Rckey !??"Gulat na tanong ni Jhana kay Denver ...matapos kasing magpaalam ni Rckey sa kanila agad silang hinila ni Denver sa loob nang bahay nya at kinuwento nga nito ang nakita nitong panty sa loob nang CR ni Rckey.

"Pwedeng oo pwedeng hindi pero dapat muna nating pagtagpi tagpiin ang lahat nang pangyayari" ani Denver habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa set nila.

"Oh sige una yung sinabi mong nangyari sa Office  sure ka bang si Rckey yun?" Ani Tyler na nakaupo sa set .

"Oo naman kitang kita ko kaya nung pinapasok sya ni principal !!" Depensa naman nya.

"Kung ganun hindi kaya si Rckey at yung nakita natin na kasama ni Ms. Principal sa loob nang kotse sa parking lot eh iisa?" Para bang detective na sagot ni Tyler

"Tumpak!!! At kung may something nga sila , yung panty na nakita ko sa CR eh kanino naman ? "denver said habang busy naman sa paglalaro nang candy crush

"Its either kay Principal yon oh sa iba pang babae kasi pangalawang beses ko na syang nakitang may ka text pero hindi naman ang pangalan ni Ms. Pricipal na Samantha ang nakalagay dun kundi Pink" patuloy na paliwanag ni Tyler

"Alam nyo tigilan nyo na yan umuwi na lang kayo gabi na kaya baka hinahanap na kayo sa inyo!" Aniya at agad pinagtulakan palabas ang dalawa .

"Ah basta kailangan maging mapagmatyag tayo sa mga susunod na mga araw!" Pursigidong pahabol pa ni Denver bago ito lumabas sa gate nila.

Ano kaya talagang meron kay Rckey napakamisteryoso naman kasi nang pagdating ni Rckey sa buhay nila

Pagkatapos magbihis nang pambahay dumeretso papunta sa kwarto nya ...mukang tulog na ang papa at kapatid nya anong oras na rin kasi sila nakauwe ...dala nang pagod sa paggagawa nang research ay mabilis syang nakatulog.

Kinabukasan maagang nagising si Jhana upang maghanda nang umagahan masaya syang naghahain sa lamesa nang biglang may kumatok sa pinto nila...sino naman kaya yun ang aga aga pa

"Anong--" hindi na nya natuloy ang sasabihin nang makita sa harapan nya ang nakangiting si Rckey

"Good morning ! Breakfast?" Masayang bati naman nito sabay taas nang mga bitbit nitong plastic

"Ah ikaw pala Rckey bat ang aga mo naman ata !" Gulat na sabi nya at agad pinapasok nang bahay panay naman ang lingon nito sa buong kabahayan nila.

"Pasensya na ha maliit lang bahay namin ..tara sa kusina ano ba yang dala mo ?" Aniya nang mapansin ang marami nitong dala

"Ah eto maaga kasi akong nagising eh wala naman kasama sa bahay kaya naisipan kong pumunta dito ..bumili na din ako nang pagkain para sa breakfast "anito habang nakasunod sa kanya papuntang lamesa

"Nako nagabala ka pa nagluto na ako nang umagahan oh pero sige ihanda na rin natin yang dala mo " aniya at agad na kinuha ang mga dala nito ...na bacon, hamburger, spaghetti, coffee at marami pa grabeng dami naman nito magkano kaya ito baka kung bibili sya nito eh ubos na ang pang one week nyang baon

"Ang dami naman nito .!" Saad nya habang nagdagdag pa nang isang pinggan para kay Rckey .

"Haha ok lang yan ..kaya rin dumaan ako dito para sabay sabay na tayo pumasok ..teka san ba ang bahay nila Denver at Tyler? " Rckey said habang busy pa rin sa paglibot nang tingin sa kusina...

"Dyan lang sila nakatira sa katabing bahay namin, si Denver dito "turo sa kanang bahay "at si Tyler naman dito"  baling naman nya sa kaliwa
Tumango lamang si Rckey bilang tugon

"Ateee!! Kaninong kotse yu---" hindi natapos nang kapatid nya ang sasabihin nang makita si Rckey nakaupo sa hapag agad namang ngumiti si Rckey rito bilang pagbati habang ang kapatid naman nya ay nakanganga pa rin

He's a SheWhere stories live. Discover now