Chapter 25

137 12 0
                                    

HINDI  naman kinakabahan si Rckey kahit sya na ang susunod na aakyat sa stage pero mas OA pa si Sam kung kabahan sa kanya .

"Omygad! Rckey wag kang kakabahan ha basta kailangan chin up ka lang!" Naririndi na sya sa boses ni Sam hindi naman talaga sya kinakabahan mas kinakabahan sya ngayon sa mga tingin nang ibang contestant sa kanila ngayon..pagtataka at pagkagulat ang makikita ngayon sa mukha nila ..bakit nga naman hindi eh kinakausap sya nang principal nila.

"Sam pwede ba wag kang maingay ..ikaw pa naman ang principal dito ..ang dami nang tumitingin satin oh" pabulong pero may diing nyang sabi kay Sam .

"Ah hehe sorry naman sige na nga punta na ako sa labas dun na lang kita papanuorin ..goodluck." Mahinang bulong naman nito pagkatapos ay lumabas na ito sa backstage ..nakahinga naman sya nang maluwang.

"Pre close pala kayo ni Ms. Principal? " nagulat sya nang biglang lumapit ang ibang contestant sa kanya ..

"Huh? A-ah eh close friend ko lang sya kaya ganun" alanganing sagot naman nya .Pero parang hindi naniniwala ang mga ito.

"Naniniwala talaga kayo dyan ?! Tingin nyo magkaibigan lang sila ? Eh sa ganda ni Ms. Principal imposibleng kaibigan lang ang tingin ni Rckey dun!" Nagulat sya sa biglang pagsingit nang isang lalaking contestant din parang namumukhaan nya ito pero di nya Alam kung saan.

"Kaya nga remember pre ang sama nang tingin nya satin non nung kasabay nya si Ms. Principal !" Gatong naman nang katabi pa nitong isang lalaki . Teka? Parang naaalala na nya ..eto yung sinamaan nya nang tingin dati dahil kung makatingin ito sa legs ni Sam eh parang manyak .

"Huh anong sinasabi nyo dyan? Eh sabi nga ni Rckey magkaibigan lang sila" depensa naman sa kanya nang unang nagtanong sa kanya buti pa ang isang to mabait ...hindi na lang sya nagsalita pa ayaw nya nang gulo .

"Talaga lang ha ..alam nyo ba na may ilang beses nang nakakakita sa kanya na pumupunta sa Principal's office !" Naiinis na talaga sya dito sa mayabang na lalaking to kung hindi lang sya nakagown at heels ngayon  ay baka nasapak na nya ito.

"Can you just shut your fucking mouth!" Nanggagalaiting singhal nya rito dahil baka kumalat pa ang mga pinagsasabi nito...sasapakin sana sya nang lalaki pero mabilis nya itong tinalikuran upang pumunta sa stage ..sakto kasing narinig na nya ang pangalan nya .

Hindi pa man sya lumalabas nang todo sa stage ay malakas na hiyawan na ang maririnig sa buong gymnasium nangingibabaw dito ang mga babae...pero nang nagumpisa na syang rumampa ay nakisali na rin sa paghiyaw ang mga lalaki .

"Whooo  GO RCKEY!!!" napalingon sya sa mga kaklase nyang todo ang pagchicheer . pinagpatuloy nya ang pagrampa hangang makarating sa harapan nang mic nilibot nya nang tingin ang buong gymnasium at panay gulat ,kilig at pagtataka ang nakikita nya ngayon sa mga mata nang manunuod maging ang mga judges ay nakanganga na lang .

"Hi everyone ! Im Rckey Villamin, Ms. Astig of Section A!" Pagpapakilala nya ...nilibot nya muli ang tingin pero napako lang ito ngayon sa lalaking kasalukuyang kumukuha nang picture sa kanya ...si Tyler para bang hindi na nya marinig ang sigawan nang mga Manunuod pakiramdam nya ay nakatitig din sa kanya ito kahit nakatapat sa mga mata nito ang camera habang nakatutok sa kanya .

"GO BABY!!!?" Natauhan sya sa narinig na sigaw nilibot nya ang tingin sa buong lugar gayun din ang halos lahat na manunuod pero wala naman syang nakita ..alam nya kung kaninong boses yun iisang tao lang naman mahilig tumawag sa kanya nang ganun...nakauwi na ba ito ?

HINDI  alam ni Tyler kung anong nangyayari sa kanya..pilit man nyang baliwalain ay alam nyang may kakaiba sa kanya sa tuwing malapit si Rckey sa kanya kahit nga ang makita lang ito at marinig ang pangalan ay para bang pinagpapawisan sya dagdag pa ang mabilis na pagtibok nang puso nya...napahilamos muli si Tyler ..pagkatapos kasi nang contest ay dumeretso sya sa CR para mag hilamos upang mabawasan ang anit na nararamdaman .

Pagkatapos mag CR ay dumeretso na si Tyler sa tent ni Rckey nakatanggap sya nang text mula Kay Denver na sya na lang daw ang kulang kaya kahit parang ayaw nyang pumunta dahil alam nyang naroon din si  Rckey ay pumunta rin sya. Unang bumungad sa kanya sa loob nang tent sila jhana at Denver na assual ay nagkakaasaran na naman sumunod naman ay ang mga kaklase nilang ibat iba nang ginagawa lumingon din sya sa sulok nang tent kung saan naroron din ang ilang fans ni Rckey na walang ibang ginawa kundi kumuha nag picture ni Rckey na kasalukuyang nakaharap sa salamin habang hawak ang tissue mukang magtatanggal ito nang make up na hindi naman nito magawa dahil busy ito sa phone.

"Oh Tyler!" Napapitlag sya nang mapalingon sa kanya ito at kinawayan sya upang lumapit ..hindi nya alam kung bakit tinawag lang naman nito ang pangalan nya pero kung makareact ang puso nya ay grabe na ..ano ba talagang nangyayari sa kanya ? ...pinilig nya ang ulo at pilit kinakalma ang sarili habang papalapit sa kinauupuan ni Rckey.

"C-congrats " aniya dahil ito ang nanalo sa contest kanina hindi naman na katakataka dahil magaling naman ito at maganda..este poging maganda .

"Thanks, Btw bakit bigla ka na lang nawala nung pababa na ako nang stage ?" Nagtataka nitong tanong habang panay pa rin ang pindot sa cellphone.

"Ah nag CR lang ." aniya habang pilit sinisilip ang phone nito.

"Tanggalin mo muna ang makeup mo baka katihin ka" aniya habang seryoso ang boses hindi na nya talaga Alam kung anong nangyayari sa kanya para bang naiinis sya dahil wala sa kanya ang atensyon nito kundi nasa phone.

"I'll do that later ." anito habang patuloy pa rin sa pagtetext ...medyo naiinis na talaga sya .

"Wait! What are you doing !? Give me back my phone!" Gulat na sigaw ni Rckey matapos nyang hablutin ang cellphone nito . tinaasan lang nya ito nang kilay .

"Tanggalin mo muna ang makeup mo para makuha mo to" kondisyon nya na ikinakunot  nang noo nito pero agad ding namang kinuha ang tissue at humarap sa salamin. Nakita nyang nahihirapan ito kaya kinuha nya ang Tissue mula sa kamay nito.

"I can do it alone Tyler" anito pero hindi na lang nya ito pinansin at iniharap sa kanya ang mukha nito.

"Whatever basta ba ayusin mo " bossy nitong tugon ...pinagpatuloy lang nya ang ginagawa ...hindi nya maiwasan titigan ang buong mukha nito ...simula sa mata, ilong ,pisngi at huli ay labi na ikinalunok nya ...napailing na lang sya sa naiisip , hindi pwedeng maattract sya kay Rckey dahil isa itong lalaki ! Nababahala na talaga sya sa sarili , naisipan na nyang umiwas muna dito ngunit ano namang idadahilan nya wala namang ginagawa sa kanya yung tao para iwasan nya .

"Ok na ba ?" Nagulat sya sa biglang pagsasalita ni Rckey mukang kanina pa pala sya nakatulala dito.

"Tapos na pero maghilamos ka muna" aniya matapos ilagay ang tissue sa basuran na kalapit lang nang upuan nya.

"Ok i'll just wash my face then" anito sabay lakad papunta sa CR. Habang naghihintay ay tumingin muna sya sa paligid ...ang kaninang nagaasaran na sina Denver at jhana ay nakaupo na sa isang tabi sa sahig at may pinapanuod na kung ano sa phone ni Jhana ..ang ibang kaklase naman nila ay busy pa rin sa kanya kanyang ginagawa ...habang ang mga nasa likuran lang nyang mga Fans ni Rckey ay sya naman ang pinipicturan ...napangiwi na lang sya mukang maging sya pala ay gusto rin nang mga ito.

Nagulat sya at napatingin sa phone ni Rckey na hawak pa pala nya  may text kasi dito ...ayaw man nyang makialam pero sadyang gusto nyang malaman kung sino ang katext nito kanina .

Baby: hey do you really love knowing me waiting for your reply?!

Baby: ok if you are too busy then i just wait you outside in your school ..meet me at the parking lot .

Napakunot na lang sya sa nabasa eto pa lang Baby ang kachat ni Rckey ..pero tama ba ang narinig nyang magmimeet ang dalawa mamaya sa parking lot ?

Babasahin pa sana nya ang ibang pinagusapan nang dalawa pero lumabas na si Rckey sa CR kaya taranta nyang binack ang phone .

" can I have my phone back now?" Medyo asar na sabi ni Rckey . Wala namang syang nagawa kundi ibalik ang phone nito ,umupo ito sa upuan habang busy na naman sa phone nakita pa nyang medyo napangiti ito hindi kaya nabasa na nito na nakikipagmeet mamaya yung baby sino ba kasi yun ?

"Umh guys I'll go outside may gagawin lang ako !" Maya maya ay dali daling paalam ni Rckey sa kanila nila Denver hindi na nito hinintay ang pagsangayon nila at mabilis itong lumabas nang tent. Hindi nya Alam pero parang may sariling utak ang mga paa nya at agad tumayo pasunod Kay Rckey .

He's a SheWhere stories live. Discover now