Chapter 12

166 12 0
                                    

MAAGANG  naghanda sa pagpasok si Rckey dahil sasabay sya ngayon kay Sam pagpasok .

"Rckey!! Lets go!" Sigaw ni Sam mula sa sala kaya nagmadali na syang kumilos at bumaba.

"Tara na !" Aniya sabay takbo papuntang frontseat habang si Sam naman ang naglock nang bahay.

"Sya nga pala magkikita ba kayo ngayon nang kapatid mo?" Tanong nya Kay Sam  habang nagsisimula nang magdrive .

"Yes ! Pero mamaya pang hapon kasi may kailangan pa akong gawin sa office ."Anito na ikinatango lang nya . Ilang minuto pa ang lumipas at malapit na sila sa school .

"Dyan mo na lang ako ibaba Sam!" Aniya nang maalalang may activity nga pala sila ngayon saktong nakita nyang may school supplies store na madadaanan nila.

"Huh? Bakit? " ani Sam habang itinatabi ang kotse sa kalsada .

"May bibilhin lang ako...sige mauna ka na bye!!" Aniya habang binubuksan ang pinto at lumabas .

Pagkaalis ni Sam pumasok na sya sa tindahan at agad binili ang mga kailangan . Konti na lang ang lalakarin nya at school na ..habang naglalakad hindi nya maiwasang pagmasdan ang paligid dahil ngayon lang sya nakapaglakad dito ...napansin nya ang ilang Cafe, 7/11, Salon at may malapit rin palang Mall dito na matatanaw ...may ilang parang kariton na pinagkakaguluhan nang mga estudyante hindi nya masyadong makita pero may mga hawak itong mahaba na parang stick tapos kinakain nila .

"AHHH?" Natigil sya sa pagmamasid dahil parang may narinig syang sumigaw malapit sa kanya.

"Tulong!!!" Parang nanggagaling ang sigaw mula sa isang kanto na nalagpasan nya nang kaunti . Hindi na nya sana ito papansinin nang biglang may sumigaw ulit

"Parang awa nyo na! WAG! TULOOONG!!!" Mabilis syang tumakbo papasok sa kanto kung saan may makipot na eskinita ..pamilyar sa kanya ang boses na narinig

"What are you doing ?" Singit nya sa akmang paghalik nang isang matabang  lalaki sa sabu-sabunot nitong isang babae na walang humpay sa pagiyak.

"At sino naman tong amerikanong hilaw na to ?!" Nanggigigil na sigaw naman nung mataba.

"Upakan na ba namin boss?" Mayabang na tugon naman nang isang lalaki sa kanan nya. Kung bibilangin mahigit nasa anim ngayon ang mga kaharap nya .

"Alam nyo na ang gagawin!" Sigaw nang matabang lalaki sabay sugod sa kanya nang mga lalaking mukang drug addict .

Unang sumugod ang medyo payat na lalaki agad itong sumuntok ngunit madali lang nya itong nasalo nang kaliwang kamay at walang kahirap hirap na pinilipit ang braso ..narinig pa nya ang paglagutok nang buto nito.

"ARAAY!!" hiyaw nito ...hindi pa man ito bumabagsak sa lupa eh may dalawa na agad na sumugod sa kanya at katulad nang mga nauna binalian din nya ito nang mga buto. Sumugod din ang dalawa pang natitira pero dahil nakita nyang sinisira na nang matabang lalaki ang blouse nang babae ay mabilis nyang binigyan nang isang matinding suntok sa sikmura ang sumugod ..mabilis syang pumunta sa kinaroroon nang babae na kasalukuyang umiiyak na nang sobra.

"Wag po please!!!" Pagmamakaawa nito at hindi pa man nya nakikita ang muka nang babae at kilalang kilala na nya ito ..dahil sa sobrang galit agad nyang hinawakan sa balikat ang lalaki at nang humarap ay binigyan nya ito nang isang ubod nang lakas na suntok nang mapahiga ito sa semento hindi pa sya nakuntento dahil hindi nya ito tinigilan nang suntok hanggang mawalan ito nang Malay....natauhan sya at naalala ang babae nang kanina pa umiiyak.

"Hanah ! Are you ok ?" Nagaalalang tanong nya rito pero nanatili lang itong umiiyak at nanginginig sa takot.
"Hanah stop crying its alright" aniya na pilit pa rin itong hinahawakan sa balikat pero Panay pa rin ang pagiwas nito habang umiiling

"W-wag po ..w-wag po" sabi nito habang patuloy pa rin ang piglas sa tuwing hahawakan nya ito pero agad nya itong niyakap kahit pilit pa rin itong nagpupumiglas.

"Sshhh.. Everything is ok now Hanah" pagpapakalma nya rito.

"Hanah look at me! It's  me Rckey" Anita habang hawak ang ang magkabilang pisngi ..upang huminahon ito ..tumingin naman ito sa kanya at unti unti ang mata nitong puno nang takot ay napaltan nang pagkakalma

"R-rckey!!" Sigaw nito sabay yakap nang mahigpit ramdam nya ang sobrang takot nito kanina sa nangyari niyakap rin nya ito nang mahigpit at hinagod ang likod.

"Shh..I'm here ...it ok " pagaalo nya dito .

"Oh shit!" Mabilis syang kumalas sa pagkakayakap Kay Hanah ..agad nyang hinubad ang suot coat at ibinalot ito sa katawan no Hanah ngayon lang nya naalala na halos mahubadan na pala ito dahil sa punit nitong blouse .

"T-hank you " mahinang tugon naman nito sabay yakap sa sarili .

"Hanah are you ok now?" Tanong nya na tinugon lang nito nang isang tango.

"Can you walk?" Tanong nya pa na agad nitong tinugon nang isang tango. Inalalayan naman nya ito patayo pero hindi pa man nakakatuwid nang tayo at agad itong nabuwal ..ramdam nya ang panginginig nang tuhod nito kayat hindi na sya nagdalawang isip na buhatin ito ..mabuti na lang at maliit ito kaya kahit papano eh nakaya nya ito.

Nang makalabas nang eskenita kung saan nya iniwang nakahandusay ang mga lalaking binugbog nya kanina at patuloy lang sya sa paglalakad habang buhat si hanah nang pa bridal style halos pagtinginan sila nang bawat taong makakasalubong.

"Umh..Rckey .. Mabigat ata ako" nanghihinang sabi ni Hanah habang napulupot ang dalawang braso sa leeg nya.

"No you're not ...stop talking now just sleep ok ."Anita dahil ramdam nya ang sobrang pagod nito at takot kanina sa nangyari hindi naman na umimik ito siguro ay nakatulog na.

"OH EM GEEE!!!! Si Rckey nang Section A yon diba??!"

"Sino young buhat nya!?"

"Ang swerte nung girl!"

"May girlfriend na si Rckey babe?!!"

Ilan lang yan sa mga narinig nya mula nang pumasok sila sa school ...naisip nya kasi na sa school na lang dalhin so Hanah dahil may clinic naman dito buti na lang pinayagan sila nang guard na pumasok .

Nang makarating sa clinic inihiga nya sa isang kama si Hanah ...at agad pinaasikaso sa nurse ang mangilan ngilan nitong galos na nakuha mula sa paglalaban nito kanina sa mga lalaki.

Habang abala ang nurse ..lumabas muna sya sa clinic upang tawagan si jhana tungkol sa nangyari sa kapatid nito.

Bumalik sya sa loob at pinagmasdan ang natutulog pa ring si Hanah may bandaid ito sa kaliwang pisngi, kanang braso at magkabilang tuhod .Bakas pa rin sa mata nito ang matinding pagiyak kanina dahil sa namumugtong mga mata . Mamaya na lang siguro nya ito tatanungin kung ano ba talaga ang nangyari at bakit ito napunta sa lugar na yon.

He's a SheWhere stories live. Discover now