Chapter 36

119 7 6
                                    

KINABUKASAN MAAGANG NAGISING. si Rckey  dahil may pasok na naman, kahit tinatamad syang bumangon dahil meron sya ay pinilit pa rin nyang magready .Kanina pa nauna si Sam dahil marami pa daw itong aasikasuhin ... kasalukuyan na syang nagdadrive papuntang University at naipit pa nga sya sa traffic ..nang parang namataan nya si Hanah na naglalakad.

Hindi na sana nya ito papansinin nang makita nyang may lumapit dito na mga lalaking estudyante siguro mga nasa College na rin ang ilan ...hindi man nya naririnig ang usapan pero kita naman nya na may hindi magandang nangyayari base sa reaksyon ni Hanah .

Mabilis nyang tinabi ang sasakyan at lumabas para puntahan ang kinaroroonan ni Hanah .

"Ibigay mo na lang kasi Hanah para wala tayong problema." Rinig nyang sabi nang isang matabang lalaki kay Hanah habang nakalahad ang palad nito. Nakita naman nya na mahigpit na niyakap ni Hanah ang bag nito.

"W-wala kayong makukuha sakin Runsel " Mahinang usal ni Hanah habang pilit na umiiwas sa pagkakaharang nang mga ito sa daan.

"Panong wala eh napagusapan na natin to ah ! Akin na bag mo" Pananakot naman nang isa pang payat na lalaki.

"W-wag wa--"

"Ang dami pang satsat ! Ikaw !kapitan mo yan!..." turo nang mataba sa isa pang lalaki na sobrang gusot ang uniform. "...tapos ikaw kunin mo yung bag bilis!" Utos naman nito sa isa pang kasamahan na tanggal ang lahat nang butones nang uniform ..pero bago pa man ang mga ito makalapit kay Hanah ay agad syang humarang sa harapan ni Hanah.

"R-rckey.." Gulat na bulong ni Hanah ..kinindatan lang nya ito at agad nyang ibinalik ang atensyon sa mga lalaking nasa harapan nya.

"At sino ka namang gunggong ka ?!" Mayabang na tanong nang mataba na pawang leader nang mga ito ...parang dejavu lang ang nagaganap dahil naalala nya sa mga ito ang binugbog nya noon na nagtangka kay Hanah.

"Anong kailangan nila sayo Hanah?" Imbis na sagutin ang mataba ay si Hanah ang tinanong nya.

"G-gusto nilang kunin pera ko " Mahinang sabi ni Hanah na nakatago sa likod nya.

"Lagi ba nilang ginagawa to ?" She ask while  glaring at the bastards.

"Oo" Hanah Whispered ..and at that moment her anger fires in .

"Anong pinag---"

Hindi na nya pinatapos ang mga ito at agad nyang sinuntok ang leader sa mukha ...kapwa nagulat ang mga ito sa bigla nyang pagsugod...mabilis namang nakabawi  ang leader mula sa pagkahilo dahil sa suntok nya.

"Tangina!! Mga bata sugod !!!" Halos sumabog ito sa inis ...mabilis namang sumugod nang sabay sabay ang mga ito

Wala syang sinayang segundo at agad na nyang napabagsak ang mga ito ..may ilan nga lang na nakachamba at nakadaplis nang suntok sa kanya .

Muli nyang hinarap ang mga lalaki na nakahandusay at namimilipit sakit .

"Isang beses ko pang malaman na pinagtitripan nyo si Hanah malala pa dyan aabutin nyo" Pagbabanta nya sa mga ito ..pero panay tango at ungot lang nang mga ito ang narinig nya ...agad nyang hinawakan ang kamay ni Hanah papunta sa kotse nya at walang lingon na iniwan ang mga ito ...sa gitna nang daan ..halos wala namang nagtangkang pumigil sa kanya kanina kahit marami naman ang nakakita . Imbis na mas maraming mga babae ang kumukuha nang picture nya habang kinikilig ...may nagchicheer pa nga.

Napagdesisyunan nyang ihatid na si Hanah sa school nito at habang byahe ay napagalaman nyang matagal na pala ang mga itong hinuhuthutan si Hanah dahil madalas talaga si Hanah na dumadaan dun dahil lagi lang itong lakad . Nang makarating sa school ni Hanah ay nagpasalamat ito sa kanya at umalis na rin dahil baka raw malate na sya.

He's a SheWhere stories live. Discover now