Chapter 18

139 14 0
                                    

MABILIS na kumilos si Rckey para gisingin ang mga kasama samantalang si Tyler naman ay nakatulala lang.

"Denver !! Jhana!! Wake up!" Yugyog nya sa mga ito na madali namang nagising .

"Bak--"

"Shhh...wag kayong maingay ..tahimik lang ."bulong nya kay denver dahil baka marinig sila nang mga magnanakaw .

"Anong? Bakit? " si Jhana na mukang naguguluhan sa nangyayari.

"Shh...basta walang maingay ok ...may nakapasok na magnanakaw sa bahay ." mahinahon paliwanag nya sa mga ito agad namang natakot si Jhana.

"Ano!! ano na ang gagawin natin baka ..baka saktan nila tayo !" Mangiyak ngiyak na sa takot si Jhana habang si denver naman ay inaalo ito.

"No..hindi ako papayag na may masaktan satin ...you three will going to stay here in my room habang lalabas naman ak--" pero naputol ang dapat pa nyang sasabihin nang biglang hatakin ni Tyler ang braso nya.

"Hindi ! Walang lalabas dito sa kwarto lalo na ikaw Rckey...ang gagawin lang natin ay tumawag nang pulis " nanggigil na sabi ni Tyler habang mahigpit ang pagkakakapit sa kanyang braso para bang malaking problema dito kung lalabas syang magisa.

"What cops? Eh kung tatawag tayo ngayon sa pulis at hihintayin pa natin sila eh baka wala nang matirang gamit dito sa bahay at the same time matutunton na nila tayo dito sa kwarto." Paliwanag naman nya dahil ...kung tutuisin kayang kaya nyang patumbahin ang mga pipityuging magnanakaw na nasa baba ngayon.

"My point ka dyan ...sige pero sasama ako hindi pwedeng magisa ka lang pupunta sa labas "Tyler said.

"Teka! Sama din ako !" Denver said at akmang tatayo nang pigilan ito ni Jhana.

"Baka mapahamak kayo !" Anito habang nakakapit nang mahigpit sa kamay ni Denver.

"Denver dito ka lang sasamahan mo si Jhana dito ..here..." Sabay abot nya nang cellphone kung saan makikita ngayon ang CCTV footage .
"...kayo ang maghawak nito kailangan nyong makita kung may papalapit na tao sa labas nang kwarto na to then call me para balikan namin kayo dito." Mahabang paliwanag nya na para bang nagpaplano sa isang mission.

"Sige ..magiingat kayo ni Tyler "paalala pa in Denver.

Dahan dahan nyang binuksan ang pintuan nang kwarto habang nasa likod naman nya si Tyler . Nang masigurong ligtas dahan dahan silang naglakad palapit sa hagdan .

"Pre..bilisan nyo naman ! Baka makatunog na yung may ari nang bahay " mula sa gilid nang hagdan naririnig nila ang paguusap nang mga magnanakaw nagkatinginan sila ni Tyler sinenyasan nya itong wag maingay at manatili lang sa pinagtataguan nito .

"Just stay here ok ..lalabas ka lang pag sinabi ko na." Bulong nya dito pagtapos ay lumabas na sa pinagtataguan naglakad sya sa hagdan nang walang makikitang anong mang ekspresyon sa mukha ..natigil ang mga magnanakaw sa mga ginagawa.

"Shit wag kang lalapit ...may baril  kami !! "Anang isang medyo pandak na lalaki na ngayon hawak hawak na ang mamahaling jewelry box ni Sam . Nagpatuloy pa rin sya sa pagbaba .

"Get out ." she said with no reaction na ikinagulat lang nang mga ito mukang mas natatakot pa ang mga ito sa kanya.

"Anong! Hindi mo ba nakikita magnanakaw kami !! Hindi ka man lang ba natatakot?!!" Tapang tapangan na sabi naman nang isang payat na matangkad na lalaki nasa malapit sa kusina.

"I count ..if you still not get out of my house you'll regret it." Aniya habang nakapamulsa pa nang tuluyan nang makakababa sa hagdan .

"Talaga---"
"1..."
"Anon---"
"2..."
"HOY!!--"
"3. Times up." Pagtatapos nya sa pagbibilang at inisang hakbang ang lalaking may hawak nang jewelry box at binigyan nang isang suntok sa sikmura.

He's a SheWhere stories live. Discover now