Chapter 37

124 8 2
                                    

KINABUKASAN AY MAAGANG PUMASOK SI TYLER Halos dalawa pa lang sila sa classroom...Nang malapit nang mag Start ay nagCR muna sya .

At ngayon nga ay kunot noo syang nakatingin sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ...ang sabi nang prof ay tranferee daw ito mula sa Korea .Unang kita pa lang nya dito ay ramdam na nya ang sobrang lakas na hangin .

Ipapakilala na sana nang guro ang lalaki pero natigil ito at sabay sabay silang lahat napatingin sa bagong dating na nagbukas nang pinto.

"Oh Mr. Villamin you're..." Ani prof sabay tingin sa relo"...12 minutes late ." Kunot noo nyang tinitigan si Rckey ..ramdam nya na parang may iba dito ngayon.

"Sorry prof ." Ani Rckey pero pansin nyang nakatungo lang ito ....nakita din nya na medyo napapitlag ito nang mapatingin sa transferee.

"Ok ...this is your first time of being late kaya papalampasin ko muna to" Ani prof habang nakatingin sa nakatungo pa rin na si Rckey.

"Yes prof thank you ." Rckey said at akmang lalampasan na agad ang prof.

"Why are you not looking at me Mr. Villamin that's so unrespectful." Ani prof ..unti unti namang tumunghay si Rckey at agad na nanlaki ang mata nya sa napansin kahit medyo malayo ito ay mahahalata pa rin ang mga bangas nito...saang lupalop naman kaya to napaaway .

"Anong nasa mukha mo Mr. Villamin..is that bruises?! So that's the real reason why are you late?!" Sermon pa nang kanilang guro ngunit tanging pagkamot lang sa ulo ang naitugon nang kaibigan.

"No prof--i mean yes--no--" Paliwanag pa sana nito ...ngunit agad ding naputol.

"Mr. Villamin wag ka nang magpaliwanag ...you know that i can't tolerate this kind of behavior!" Tanging boses lang nang guro nila ang maririnig ..dahil halos lahat ay sobrang tahimik na.

"But pro---"

"Stop. Get on your seat now ... kailangan kitang makausap mamaya sa office ko ." Nanlulumong naglalakad papunta sa direksyon niya si Rckey at agad na umupo sa katabing silya nya.

Kunot noong tinitigan naman nya ito.. kanina pa nya gustong tanungin kung anong nangyari dito pero nabaling muli ang atensyon nya sa bagong kaklase daw nila na kasalukuyang nakatingin sa direksyon nya habang nagpapakilala sa harapan.

Lalo namang kumunot ang noo nya nang mapagtanto nya kung kanino talaga ito nakatingin.
-----------------------
DUMATING ANG LUNCH BREAK at nakapangalumbaba si Rckey sa lamesa nang Cafeteria ... hinihintay kasi nila dumating si Denver na syang nagpresintang bumili nang pagkain .

"So guys ready na ba kayo para sa Performance natin next week?!" Tanong ni Jhana na nakapwesto sa harapan nila ni Tyler...lumingon naman sya sa katabi pero hanggang ngayon ay poker face pa rin ito ...napairap na lang sya sabay lingon ulit kay Jhana na naghihintay nang sagot nila .

"Medyo lang ...hindi pa kasi kami nag papractice mas inuna namin yung mga props " Pilit nyang ginagawang normal ang tono nya kahit kanina pa sya naiinis sa katabi nya ..ewan ba nya pero simula kahapon palang bago sya umuwi para samahan si Sam ay iba na ang timpla ni Tyler tapos Ngayon naman ay mas lumala pa ang pagsusuplado nito.

"Heto na pagkain guys!" Nabaling naman ang atensyon nila kay Denver na di magkandaugaga sa pagdala nang mga pagkain...mabilis naman nya itong tinulungan .

"Oh galit galit muna ha !" Biro naman ni Denver na nilalantakan na ang sariling pagkain .

"Patay Gutom talaga kahit kailan!" Nandidiring sabi naman ni Jhana na ikinatawa lang nya ...samantalang wala namang imik na kumakain sa tabi nya si Tyler na ikinairap na naman nya ..kanina nga ay naisip nya na baka hindi talaga sya ang meron ngayon kundi ito talaga Napakamoody!!

He's a SheWhere stories live. Discover now