Chapter 14

157 14 0
                                    

"This way sir" agad namang sumunod si Rckey sa kausap nyang pulis. Kasalukuyan kasi syang nasa This way sir" agad namang sumunod si Rckey sa kausap nyang pulis. Kasalukuyan kasi syang nasa presinto dahil agad syang tinawagan nang private detective nya para sabihing nahuli na ang lahat nang nagtangka kay Hanah noong nakaraang linggo .Ito kasi talaga ang dahilan kung bakit sya non umalis sa Clinic agad dahil galit na galit sya nun at hindi nya papayagang may mabikta pa itong iba bukod kay Hanah .

"Eto silang lahat sir" anang pulis habang itinuturo ang anim na lalaki na sya ring nabugbog nya noon.

"I-ikaw!! Anong ginagawa mo dito!" Nanginginig at para bang kinakabahang tanong isang lalaki na sa tingin nya'y isa sa mga nabalian nya nang balikat dahil sa benda nito sa kaliwang braso.

"I-i-ikaw ba ang nagpakulong samin!!" Tapang tapangan naman na sabi nang boss daw kuno nila na tabachoy.

"Ako nga . is there a problem?" Aniya habang pinapalagutok ang mga daliri sa kamay agad namang napaatras nang kaunti ang mga ito.

"Sir mukang nasampulan nyo na ang mga yan ah takot na takot eh!" Natatawang bulalas naman nang pulis na nakikinig lang sa usapan nila.

"Btw. Sumaglit lang ako dito para siguraduhin na makukulong ang mga ito." Aniya sabay lingon sa mga lalaking nakakulong na nasa sulok na ngayon. Sabado ngayon kaya walang pasok at sakto naman na nahuli na pala ang mga ito.

"Sigurado na yan sir dahil base sa mga nakalap naming information tungkol sa kanila isa sila sa matagal nang pinaghahanap nang mga pulisya dahil sa pagiging drug pusher , magnanakaw at pangrerape." Mahabang paliwanag naman nang pulis sa kanya .

"Sige siguraduhin nyong mabubulok sa kulungan ang mga iyan" aniya Sabay tingin nang masama sa mga lalaki na agad naman napaatras at lalong pinagsiksikkan ang sarili sa sulok nang selda.

Pagkatapos pumuntang presinto naisip nyang pumunta sa bahay nila Jhana para kamustahin si Hanah. May naaalala kasi sya pag nakikita nya si Hanah kaya masyadong magaan ang loob nya dito .

Habang nasa  byahe papuntang bahay nila Hanah...nakita nyang naglalakad si Tyler ..agad syang tumigil nang tumapat sya rito ...mukang namukhaan naman nito ang kotse nya kaya masaya itong lumapit sa bintana ...

"Hop in!!" Aniya at agad na binuksan ang pinto sa front seat mula sa loob.

"Huh! Ano wag na nakakahiya naman saka malapit lang naman eh !" Pagtangi naman nito na agad nyang ikinailing napakamahiyain talaga nito kahit mukang gangster nakasimpleng ripped jeans kasi ito at nakatshirt na black habang medyo messy ang buhok nito.

"Ok lang pupunta naman ako kila Jhana eh !" Aniya

"Sige na nga" nahihiyang tugon naman nito .

"Di ba girlfriend mo na si Ms. Sam?" Maya maya ay tanong ni Tyler na ikinalingon nya habang nagdadrive.

"Oo bat mo naman natanong?" Nagtatakang tanong naman nya habang diretso pa rin ang tingin sa daan.

" ah w-wala naman " anito sabay iwas nang tingin nagkibit balikat na lamang sya.

"Sya nga pala kamusta na si Hanah?" Basag nya naman sa katahimikan.

"Ayos lang naman sya ...nung umuwi nga kami halos magwala ang papa nila dahil sa nangyari kay hanah " mahabang sagot naman ni Tyler. Hindi na kasi sya nakasama sa mga ito nung umuwi ito dahil kay Sam sya sumabay noon.

"Dont worry they're on the jail now" aniya na ikinalingon ni Tyler.

"Anong ibig sabihin mo!" Anito.

"I mean those bastard who tries to rape hanah are in the jail now" simpleng sabi nya.

"Ano!! Pero pano mo nalaman saka paano nangyari?" Gulat na tanong pa rin nito.

He's a SheWhere stories live. Discover now