Chapter 20

150 12 0
                                    

DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula nung mangyari ang aksidente sa bahay ni Sam kaya medyo naka move on narin ang mga ito. Kasalukuyang naghahanda nang Breakfast si Rckey dahil alam nyang pagod si Sam galing sa out of town nito kasama nang kapatid nito at ang foster parents nito . Ito din ang dahilan kung bakit wala si Sam noon sa bahay nung mangyari ang nakawan.

"Ang bango naman nyan !" Masayang bati ni Sam na papasok pa lang sa kusina .

"Oo naman dahil alam kong pagod ka pa sa byahe ...nga pala kailan lilipat dito ang kapatid mo?" Tanong nya dahil kagabi kinuwento sa kanya ni Sam na dito na rin titira ang kapatid nito dahil nakausap na nito ang foster parents nang kapatid kung pwede dito muna ang kapatid para magkasama naman ang mga ito .

"Mamaya din mismo kaya nga maaga ako aalis sa school para salubungin sya" anito habang busy sa paglalagay nang fried rice sa pinggan.

"Ah so mukang magiisa akong uuwi mamaya ." aniya matapos uminom nang tubig .

"Did your brother know ?" Tukoy nya sa organization at sa pagiging secret agent nila .

"No...of course not  Alam mo naman ang rules diba ." anito na ikinatango lang nya . Number one rule kasi is no matter what happen kailangang walang nakakaalam nang pagkatao namin as agent kundi kami lang na mga kabilang sa organization ...kahit pamilya pa man o kaibigan kung hindi part nang organization bawal pagsabihan .At ito ang isa sa rule na nalabag na nya kaya heto sya ngayon at nagtatago .

"So edi pati ang fake relationship natin eh kailangan din nyang paniwalaan? " aniya nang maalala ang maling akala sa kanila nang mga kaibigan.

"Yup . kaya igihin mo ang pag acting fakeboyfriend hahah" tatawa tawang sabi nito . Pagkatapos kumain ay pumunta na sila sa school at dahil uuwi ito nang maaga mamaya ...di natuloy ang pagsabay sana nya dito sa kotse kaya kotse nya ang dala nya ngayon .

Pagdating sa parking nagsabay na sila ni Sam papasok pero dahil ang sexy naman talaga nang Principal nila eh halos lahat nang lalaki ay napapalingon .

"Ang ganda talaga ni Ms. Principal!" Rinig nyang sabi nang isang lalaki malapit sa kanya tiningan nya ito nang masama dahil nakita nya itong nakatingin sa legs ni Sam ..naka mini skirt lang kasi si Sam at offshoulder na damit kung tutuusin hindi pang principal ang suot ni Sam pero sanay na sya dahil sa motto nitong 'always make yourself pretty'  daw .

"Luh bakit ang sama makatingin nung kasabay ni Ms. Principal ? " rinig nyang tanong nung katabi nang lalaki.

"Tanga ka ba balita ko may something yang dalawang yan dahil maraming nakakakita dyan sa lalaki halos araw araw pumupunta sa office , tingin mo anong ginagawa nila ?" Bulong naman nang katabi nito ngunit rinig naman nya . Mukang maraming nakakakita sa tuwing pumupunta sya sa office ni Sam para mag CR .

"So dito na lang ako Rckey ...pakabait ka sa klase haha" biro naman ni Sam bago sila maghiwalay . Pagdating nya sa room nagkakagulo ang lahat nagtataka syang pumasok sa loob at dumaan sa tabi dahil hindi sya makakadaan sa gitna kung saan nakahanay ang lahat nang lalaki .

"Ano to trip lang ?" Naiusal nya sa sarili nang makitang isa isang narampa ang ang mga lalaki pero sa malanding paraan . hindi tuloy nya mapigilang hindi mapatawa . Habang nagkakatuwaan ang mga kaklase lalo na ang mga babaeng parang audience lang nakaupo nilibot nya ang tingin sa buong room para sana hanapin si Denver o si Tyler pero ang nakita lang nya ay si Jhana na abala sa pagtawa .

"Oh My Gosh!!! Andito na si Rckey!!!" Nagulat sya nang bigla syang ituro nang kaklase nyang babae hindi nya alam ang pangalan nito pero ito ata yung laging nagbibigay sa kanya nang cookies tuwing breaktime. Nagtataka naman syang napatingin sa mga kaklase na halos nakatingin na sa kanya .

He's a SheWhere stories live. Discover now