Chapter 34

131 7 0
                                    

"Aha! ckeyTy na lang!!!" Napangiwi na lang si Rckey sa sinabi ni Denver ..ganun din ang iba pa nilang kasama... kasalukuyan kasi silang nagiisip nang concept ni Tyler para sa Activity nila...at dahil may pagkaepal itong si Denver ay sumasabat pa.

"Yuck ...bat parang hello kitty naman yun ang bakla ha!" Pangbabara dito ni Jhana na nakisali na rin...habang gumagawa kasi sila ni Tyler nang Activity ay nanunuod naman nang Movie sila Hanah at Jhana habang nakahiga sa kama ni Tyler.

"Kaya nga ...What if...TyR!!" Proud na sigaw pa ni Hanah habang nakataas ang kamay ...sabay sabay ulit silang napangiwi.

"Ano kami gulong?! " Ani Tyler na parang sumasakit na ang ulo...sabi kasi nito ay kailangan nilang magisip nang magandang combination nang pangalan nila para sa gagawin nilang creative introduce yourself.

"Ah!!" Nagulat naman sila sa biglang pagsigaw ni Denver.

"LerCkey!!!" Proud nitong sabi habang nakatayo pa ...at sabay sabay nalang silang napahampas nang kamay sa noo.

"Alam mo Denver ang babakla nang mga suggestion mo! eh parang beki words yun nang nakakaloka eh !!" Sabat ni Jhana sabay batok kay Denver na nakapout lang.

"Ah...pano kung CkeyLer?" Ani Tyler

"You mean killer?" Tanong naman nya dito

"No. it's C-k-e-y-L-e-r ...CkeyLer" Ani Tyler

"Sabagay medyo cool din syang pakinggan ...hindi tulad nang CkeyTy" Ani Jhana habang nakatingin kay Denver na umirap lang .

"Ok so it settle then" Pagsangayon nya ...na ikinangiti lang ni Tyler.

Pinagpatuloy na nila ang ginagawa ...balik sa panunuod ang tatlo nila Jhana habang sila naman ni Tyler ay gumagawa nang props nila...sya ang naglettering at nagdesign nang mga props samantalang si Tyler naman ang nagsusulat nang kung ano, ang sabi naman nito ay mamaya na nito ieexplain kung ano yung totoong gagawin nila sa Activity.

"Gusto ko pa nang cupcake 🧁 " Natigil sya sa paggugupit nang marinig ang bulong ni Tyler.

HALOS MAGAALAS NUEVE na nang gabi kaya medyo na karamdam na ulit nang gutom si Tyler .

"Gusto ko pa nang cupcake" wala sa sariling naibulong nya habang nakanguso at nagsusulat.

"Oh san ka pupunta?" Gulat nyang tanong nang akmang tatayo si Rckey.

"Sa labas ..may kukunin lang ako" Anito sabay labas nang kwarto kaya wala na syang nagawa ..pinagpatuloy na lang nya ang pagsusulat nang kanta ...at oo tama ang nabasa nyo .. nagsusulat sya nang kanta para sa creative introduction nilang dalawa ni Rckey.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Rckey kaya medyo nagtataka na sya.

"Denver--" Nahinto ang pagtatanong nya nang malingunan nya ang mga ito na sobrang himbing na pala nang tulog ... buntong hininga na lang syang tumayo para sana sundan si Rckey nang biglang bumukas ang pinto...at niluwa nito ang pawis pawisan na si Rckey .

"Anong nangyari sayo?.." Nagaalalang tanong nya rito sabay lapit .

"Oh" Ani Rckey sabay abot sa kanya nang isang supot na ngayon lang nya napansin na bitbit pala nito..kunot noo nya itong kinuha.

"Ano to?" Aniya habang binubuklat ang supot ...at mukang hindi na nya kailangan pang itanong...Nanlalaki ang matang tumingin sya kay Rckey na prenteng nakaupo na ulit sa sahig at naggugupit na ulit nang mga letters.

"Baki--"

"Just eat it " putol nito sa sasabihin pa nya ...naiiling na umupo na lang din sya sa tabi nito .

He's a SheWhere stories live. Discover now