Chapter 27

144 12 0
                                    

KINABUKASAN AY NAGING maganda ang gising ni Tyler dahil siguro sa naging paguusap nila kahapon ni Rckey sa phone ..hindi nya alam kung anong sumapi sa kanya at tinawagan nya si Rckey pero isa lang ang nasa isip nya ngayon may hindi magandang epekto sa puso nya si Rckey at ayaw nyang isipin kung ano iyon...nagsimula itong lumala nung contest . At alam nya sa sarili nyang straight sya pilit nyang kinukumbinsi ang sarili na brotherly love ang nararamdaman nya kay Rckey.

Isa pa sa nagpaganda nang gising niya ay ang announcement na walang pasok nang dalawang araw lahat nang prof ay may out of town meeting . ..kaya naman naisipan nila denver na pumunta kila Rckey ngayon at syempre nagwala na naman ang puso nya nang maisip na makikita nya na naman si Rckey ..bahagya syang natauhan at sinabunutan ang sarili.

"Argh! Ano ka ba naman hindi ka bakla ok hindi !" Inis na singhal nya sa sarili at agad bumaba upang mag umagahan .habang kumakain nang magisa na naman ay hindi nya mapigilang maiisip na naman ang maamongukha ni Rckey ...sinampal nya naman ang sarili .

"Wala lang to..tama wala kang gusto sa kanya." Pangungumbinsi nya sa sarili.

" wala akong gusto sa kanya ta--"

"Hoy! Anong gusto yan ha sinong gusto mo!!?" Naitikom nya ang bibig dahil sa gulat nakasilip kasi sa bintana si Denver habang may dalang bagpack .

"H-ha?wa-wala ah ! Anong sinasabi mo dyan!" Kinakabahan aniya sabay inom nang kape...pero bahagyan kumunot ang noo ni Denver.

"Aha!!! Siguro may nagugustuhan ka na no?!!!" Napapikit na lang sya sa kakulitan nito.

"Manahimik ka nga dyan ...wala! Wala akong nagugustuhan guni guni mo lang yon! Saka ano bang ginagawa mo dito para kang kwago dyan sa bintana!" Aniya habang pilit na ginagawang normal ang pananalita ...natatakot syang makahala ito dahil ano na lang sasabihin nito na bakla sya?

"Ouch.." Emote nito habang sapo ang puso ."...ang sakit mo naman magsalita kwago talaga! Hindi ba pwedeng gwapo?!hahaha " biro pa nito na ikinairap na lang nya.

"Hoy joke lang haha nandito ako dahil kanina pa kami ready ni Jhana papunta kila Rckey at ikaw na lang ang hinihintay namin !" Anito habang pinapakita ang dala nitong bagpack mukang alam na nya kung anong laman nito.

"Edi tara na lalock ko lang tong bahay susunod na ako kila Jhana." Aniya at mabilis na tumayo pero..

"Teka !.." Sigaw ni Denver na ikinakunot lang nang noo nya ".. Wala ka man lang dadalhin na kung ano ?"tanong nito ..bahagya naman syang napatawa.

"Hindi naman tayo magbabakasyon dun ah sige susunod ako" aniya at agad na umakyat sa kwarto para magpalit nang simpleng T-shirt at faded na maong pants.

Nang makarating sa tapat nang bahay ni Rckey ay excited na nang doorbell ang dalawa ni Denver habang sya naman ay nagmamasid lang sa paligid ..sobrang lalaki nang mga bahay dito sa village nila Rckey at hindi maikakaila na mayayaman talaga ang mga nakatira dito .

"Come in guys Rckey is in the living room" Bumungad sa kanila si Ms. Sam bahagya syang nadismaya nanf hindi si Rckey ang nagbukas sa kanila . Walang hiya namang pumasok ang dalawa kaibigan at gaya nang dati dadaretso na sana si Denver sa pool area kung hindi lang ito piningot pabalik ni Jhana para pigilan natawa na lang si Ms. Sam sa mga ito .

"Austin ! Hahaha stop ! I--hahaha i said stop!!" Nagulat sila pagpasok sa loob nang madatnan nila si Rckey na nakahiga sa couch habang pilit kinikiliti ni Austin ata yun...bahagyang nangunot ang noo nya .

"Rckey!! " Nabaling ang atensyon nang dawalang naghaharutan sa kanila matapos itong tawagin ni Jhana.

"Oh haha andyan na pala kayo hahaha...Austin ang kulit mo!" Anito habang pilit pa ring iniiwasan ang nangingili pa ring si Austin .

He's a SheWhere stories live. Discover now