Chapter 15

154 12 0
                                    

PAGPASOK nila Jhana sa kusina halos maduling sya sa sobrang daming pagkain na nakahain ngayon sa lamesa ano ba talaga to lunch o piyesta?

"Kain na tayo ate !! Kami naghanda nyan ni Rckey baby!!" Matinis na sigaw naman ni hanah na kasalukuyan nakaupo na katabi ni Rckey.

"Akala ko ba love of my life ?"
Aniya habang inaasar ang kapatid nya.

"Well naisip ko na hindi bagay ang Rckey love of my life kaya Rckey baby na lang ...talino ko no?!" Tuwang tuwa na sabi naman ni Hanah sabay yapos pa sa braso ni Rckey na walang ibang ginawa kundi ngumiti lang sa kakulitan nito.

"Eww!" Aniya sabay bato dito nang tissue na nasa  harapan nya .

"Waaahh kainan na ba?!!" Nagulat sila nang biglang pumasok si Denver sa kusina habang basang basa at madulas dulas pa dahil sa tyles na tinatapakan nito.

"Ano naman bang kabaliwan yan denver ?! Magpalit ka nga muna ?" Inis na sigaw naman nya dito dahil umandar na naman ang katangahan nito .

"Sinabihan ko na yan pero ayaw makinig" ani tyler na nasa likod ni Denver .

"Magbihis ka na muna Denver andun yung banyo" turo naman ni Rckey sa banyo .

"Oo na !" Parang batang sabi naman ni Denver.

"Pagkatapos ni Denver kain na tayo...may tatawagin lang ako saglit " ani Rckey sabay tayo at lakad palabas nang kusina..nagkatinginan naman sila ni Tyler ..siguro ay nagtaka rin ito kung sino ang tatawagin ni Rckey .

"Huh? San pupunta si Rckey ?" Nagtatakang tanong naman ni Hanah habang nakatingin pa rin sa pinalabasan ni Rckey .

"Ok na ako guys !!" Excited naman na bungad ni Denver ...naalala nya kanina nung nakahubad ito halos tumulo ang laway nya dahil sa abs ni Denver ...ngayon naman nakasimpleng white sando at khaki short ito eh ang gwapo pa rin .

"Kain na tayo !!" Ani Denver at akmang kukuha na nang kanin nang tampalin ito ni hanah sa kamay .

"Wag ka ngang patay gutom!! Antayin natin si Rckey baby!" Bulyaw naman dito ni hanah na ikina pout lang ni Denver ..ang cute tuloy nito sa paningin nya ...Maya maya lang may narinig silang ingay papunta sa kusina .

"Yeah ..i know " papalapit na boses ni Rckey .

"Sus if i know baka ayaw mo lang akong makasama" boses nang isang babae pero parang pamilyar ang boses na iyon .

Sabay sabay silang napalingon sa pagdating ni Rckey habang nakaakbay kay Ms. Sam ...napalingon sya sa mga kasama sa lamesa..si Tyler na poker face lang, Denver na nakanganga, at Hanah na naguguluhan .

"Well guys ok lang naman sumabay satin si Sam diba ?" Ani Rckey habang inaalalayan sa pagupo si Ms. Sam so ang pwesto ngayon ay napaggigitnaan ni hanah at ni Ms. Sam si Rckey samantalang katapat naman sya ni hanah, at si Denver kay Ms. Sam , then Tyler sa gitna nila ni Denver na katapat ni Rckey .

"Oo naman Rckey ...ahm. Good Afternoon po Ms. Sam"aniya habang  nakangiti ...bakit naman magpapaalam pa si Rckey sa kanila eh girlfriend naman nya si Ms. Sam

"Umh. Rckey baby sino sya?" Nagulat silang lahat nang magsalita si hanah lalo na sa tinawag nito kay Rckey . kitang kita nila ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni Ms. Sam..hindi nga pala alam ni Hanah kung sino si Ms. Sam.

"Huh? A-ah this is Sam ...p-principal namin and friend ko " hindi nila inaasahan ang naging sagot ni Rckey ..nakita rin nila na medyo ngumiti nang mapait si Ms. Sam sa isinagot ni Rckey .

"Ah ok ..hi po im Hanah !" Masiglang bati naman nang kapatid nya na masayang tinanggap naman ni Ms. Sam.

"So Rckey when did you meet this girl?" Kinabahan sila sa tanong na yon ni Ms. Sam para bang hinuhuli nito si Rckey .

"Kapatid sya ni Jhana " maikling tugon naman ni Rckey habang nilalagyan nang pagkain ang plato ni Ms. Sam.  Nakita naman nya ang bahagyang pagsimangot nang kapatid nya dahil sa ginawa ni Rckey ..kung alam mo lang girlfriend yan ni Rckey hoy ..sa isip isip nya pero hindi nya maaaring sabihin ang totoo sa kapatid nya dahil isa to sa ipinakiusap sa kanila ni Rckey .

"Ok " maikling tugon naman ni Ms. Sam at nagsimula na itong kumain at ganon rin sila .

"So Rckey baby pano ka natutong mag magluto?!" Basag naman ni Hanah sa katahimikan ..hindi nila alam pero parang ang awkward lalo na at gusto man nyang pigilan ang kapatid sa pagtawag nito kay Rckey nang baby ay hindi pwede dahil wala naman syang dahilan na masasabi.

"Sam teaches me " ani Rckey matapos uminom nang gamot.

"Ah so super close ba talaga kayo ?" Ani Hanah habang nakatingin kay Rckey

"Yup." Ani Rckey .

"Ah ok ...sya nga pala madalas ba dito si Sam?" Napapikit na lang sya sa sinabi nang kapatid ..kahit kailan talaga ay hindi ito marunong gumalang ..kakasabi lang nila na principal ito tapos kung tawagin nito ay Sam lang .

"Yes , actually i sleep here last night" singit naman ni Ms. Sam habang patuloy sa pag kain. Napatingin naman sya sa kapatid nyang nakanganga.

"A-anong bakit naman!!?" Hysterical na tanong naman ni Sam habang pabalik balik ang tingin sa dalawa ni Rckey.

"Ano namang masama close nga kami diba ?" Sarkastikong tugon naman ni Ms. Sam habang nakatingin kay Rckey .

"P-pero ..panong ...wag nyo sabihing magkasama kayo sa iisang kwarto???" Ani Hanah na kulang na lang ay atakihin na sa puso ..ano nga namang masama eh ilang beses na nga nilang nahuli ang magjowa sa hindi magandang eksena pero syempre hindi nya yon pedeng sabihin.

"Alam mo ang OA mo Sis" putol nya sa dapat pang sasabihin ni Rckey dahil baka lalo lang humaba ang tensyon sa pagitan nang tatlo .

"Ok btw Rckey baby pagkatapos ba nito tuturuan mo na ako sa assignments ko?" Ani Hanah ngunit may diin naman ang pagkakasabi nang Rckey baby habang nakaharap sa pwesto ni Ms. Sam .

"Yes."maikling tugon naman ni Rckey.

"Ahm ...Jhana sa tingin mo ba may gusto talaga ang kapatid mo kay Rckey? " biglang tanong naman ni Tyler sa kanan nya na ngayon lang nagsalita.

"Tingin ko nga ..at malaking problema yun" aniya at agad sinubo ang paghuling subo nya nang pagkain .

Pagkatapos kumain nagprisinta na silang dalawa ni Hanah na maghugas nang pinggan .

"Ate totoo bang magkaibigan lang si Sam at Rckey baby?" Biglang tanong naman ni hanah habang nagbabanlaw nang pinggan, sya naman ang tagataob nito .

"O-oo naman bakit? Wag mo sabihing seryoso ka kay Rckey?!" Aniya habang nanlalaki ang mata .

"Bakit bawal ba?!" Ani Hanah.

"Oo naman no !!" Gulat na sagot nya ..kung pwede lang nya sabihin na may girlfriend na ito at si Ms. Sam yon ay ginawa na nya

"At bakit hindi ?! Single naman si Rckey ah saka compatible kami !" Anito.

"Compatible huh san banda ?" Asar naman nya dito .

"Tse ewan ko sayo ate ! Pede ba ate tulungan mo na lang ako ilayo si Rckey kay Sam ... Ayoko sa kanya !" Nagpapadyak pa nitong sabi ..pero teka anong tulong eh Girlfriend nga ni Rckey yon pano naman nila paglalayuin ang dalawa .

"Ewan ko sayo Hanah ..nga pala hindi kayo bagay bleh!" Aniya sabay takbo palabas

"Ateee!!! Epal ka talaga ! I hate you!" Sigaw nito pero diretso lang sya sa pagtakbo .

Natagpuan nya si Rckey at Ms. Sam sa Sala nanunuod nang T.V habang nakaakbay si Rckey dito . Si Tyler naman eh nandoon din pero sa kabilang sofa naman ito nakaupo .

"Ate a-alam mo--" hindi na natapos ni Hanah ang sasabihin nito sa kanya nang mapatingin din ito sa sala kung saan naroon ang dalawa.

He's a SheWhere stories live. Discover now