Chapter 4

172 14 2
                                    

MAAGANG nagising si Red kinabukasan at dahil medyo excited syang makasama ang bestfriend nyang si Sam agad nya itong hinanap.. Nagdatnan nya itong nanunuod nang TV sa sala...ang aga naman nito magising alas sais pa lang nang umaga .

"Good morning Sam " bati nya rito na ikinalingon nito sa kanya .

"Ayy gising ka na pala Re-- Rckey pala, tara kain na tayo hinintay na kita para sabay na tayong kumain" anito sabay patay nang TV at punta sa kusina ...nakahanda na nga ang almusal uupo na lang sila

"So ano kamusta ang tulog ? " anito habang busy sa pagtitimpla nang kape nilang dalawa sya naman ay naupo na habang binabasa ang new self profile nya dinala nya kasi ito pagbaba kailangan nya daw kasi itong sauluhin

"Mabuti naman ..kala ko nga maaga akong nagising ..nauna ka pa pala " aniya habang iniintay itong magtimpla upang sabay na silang magumpisang kumain naging abala naman sya sa binabasa

--------------------------Self Profile----------------------------

Name:Rckey Villamin
Age:19(in reality 22 na sya)
Nationality:Half American,half korean,half Filipino(pure pinoy sya pero bukod sa US matagal din syang naasign sa Korea kaya marunong syang magkorean)
Parents:both disease(totoo naman to dahil wala naman na syang magulang talaga)
School:SamSor University
Year level:1st year college

"Maaga talaga ako lagi kasi may trabaho pa ako " anito na ikinabigla nya .

"May trabaho ka ? Akala ko ba on leave ka ? Saka anong trabaho mo?!!" Gulat na tanong nya.

"Oo may trabaho ako. At oo din on leave ako pero as Agent . At saka Principal ako ngayon ." sagot nito sa mga tanong nya na ikinanganga nya lang ...kailan pa ito naging principal at bakit?!

" P-panong principal ? Eh culinary arts ang natapos mo ah bago tayo naging Agent! Saka bakit naman magtatrabaho ka pa eh mayaman ka na !" Halos pasigaw na sagot nya dahil sa pagkabigla ...nakangiti naman ang itsura nito na animoy natatawa sa pag ka OA nya.

"Ok to make things clear ...ilang taon kang nasa US right" tanong nito na ikinatango nya.

"Then sa mga taong yun  bukod sa pagiging Agent ko nagpagawa rin ako nang school , public school sya actually and for additional info ..dun ka rin magaaral" mahabang paliwanag naman nito ...bakit feeling nya ang dami nya talagang namissed saka bat parang mas yumaman pa si Sam ...hindi naman sa mahirap sya pero kasi kay Com sya lumaki kaya ito na rin ang nagpoprovide nang mga kailangan nya kaya bukod sa pagiging agent hindi na nya naisipan pang gumawa or magtayo nang isang business ..nasa bangko lang lahat ang perang nakukuha nya sa pagiging agent.

"So sinasabi mo bang magiging principal kita ?" Aniya habang nakaturo kay Sam tango lang naman ang itinugon nito na may kasamang magandang ngiti.

"Hmm mukang ikaw na ang pinaka hot at sexy na principal na nakilala ko hahaha" pangaasar naman nya dito ...agad naman itong namula na mas ikinatawa nya . Si Sam kasi yung tipo nang babae na ayaw mapabayaan ang katawan kaya sexy ito bukod sa sexy nitong balakang eh meron din ito...i mean nang dibdib na pinagkait sa kanya pero siguro pambawi na na lang nya ang ganda nya na gwapo na ngayon ...siguro nakatakda  talaga syang maging lalaki ...malagong na boses, flat na dibdib, at gwapong mukha ...talagang qualified na sya maging lalaki.

"Actually Rckey ..pansamantala lang naman akong principal sa school ko wala pa kasi akong mahanap na bago kaya ako na lang muna" paliwanag pa nito na ikinatango nya lang

Pagkatapos mag umagahan pinakita sa kanya ni Sam ang magiging uniform nya white long sleeve ito then papatungan nang black na coat na may logo nang SAMSOR UNIVERSITY at mukang alam  na nya kung saan nito nakuha ang pangalan nang universty "Samantha Soriano" then pants naman nito  ay black din with black necktie ...saka black shoes.

"Mukang ready na nga ang lahat ah ikaw ba nagpagawa nito ?" Aniya habang tinitignan ang coat

"Oo inemail sakin ni Austin ang size mo " sagot naman nito ...kaya pala sinukatan sya ni austin nuon

"Sya nga pala may pinadala pa si Com. bukod sa mga papeles mo ." anito sabay akyat sa kwarto ...pagbaba nito may dala itong box

"Buksan mo" anito sabay abot sa kanya ...agad nya itong binuksan

"What the fuck is this thing!!! Sam !! " gulat na tanong nya matapos makita ang isang hugis ari nang lalake pero parang rubber ito tapos parang may tali ito kung saan nakadikit ang *toot*.

"Bwahaha if you just saw your reaction its priceless !!! Calm down ok ...makakatulong yan sayo para convincing talaga ang pagpapangap mo ano na nalang sasabihin nila pag wala silang makitang bakat sayo ...sabihan ka pang bansot " mahabang paliwanag naman nito hindi naman mawala ang pandidiri nya sa bagay na nasa harapan nya ngayon ...kinuha nya ito nang dahan dahan upang titigan ...

"Isuot mo nga tingnan natin kung effective" tukso pa ni Sam ..sinunod naman din nya ito at agad na pumunta nang banyo ...nung una di nya pa alam kung pano suotin pero isusuot lang pala ang tali nito sa bandang baba nang balakang then ...magic may lawit na sya ...ganun pala ang feeling magiging lalaki ...nakakaasiwa sa una pero nasanay na rin sya kalaunan

"Bwahahaha pre laki nyan ah " pangaasar na naman ni Sam habang nakaturo pa sa baba nya ....mukang effective nga ito dahil medyo may bakat na...di nya alam kung mandidiri ba sya o magpapasalamat sa kung sino man ang nagimbento nitong bagay na to.

"Kung iniisip mo kung sinong may gawa nyan sino pa edi si Agent Blue ang dakilang genius machine"anito ..at di na sya nagtaka pa dahil ito lahat ang gumagawa, nagdedesign at nagtetesting nang mga machines oh hightech weapon na ginagamit nila bilang agent.

Hindi na nya muna siguro aalisin ang *tooot* para mas maging komportable pa sya sumapit ang hapon na puro kwentuhan ang nangyari sa kanila ni Sam.

"Sya nga pala sa isang linggo na ang umpisa nang pasok mo ha ..sabay na tayo pagpasok para maibigay ko na rin ang schedule mo buti na lang wala pang sec sem  kaya makakahabol ka pa Alam ko namang matalino ka kaya kaya mo yan, then yung gamit mo naman naayos ko na sa bag mo nasa loob yun nang cabinet mo nakita mo na ba?" Ani Sam habang abala ito sa paghahanda nang kwarto nito na syang tutulugan nila naisipan kasi nilang mag movie marathon ngayon .

"Oo nakita ko na salamat ah na abala ka pa . pero di ba public school yon ?" Tanong nya naman rito habang nakaupo sya sa kama nito

"Oo bakit?" Anito habang abala naman sa pamimili nang papanuorin nilang movie

"You mean to say that ,,may mga babae dun!!?" Nagaalalang tanong nya ..dahil pano na lang kung maramdaman agad nang mga babae dun na babae din sya .

"Bakit may problema ba ? Dont worry tingin ko naman hindi ka nila mahahalata ...ang laki kaya nyan" anito habang nakanguso sa bandang ibaba nya nalimutan nyang suot pa rin pala nya yung*toot* mukang komportableng komportable na sya rito .

"Bastos !" Birong singhal nya rito na ikinatawa lang nito .

Nagmovie marathon sila hangang sa nakatulugan na nila ito.

He's a SheWhere stories live. Discover now