Chapter 5

182 14 0
                                    

NAGMAMADALING bumaba nang hagdan si Red dahil kanina pa sya tinatawag ni Sam ...ngayon ang first day nya sa school at tulad nang napagusapan sabay sila ni Sam papasok .

"Ang tagal mo malelate ka na oh 7:00  dapat andun ka na baka mahirapan ka maghanap nang room mo nyan " sermon naman sa kanya ni Sam pero imbis na makinig patuloy lang sya sa pagaayos nang  kanyang uniform feeling 19 ulit sya

"Grabe ang gwapo mo sa uniform na yan ! Halika nga dito" anito sabay lapit naman sa kanya ...inayos nito ang necktie nyang wala sa ayos hindi naman kasi sya nakapagnecktie nuon noong nagaaral sya dahil freestyle lang sila nuon

"Dapat matutunan mo na yan ha !" Sermon na naman nito mukang feel na feel nito ang pagiging principal ah
"Yes principal pero paalala lang po ha magkasing edad lang tayo ha !" Aniya sabay lagay nang bag nya sa balikat ....buti na nga lang itim ang binili ni Sam na mga gamit nya dahil favorite color nya ito ....bumagay talaga sa kanya ang uniform dahil matangkad sya isa din sa advantage nya bilang isang pretend guy.. Hanggang balikat nga lang nya si Sam .

"Halika na nga " anito habang nilalock ang pinto papasok na sana ito sa kotse nang

"Teka lang Sam !" Pigil nya rito .

"Bakit ?" Anito.

"Pedeng ako ang magdrive ? Namimiss ko na kasi magdrive " aniya habang kamot ang ulo .napangiti lang naman ito at agad inhagis sa kanya ang susi umikot naman ito papuntang passenger seat habang sya ay deretso sa driver seat .

"Yess!! Ngayon lang ulit ako makakapagdrive ang tagal naman kasi nung kotse ko sabi ni Com papadala daw nya dito kaso nastranded pa ata" aniya at sinimulan nang magdrive habang tagaturo naman nang direksyon si Sam .

Ilang minuto lang at nasa harapan na sila nang isang magarang school kung hindi nya alam na public school to aakalain nyang private to dahil sa sobrang ganda nang mga materyales na ginamit bukod sa malawak ito eh may CCTV pa ,mula sa loob nang kotse tanaw na nya ang mangilan ngilan na estuyanteng nagmamadaling pumasok ...mukhang late na talaga sya pero hindi sya nagaalala dahil malakas ang kapit nya sa principal hehehe

"Kailan mo balak lumabas ha !" Napapitlag sya sa gulat dahil sa pagsigaw ni Sam sa tenga nya

"Ano ba Sam , oo na lalabas na nga ...eh kasi pano kung mabisto agad ako saka saan nga pala ako mag ccr?" Aniya

"Ayun lang ba ang problema mo !! Di ba nga malaki naman yan !" Tukoy nito sa may bandang baba nya

"Bastos mo Sam manyak ka !" Sigaw naman nya rito habang pabirong tinatakpan ang baba nya

"Hahaha wag kang magalala walang maghihinala sayo kung gagalingan mo ang pagpapaangas at pagpapagwapo ...saka para sure tayo lagi ..pag mag ccr ka punta ka lang sa office dun ka na lang mag cr lagi "anito kaya mas nabuhayan sya na magiging ok lang ang lahat saka mukang nakakalimutan na ata nya na sya si Agent Red ang pinakamagaling sa lahat .

"Sige tara po Ms. Principal " aniya at umikot sa kabila upang pagbuksan nang pinto si Sam...isa sa natutunan nya kay Austin ayy dapat daw laging gentleman.

"Naks naman ang gentleman pakiss nga pogi!" Pangaasar naman ni Sam nang makalabas ito sa pinto .Walang masyadong tao sa parking lot pero nung makarating sila sa main gate .

"Waahhh guyss tingnan nyo sino yung gwapong kasama ni Ms. Principal ?!!"

"OMG!!! Kailangan kong malaman ang pangalan nya agad agad !!!"

"Mukang transferee  ata"

"Ano kayang course nya?"

Ilan lang yan sa mga narinig nya mula sa mga babaeng nadaraanan nila na halos tumulo na ang laway kakatitig sa kanya ...grabe ganto ba talaga kagwapo ang kinalabasan nang makeover nya ..pero syempre may mga lalaki ring nakicomment

He's a SheWhere stories live. Discover now