Chapter 21

143 15 0
                                    

"Sam ! I'm home!" masiglang sigaw ni Rckey pagkapasok nya nang bahay galing sa school .

"Sino ka ? " nagulat sya nang hindi si Sam ang nakita nya kundi isang matangkad na binata na medyo chinito sobrang puti rin nito at may brace in short super cute ito .

"You must be Sam's younger brother." Aniya na para bang sigurado sya.

"H-How did you...know?" Anito sa isang matigas na ingles.

"Of course i must know...btw wheres Sam?" Aniya sabay libot nang paningin sa kabahayan.

"Nasa may swimming pool sya " sagot naman nito Sabay talikod at lakad patungo sa likod nang bahay kung saan naroon ang pool area sinundan lang naman nya ito .

Natatanaw na nya si Sam na kasalukuyang lumalangoy sa pool.. Nakatwopeace na naman ito .

"Ate!! May naghahanap sayo !" Sigaw nang kapatid nito habang naglalakad palapit sa ate nito .

"Sino?..." Ani Sam at lumingon sa direksyon nila ."...oh Rckey nandito ka na pala kakaawas mo lang ??" Masayang sabi naman si Sam nang makita sya mabilis itong umahon sa pool at tumakbo papunta sa kanya .

"I guess nameet mo na pala ang kapatid ko ." masayang sabi nito na ikinatango lang nya samantalang ang kapatid naman nito ay masama ang tingin sa kanya .

"Well btw ...this is Sk--"
"Ate ! Seryoso?!" Nagulat sila nang biglang putulin nang kapatid ni Sam ang dapat na sasabihin ni Sam .

"What are you talking about?" Nalilitong sagot naman ni Sam sa kapatid

"Seryoso ate papakilala mo talaga ako dito nang ..." Anito kay Sam sabay hagod nang tingin sa katawan ni Sam na nakabalandra ngayon sa kanila."...nang nakatwopeace?!" Galit na sigaw nito .

"Yun lang ba ? Dont worry ok lang ya---"

Hindi na ulit natuloy ni Sam ang sasabihin nang biglang humarang ang kapatid nito sa harapan ni Sam na para bang nagsisilbing takip upang wag nyang makita ang katawan ni Sam .Natawa na lang sya dahil sa pagkaover protective nito sa kapatid.

"Hahaha...ano ka ba naman ..." Si Sam sabay hawak sa balikat nang kapatid at bahagyang nakasilip ang mukha sa gilid upang makita sya .

"Rckey please meet my younger brother Skyler." Pakilala ni Sam sa kapatid "and Sky this is my Boyfriend Rckey " muwestra naman sa kanya ni Sam kay Sky na bahagyang napaawang ang bibig.

"Seryoso ate etong estuyante na to boyfriend mo ?!" Gulat na tanong nito sa ate habang nakaturo sa kanya .

"Yes is there any problem Sky?" Takang tanong naman ni Sam.

"Malaking problema ate eh estuyante pa lang sya ah ..you mean mas matanda ka pa sa Boyfriend mo?!!" Histerikal na sabi ni Sky .

"Oo ? Bakit masama ba?" Tugon naman ni Sam . Kung magusap ang mga ito ay para bang wala sya sa harap nang mga ito ..siguro kung totoong boyfriend sya ni Sam baka kanina pa sya nasaktan dahil mukang hindi boto sa kanya si Sky.

"Oo ate masama ...baka mamaya lokohin ka lang nyan!!" Anito na ikinagulat nya.

"Hey...thats foul! Im not a cheater !" Singit nya sa usapan napaharap naman sa kanya si Sky habang nanlalaki ang mata.

"A-ate naiintindihan nya ba tayo kanina pa ?!" Ani Sky habang tulala pa rin sa kanya ..wag nito sabihin na kaya ito tagalog nang tagalog para hindi nya malaman kung anong sinasabi nito? Natawa na lang sya sa naisip .

"Oo naman Sky bakit?" Kunot noong tugon ni Sam

"Ibig mo bang sabihin marunong syang magtagalog?" Skyler said .

"Yes i can" aniya habang nakatingin dito.

"Waaaahhh!!!ate narinig nyang sinabihan ko syang manloloko!" OA na sigaw nito habang nakatakip ang kamay sa mukha natawa naman sya sa kacutan nito .

"Pero ate bakit nagaaral pa sya tulad ko eh ikaw nga nagtatrabaho na ?" Tanong naman nito habang nakatingin sa uniform nya .

"He's just 19 , first year college student " Sam said .

"Oh ok ang why he's here nga pala ?" Sky said.

"He lives here." Maikling tugon ni Sam . na mas lalong nagpalaki sa mga singkit na mata ni Sky.

"What,!!!? Live in na kayo?!" Hindi makapaniwalang sigaw nito habang pabalik balik ang tingin sa kanila ni Sam.

"Huh a-ah!! Oo tama leave na kami," Sam said

"Btw its really nice to meet you Sky ..."she said to Sky then look at Sam.
"I'll just change upstairs"

"OK...para makapagdinner na din tayo" Huling sabi pa ni Sam bago sya pumasok sa loob nang bahay .

MUKANG ngayon pa lang nakikilala ni Sam ang kapatid nya dahil simula nung umalis si Rckey para magbihis ay masama na ang tingin nito sa kanya ...hindi nya alam kung matutuwa ba sya o maiinis sa pagkaoverprotective nito .

"Ate ...san mo ba nakilala si Rckey?" Para itong isang detective kung magtanong sa kanya . Inayos muna nya ang mga pinggan bago maupo at sagutin ang tanong ni Sky.

"He's my Bestfriend." She simply said dahil totoo namang bestfriend nya talaga ito.

"Kung ganun sinong unang umamin?" Seryoso pa ring tanong ni Sky habang nakapangalumbaba sa lamesa.

"Ha?a-ah edi si Rckey !" She lied .

"Hmm sure ka na ba sa kanya ? Alam mo naman bata pa sya and lalaki din ako kaya alam ko na wala pa sya sa tamang edad para magseryoso " parang matandang sabi naman nang kapatid .

"O-oo naman sure na ako ...saka pede ba bakit kung magsalita ka dyan parang ikaw ang kuya ko ..nako talaga tong batang to" aniya sabay gulo nang buhok nito.

"Whatever ." Sky said .

"Kakain na ba ?" Ani Rckey nang dirediretsong pumasok sa kusina at naupo nakabihis na ito nang pambahay na black T-shirt at khaki short.

"Oo tara kainan na ...oh kumain ka lang nang kumain Sky ha tapos magpahinga ka na " tango lang naman ang tinugon nang kapatid habang tahimik na kumakain katabi kasi nito si Rckey .

Habang kumakain biglang tumunog ang Cellphone ni Rckey na nakapatong sa lamesa malapit kay Sky ...sabay sabay naman silang napatingin sa cellphone pero agad nangunot ang noo ni Sky habang nakatingin sa cp ni Rckey.

"Sino si Hanah?" Nagdududang tanong nito kay Rckey .

"Huh? Ah si hanah friend ko ." sagot naman ni Rckey habang unti unting kinukuha ang cp sa ibabaw nang lamesa.

"Friend ?tapos Rckey baby ang tawag?" Intrigang sagot ni Sky sabay tingin sa kanya ..kung alam lang nito na babae naman talaga si Rckey ...natatawa na lang sya sa nakikitang expression kay Sky para kasing sinasabi nitong 'ikaw ang girlfriend magalit ka ' .

"Well she loves joking so dont worry" maikling paliwanag naman ni Rckey.

"Ate!! Kilala mo ba tong Hanah na to?!" Galit na sigaw ni Sky habang nakatitig pa rin sa mata ni Rckey.

"Yes Sky saka friend lang naman talaga sila eh ...wag kang magalala hindi manloloko ang kuya Rckey mo" natatawa na lang sya sa sariling kasinungalingan .

"Such a protective brother of yours "naiusal na lang in Rckey sa kanya habang abala sa pagrereply sa text ni Hanah.

"Wag ka ngang makikipagtext sa ibang babae lalo na pagkasama mo ang ate ko!"parang batang sigaw nito habang pilit inaabot ang cp sa kamay ni Rckey .

"Woah! Wait give me back my phone...ok i wont text any girls again " Si Rckey habang nagmamakaawang humingi nang tulong sa kanya nagkibit balikat lang naman sya at pinagpatuloy ang pagkain. Natapos ang hapunan nila nang puro away at asaran lang naririnig nya mula sa dalawa nang kapatid at Rckey hanggang sa maggabi ay ganito pa rin ang eksena sa loob nang bahay.

"Wag na wag mong iisipin na pasukin si ate sa kwarto nya !!" Si Sky mula sa kabilang dulong kwarto.

"Who cares!!!" At si Rckey naman sa tapat nang kwarto nya ..sabay na kalabog nang pinto na lang ang huli nyang narinig bago naging tahimik ang mundo nya at mahimbing na nakatulog mukang araw araw ay kailangan na nyang masanay sa dalawa.

He's a SheWhere stories live. Discover now