Chapter 6

177 14 0
                                    

NAGLALAKAD na si Jhana sa hallway nang mapansin nyang naiwan pala nya sa principals office ang wallet nya ...student assistant kasi sya dito sa University gusto nya rin ito dahil may incentives naman syang nakukuha mula rito ..lalo na't mahirap lamang sila ...malaking tulong ang nakukuha nyang pera rito upang pambaon at pangtulong sa mga magulang ...1st year pa lang sya at wala pa syang 3 months sa pagiging Students Assistant nya...sched nya kasi ngayon kaya halos buong araw syang nasa  Principal Office buti nga't maaga sya ngayong pinauwe ni Ms. Principal .

Agad syang bumalik upang kunin ang wallet nya ..hindi na sya nagabala pang  kumatok dahil sanay na naman din sa kanya ang principal ...pagpasok nya dumeretso agad sya papunta sa desk nya upang  kunin ang wallet nya at dahil madadaanan nya ang pinto kung saan ang office nang principal bago sya makapunta sa lamesa nya hindi nya maiwasang marinig ang naguusap , boses nang principal ang naririnig nya ngunit hindi pamilyar ang boses nang kausap nitong lalaki ..dun nya naalala na may pumasok nga pala ditong lalaki na nakastudent uniform kanina aalis na sana sya nang may marinig sya

"Bakit di ka pumunta dito kanina?" Sabi nang Principal.Pero bakit naman pupunta dito yung lalaki anong meron

"Hindi naman na kailangan"anang lalaki naman

"Basta punta ka lang dito para makita ko yan ...ang laki pa naman nyan" sabi naman nang Principal na ikinalaki nang mata nya ..teka anong malaki ang gusto nitong makita mula sa lalaki ..saka bat parang tuwang tuwa pa yung lalaki dahil narinig nyang mahina itong natawa

"Wag ka ngang maingay mamaya may makarinig sayo !" Sabi naman nung lalaki pero teka bat parang feeling nya may nangyayari sa Principal nila at sa lalaking ito ..saka naalala nya kanina na binanggit nito ang pangalan nang lalaki ..hindi kaya matagal na silang may relasyon ..pero diba Principal ito at student lamang ito kung gayon mas matanda ito nang ilang taon sa lalaki.

"Kaya nga pinauwi ko na yung si jhana para walang istorbo eh "sabi naman nang Principal na ikinalaki lalo nang mata nya...bakit naman magiging istorbo sya? ..may gagawin ba ang mga ito na hindi nya dapat malaman ? Bumalik sya sa huwisyo nang marinig na paalis na ang mga ito mabilis nyang kinuha ang wallet sa table at dahan dahang naglakad nang tahimik palabas

Para syang nakahinga nang maluwag pagkalabas nya at mabilis na naglakad palabas nang university malakas ang tibok nang puso nya dahil sa mga narinig

"Jhana!!!" Halos atakihin sya sa puso nang biglang sumulpot sa harapan nya si Denver habang may kinakain na hotdog hindi nya alam pero parang iba ang naisip nya nang makita ang kinakain nitong hotdog ...nagiging green na ata sya mula nung marinig ang mga narinig nya

"Hoyyy jhana!!! Bat parang namumutla ka !" Malakas naman na sigaw ni Denver na nagpagising sa kanya .
"Huh anong s-sinasabi mo dyan ako namumutla?" Aniya habang pilit kinakalimutan ang mga nagyari sa Office

"Ano pauwi ka na ba? Sabay na tayo antayin muna natin si Tyler saglit, nag cr lang yon" sabi naman nito at dahil pauwe naman na talaga sya ay tumango na lang sya ..maya maya naman ay dumating na rin  si Tyler at assual nakabusangot na naman ito na akala mo laging problemado sa mundo

"Bilisan mo naman Tyler gusto ko nang makauwe!" Inis na tugon naman ni Denver nagsimula na silang maglakad ...lakad naman sila lagi pag sabay sabay dahil sayang sa pamasahe ...malapit lang naman ang mga bahay nila ...magkakapit bahay lang naman kasi silang tatlo nila Denver at Tyler hindi naman kapangitan ang bahay nila kahit mahirap lang sila laking pasalamat nga nila nang malamang may itatayong libreng kolehiyo sa lugar nila...actually may dalawa pa silang barkada kaso 2nd year na ang mga ito kaya minsan na lang nila nakikita ..

"Nga pala Jhana sayang wala ka sa classroom kanina di mo tuloy nakilala yung new transferee sa section natin ."biglang kwento naman ni Denver habang naglalakad samantalang nanatiling tahimik lamang si Tyler sa kanan nya

"May transferee pala ...yaan mo wala naman na akong schedule bukas sa office kaya makakaattend na ako nang class"aniya ...sa isang linggo kasi may dalawang araw syang schedule sa office as a Student Assistant pero tuwing vacant lang naman sya naduty di gaya ngayon na inexcuse sya nang principal nang wholeday kasi maraming aasikasuhin sa office kaya ngayon lang sya halos di nakita nila Denver.

"Ah mabuti naman kala ko sobrang busy mo na talaga eh ."anito habang nakapout pa nako nagsisimula na naman itong magpapansin sa kanya ...simula bata pa lang eh may pagkapilyo na ito samantalang si Tyler naman eh ganun din noon pero ewan ba nila at bigla na lang itong nagbago at naging tahimik.

"Ui jhana ano na !! Hindi mo na ba ako mahal!!?" Madrama namang sigaw ni Denver ..sinusumpong na naman ito nang pagkabaliw

"Ano bang mahal sinasabi mo dyan ha Denver !" Sigaw nya naman dito sabay batok na ikinangiwi nito.

"Eh kasi naman kanina pa ako usap nang usap dito pero di ka naman kumikibo!" Mahabang reklamo nito habang nakapout pa ...sa totoo lang matagal na nya itong crush pero di lang nya maamin sa dami ba naman kasi nang fans club nito eh baka aamin pa lang sya eh kalbo na sya...kaya ok na sa kanya yung biruan nilang ganito.

"Eh sorry naman may iniisip lang " aniya habang patuloy pa rin sa paglalakad medyo malapit na sila sa may kanto .

"Siguraduhin mo lang na ako ang iniisip mong yan ha !" Biro na naman nito na konti na lang ayy iisipin nyang totoo ang lahat .

"Tsk. Court her" ani Tyler na himalang nakakapagsalita pa pala akala nila silang dalawa lang ni Denver ang  magkasabay...pero anong sinasabi nito na court her.

"Huh anong sabi mo Tyler ?" Tanong naman  ni Denver habang nakatingin sa katabi nyang si Tyler

"Ligawan mo na kasi si jhana hindi yung binibiro mo pa pareho nyo lang naman mahal ang isat isa" mahinahong sabi naman ni Tyler habang diretso ang tingin sa daan.

"Hindi namin gusto ang isat isa!!!"_ sabay pa nilang sabi ni Denver at agad tinulak ang isat isa ..mahinang ngisi lang naman ang itinugon ni Tyler

Panay ang irap nila sa isat isa ni Denver hanggang makauwi sa bahay pero matigas talaga ang mukha ni Denver

"Bye Jhana my loves!!!" Pahabol pa nitong sabi bago sya makapasok sa maliit nilang gate inirapan nya lang ito ngunit napalitan lang iyon ng isang maliit na ngiti na may kasamang kilig pagkapasok nang bahay.

"Ano namang nginingiti ngiti mo  dyan ha ate?" nagulat sya nang biglang nasa harapan na pala nya ang kanyang kapatid na babae ...

"Asan si mama ? "Tanong nya sabay punta sa kusina upang kumuha nang tubig parang nauhaw sya sa paglalakad kanina

"Si mama kakaalis lang papuntang trabaho si papa naman hindi pa umuuwi baka mamaya pa yon "sagot naman ni Hanah kapatid nyang bunso ...dalwa lang kasi silang magkapatid kasalukuyang nasa Grade 12 pa lang ito samantalang ang mama naman nya eh call center agent kaya lagi itong wala pag gabi oh kaya pag umaga depende  sa duty ang papa naman nila eh empleyado sa isang maliit na pabrika kaya sakto lang ang antas nang pamumuhay nila

"Ate excited na akong magaral sa Univerty na pinapasukan mo para lagi na tayong magkasabay tapos makikita ko na rin si Jared araw araw!" Masiglang sabi ni hanah ang tinutukoy nitong Jared ay ang ultimate crush nito na barkada nila ni Denver na 2nd year na .

"Anong makikita araw araw !!eh kami ngang mga barkada ni jared ni hindi sya masilayan sa university dahil sa laki nang School!!" Aniya habang nakasandal sa lababo

"Ihhh ate naman panira ka talaga ah basta kailangan makita ko sya araw araw sa university !!" Anito habang nangiti nang abot tenga hay baliw na ata ang kapatid nya

"Hay bahala ka nga dyan mangarap nang gising aakyat na ako para makapagpahinga na " aniya sabay lakad papunta sa kwarto nya. Pagkabihis nya agad syang nahiga ngunit bumalik na naman sa isip nya yung mga nangyari sa office ...pero teka bat ba nya pinoproblema yun eh ano naman kung meron silang relasyon ...edi maeexpell yung lalaki kasi bawal yun hay hayaan na nga ...nakatulugan na nya ang pagiisip dito.

He's a SheWhere stories live. Discover now