Chapter 24

145 12 0
                                    

PADATING ni Tyler sa school ay  sobrang  busy na ang lahat , may nagaayos nang stage ,mga naggagalang magbabarkada sa malawak na field na puno ngayon nang ibat ibang klase nang booth, ngayon kasi ang intramurals day nila at ngayong araw na din na to gaganapin ang Ms. Astig 2020 kung saan kasali si Rckey ...kaya naman magisa lang sya ngayong naglalakad sa hallway ..wala kasi si Denver dahil ito ang nakatalaga sa section booth nila na wedding booth, samantalang si Jhana naman ay maraming inaasikaso as the secretary of Ms. Sam ...hindi naman nya alam kung nasaan si Rckey.

"Finally , dumating ka na rin Tyler!" napalingon sya sa gilid kung saan naroron si khate na  maraming bitbit na parang props.

"Huh? Bakit naman hinihintay nyo ko?" Takang tanong naman nya dahil sa pagkakaalala nya eh wala namang nakatalaga sa kanya .

"Well ..as you can see .eh hindi dumating si Andrei na syang dapat mag po photographer sa Ms. Astig 2020 mamayang ala una ..kaya ikaw ang napili ko!" Masiglang sabi naman nito na ikinatanga lang nya ..akala pa naman nya eh wala syang gagawin pero dahil rule nga ang sundin ang choice at decision nang president eh hindi na lang sya nagsalita.

"Tara na !" Anito habang papalakad na ulit.

"Saan?" Aniya habang nakahabol dito ..nalingon naman sya nito.

"Saan pa edi ituturo sayo ang gagawin mamaya saka ...nasa backstage ang gagamitin mong camera" paliwanag naman nito sabay patuloy sa paglalakad ..sumunod lang sya dito hanggang makarating sa backstage .

"Huh? Close ba si Ms. Principal at Rckey?" Napalingon sya nang magsalita si khate ...nakita nyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanang bahagi nang backstage . Lumingon din sya at nakita nya si Ms. Principal at Rckey na nagkukulitan may pilit na inaabot si Sam sa kamay ni Rckey pero nakataas ang kamay ni Rckey kaya hindi ito maabot abot ni Sam. Ngayon lang nya nakitang magkasama ang dalawa sa labas nang office nito .

"Bakit parang ang sweet nila?" Nagdududang tanong pa rin ni Khate habang kunot noong nakatingin sa dalawa ni Rckey .

"Nasaan na yung camera?" Aniya upang mabaling ang atensyon sa kanya ni Khate ...baka kasi maghinala ito tungkol sa sekreto nila Rckey.

"Huh! Ah oo nga pala nako ikaw na lang ang kumuha ha tapos  paturo ka na lang sa iba marami pa kasi akong gagawin sa booth natin..nasa room 3 yung camera!" Nagmamadaling tugon nito at agad nang umalis patungo sa booth nila.

Nagtanong naman sya kung nasaan ang room 3 ...parang tent lang kasi yon kung saan naroon ang mga contestant para sa Ms. Astig 2020 kaya naman papunta sya ngayon sa tent kung san naroon sila Rckey .

"Akina na kasi !" Naabutan nyang sigaw ni Sam kay Rckey habang pilit pa rin inaabot ang phone pala nito.

"No...until you stop talking about sending my pics to Sky!!" Inis na tugon naman ni Rckey habang patuloy parin sa pagtaas nang kamay .

"Ehem! .." Kuha nya sa atensyon nang mga ito napalingon naman si Rckey sa kanya at bahagyang naibaba ang kamay dahilan para makuha ni Sam ang phone .

"Haha! Gotcha!" Tuwang tuwang sabi ni Sam at dumeretso sa isang sulok para di na mahabol ni rckey.

"Uhg..swear ..Sam if you do it ill be mad at you!" Pigil ang inis na sabi ni Rckey.

"Kakarating mo lang ba?" Baling naman sa kanya ni Rckey .

"Oo ..saan dito yung Camera?" Tanong nya habang nililibot ang buong tent .

"Huh! Bakit naman?" Nagtatakang anito.

"Ako kasi ang nautusan ni khate para mamaya sa photography hindi kasi makakapasok si Andrei." Paliwanag naman nya ...tumango lang si Rckey at may kinuha sa isang drawer.

He's a SheWhere stories live. Discover now