Chapter 16

157 14 0
                                    

PAGKATAPOS  kumain dumeretso sila Tyler sa Sala samantalang si Denver naman ay tumakbo na naman papuntang Swimming pool para maligo ang kapal talaga nang mukha.

"Tyler gusto mo rin bang magswimming ?" Tanong naman sa kanya ni Rckey na kasalukuyang nakatayo sa gilid ni Ms. Sam na busy sa panunuod nang T.V

"Huh hindi wag na ..saka wala naman akong dalang damit eh ."Aniya

"Edi pahiramin muna kita" anito

"Per---"

"Hep! No more argue ok lets go to my room para makapili ka " putol naman sa kanya ni Rckey sabat hila sa kanya papuntang kwarto raw nito.

"Pili ka na lang dyan sa kabinet kung ano gusto mo " ani Rckey pagdating nila sa loob nang kwarto nito

"Ok na sakin kahit ano" aniya habang nakakamot sa ulo .

"Ano ka ba i want you to feel comfortable so choose kung saan ka komportable" mahabang paliwanag naman nito habang binubuksan ang cabinet nito . wala naman syang nagawa kundi pumili na lang . Nakita naman nya ito na umupo muna sa kama habang naghihintay . Kayat binalik na nya ang atensyon sa pamimili nang damit at short .

"Eto n--" hindi na nya natapos ang dapat pang sasabihin nang hindi nya inaasahan na nasa harapan na nya pala ito at ngayon ay sobrang lapit nang mga mukha nila sa isat isa .

" a-ah eto na yung n-napili ko" mahinang sabi nya habang hindi maiwasang mapatingin sa mapupulang mga labi ni Rckey .

"Tyler?" Nahinto sya sa pagkakatulala at agad na napaatras dahilan para mauntog sya sa cabinet na nasa likod nya .

"Are you ok?! " nagaalalang tanong naman ni Rckey habang hawak ang ulo nyang tumama

"A-ah o-oo " aniya sabay iwas dito at himas nang ulo nya .

"Sya pala may underware pa ako dito na hindi pa nagagamit ...here" anito sabay abot sa kanya nang brief...agad naman nya itong inabot ..hindi nya alam pero parang biglang uminit sa loob nang kwarto kahit aircon naman dito.

"So tara na sa baba " ani Rckey matapos isara ang cabinet .

"O-oo sige ." naiinis sya dahil sa pagkautal ..ano bang nangyayari sa kanya ..hay nako naman . Agad syang sumunod pababa kay Rckey .

Pagkarating sa sala naupo muna sya sa Isang sofa samantalang si Rckey naman ay naupo sa katabi ni Ms. Sam .

"Ano ba Rckey akina nga yung remote ! Ayoko nang basketball?" Pilit na inaabot ni Ms. Sam ang remote mula sa kamay ni Rckey pero masyadong matangkad si Rckey para maabot ito ni Ms. Sam at dahil dito halos magkayapos na ang dalawa .

"Ahhahahaha.. Oo na ..eto na!" Tawa at sigaw naman ni Rckey nang kilitiin ito ni Ms. Sam sa tagiliran .

"Bibigay rin pala eh " ani Ms. Sam sabay upo . Naupo na rin naman si Rckey sa tabi ni Ms. Sam habang nakasandal sa sofa at nakapatong ang kamay sa sandalan na para bang nakaakbay ito kay Ms. Sam ...iba din dumiskarte eh ...hanggang ngayon naiilang pa rin sya pag nakikita nyang sweet ang mga ito lalo nat principal nila ito. Itinuon na lang nya ang atensyon sa panunuod pero maya maya lang ay napadako ang tingin nya sa dalawang magkasintahan at nakasandal na pala nang tuluyan si Ms. Sam sa balikat ni Rckey .

"Rckey baby !!" Napalingon silang lahat sa pinanggalingan nang boses at sino pa nga edi si Hanah . mabilis itong pumunta sa pwesto ni Rckey at agad hinila patayo si Rckey dahilan para mapaghiwalay ang dalawang magkasintahan .

"Oh bakit hanah ? Ano ready ka na ba sa assignments mo?" Masayang sabi naman ni  Rckey kay hanah .

"Oo pero san tayo gagawa?" Tanong naman ni Hanah habang inililibot ang tingin sa buong paligid.

"Mabuti pa sa may pool area na lang tayo may lamesa naman dun saka relaxing ...tamang tama habang tinuturan ko si Hanah magswimming muna kayo dun Tyler " sabi naman ni Rckey sabay akay kay hanah papuntang pool area.

Napatingin naman sya kay Ms. Sam na kasalukuyang nakatanaw lang sa nakaalis nang si Rckey .. Kahit wala syang mabasa na expression sa mukha nang babae ay alam nyang nasasaktan ito sa sitwasyon nila ni Rckey lalo na at kailangan manatiling sekreto ang relasyon nang dalawa dahil student pa lang si Rckey at kasama sa law na bawal ang magkaroon nang relationship between student and principal kahit teacher.

"You know what Tyler help me na lang muna sa kusina para kumuha nang makakain baka magutom tayo sa pagsuswimming" anito sabay lakad papuntang kusina sumunod lang naman sya dito kahit medyo naiilang sya .

Pagdating nila sa pool area naliligo na rin si Jhana kasama ni Denver nagsasabuyan pa nga ang mga ito nang tubig ..samantalang sa kaliwang bahagi naman ay nakita nya ang dalawa ni Rckey sa isang lamesa habang busy sa pagtuturo kay hanah na mukhang hindi naman nakikinig dahil nakatitig lang ito sa mukha ni Rckey na patuloy lang sa pagsasalita.

"Palagay na lang muna dyan ang mga hotdog "utos naman ni Ms. Sam habang busy naman ito sa pagaayos nang ihawan na nasa kanang bahagi naman nang pool area ...kaya medyo malayo sa kanila ang dalawa ni Rckey.

"Yesss chibog na naman!!" Malakas na sigaw ni Denver nang matanaw sila nito . Agad naman itong binatukan ni jhana na ikinatawa ni Ms. Sam

"Ah Ms. Sam --"

"Sam na lang ano ka ba" putol nito sa sasabihin nya.

"Ah sige po S-Sam tulungan ko na po kayo dyan magiihaw po ba?" Aniya habang sinisimulang magtuhog nang mga hotdog sa stick.

"Oo saka yung barbeque ..nako buti na lang nakapag marenade na ako nyan kahapon dito ko pala magagamit" anito habang inaayos ang pang grilled hindi naman mahirap yun dahil di kuryente naman yun at hindi na kailangan pang lagyan nang uling at pabagain.

Pagtapos nang mahigit isang oras na pagiihaw pumunta sa direkyon nila ang dalawa ni Rckey mukang tapos na ang mga ito .

"Wow! Ang sarap naman nyan Sam!" Excited na sabi ni Hanah .

"Sige kuha ka lang " alok naman ni Sam sabay abot dito nang isang hotdog.

"Gusto mo Rckey ?... Say aaahh..!" Nagulat sya nang akmang susubuan ni Hanah si Rckey nang hotdog na nakagatan na nito. Ngunit wala man lang pagaalinlangang tinanggap ito ni Rckey ...napamaang na lang sya dahil sa nasaksihan hindi man lang ba nito naisip na nasa harapan nila si Sam na Girlfriend nito!?

"Sweet ah" pabirong tugon ni Sam na pinagpatuloy na lang ang pagiisaw

"Hmm...Rckey baby tara swimming tayo ! Kaso wala akong damit" malungkot na tugon naman nito habang nagpapacute pa kay Rckey ..hindi nya alam pero simula pagkabata ngayon lang sya nainis nang ganto kay Hanah ..alam naman nya na ganto talaga ito magpakita nang nararamdaman pero pano naman si Jared.

"Hindi pwedeng maligo si Rckey !" Nagulat sila sa biglang pagsigaw ni Sam

"At bakit naman ?" Takang tanong naman ni Hanah

"K-kasi ano magkakasakit sya " ani Sam habang nakatingin nang matiim kay Rckey .

"Ahhh! O-oo oo tama madali kasi akong magkasakit " pagsangayon naman ni Rckey . pero nagulat sila nang biglang itulak ni Hanah si Rckey sa pool.

"Bleh hindi mo ko maloloko Rckey baby ayaw mo lang talaga magswimming!"pangaasar naman ni hanah dito samantalang si Sam naman ay gulat na gulat na para bang sobra ang paalala pero agad ding nawala nang lumutang si Rckey.

"Ang kulit mo talaga Hanah" tatawa tawang sabi ni Rckey sabay hila kay hanah dahilan para bumaksak din ito sa pool kasama ni Rckey at dahil hawak to ni Rckey sa bewang eh parang sobrang lapit tuloy nang mga ito sa isat isa nang lumutang ..tawa lang tawa sila Hanah habang nang tingnan naman nya si Sam ay nakatungo lang ito sa hotdog at nagpapatuloy sa pag iihaw ..alam nyang pilit lang nitong hindi pinapansin sila Hanah pero nasasaktan din ito ..sino ba namang girlfriend ang manonod pa sa boyfriend nito na may kaharutang iba.Napakamanhid ni Rckey para hindi man lang mapansin na nagseselos si Sam ...kung kumilos ito ay para bang wala dito ang si Sam.

He's a SheWhere stories live. Discover now