Chapter 5

65.1K 2.5K 2K
                                    

Venine's POV

"Oh! Buhay ka pa pala? Saang lupalop ka naman galing at hindi ka umuwi kagabi?" Bungad sa akin ni Tita Helen pagpasok ko ng bahay. She's my stepmom.

"Kina Tamira na naman siguro, mom." Maarteng sabad naman ni Terry na naka-upo sa sofa, mas bata siya ng isang taon sa amin ni Trina.

"Ah iyong mayamang kaibigan mo na walang modo?" Baling ulit sa akin ni tita. Naalala ko tuloy 'yong una at huling punta ni Tami rito sa bahay.

"Oh may bisita ka pala?" Sabi ni tita habang bumababa sa hagdanan. Sa tono pa lang niya ay parang ayaw niyang nagkaroon ako ng bisita.

Binalingan ko si Tami na blangko lang ang expression habang nakaupo sa sofa namin. Naka-cross legs pa at nakahalukipkip.

Tumingin siya sa akin at sinenyasan ko siyang batiin si tita pero nagkibit balikat lang siya. Maldita talaga. Alam niya kasi ang lahat ng nangyayari sa akin dito sa bahay.

"Sino naman 'yan?" Taas kilay na tanong ni tita na parang hindi rin gusto si Tami.

"Si Tamira po, kaibigan ko."

"Oh. Ano pang hinihintay mo? Bakit ayaw mong pang ipaghain 'yang bisita mo at nang makaalis na? Parang iyon lang naman ang ipinunta niyan dito. Ipag-uwi mo na rin ng pagkain."

Kinabahan ako sa sinabi niya lalo na sa magiging reaksyon ni Tami. Huwag na sana siyang sumagot.

Tumayo si Tami at ramdam ko na ang matinding tensyon sa paligid. Jusko!

"Excuse me? Do you think wala akong pagkain sa bahay namin? Well then, you can come to our house at willing akong ipakita sa'yo ang lahat ng laman refrigerator namin... po." Sarcastic ang pagkakasabi niya ng po dahil never ko pa siyang narinig na mag-po sa kausap niyang mas matanda.

Napa-facepalm ako sa isip. Nalintikan na. Sabi na nga ba't hindi siya magpapatalo.

"Tami, stop." Bulong ko ng lapitan siya.

Pagtingin ko kay tita ay nanlalaki na ang mga mata niya at kulang na lang ay may lumabas ng usok sa kanyang ilong.

"Sino ka bang bata ka at kung makapagsalita ka ay parang wala kang modo?" Galit na tanong ni tita.

Ngumisi si Tami. "As what Venine said, my name is Tamira. Tamira Sienn Alcantara, daughter of the billionaire Tobias Alcantara."

Nalaglag ang panga ni tita at hindi na nakapagsalita. Maski ako ay hindi makapagsalita dahil hindi ko alam kung paano aawatin si Tami. Once kasi na nagsimula 'yan ay wala nang makakapigil sa kanya.

"Come on, Ven. Doon na lang tayo sa bahay mag-hang out. Hindi ko akalaing kahit bisita pala e lantad ang ugali niyang stepmom mo."

"Akyat na po ako." Sagot ko na lang pagkatapos kong magbalik tanaw at naglakad na papunta sa staircase.

"Ayan! Diyan ka magaling! Kahit kinakausap pa kita bigla ka na lang aalis! Napakabastos mo talaga!"

Nagbingi-bingihan na lang ako sa sinabi ni tita dahil sanay na ako pero noong una ay sobrang sama ng loob ko, never kasi ako sinigawan ng mommy ko o kahit sabihan nang masasamang salita.

Nang makarating ako sa room ko ay pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame. Heto na naman ang matinding sadness na nararamdaman ko sa tuwing uuwi ako rito sa bahay.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa bedside table. Napatitig ako sa picture frame laman ang picture namin nina mom and dad. Masaya pa kami noong panahon na 'yon until my mom died because of breast cancer when I was 7 years old. High school na ako noong nag-asawa ulit si dad. Iyon nga ay si Tita Helen.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon