Chapter 38

59.4K 1.8K 1.8K
                                    

Tamira's POV

Sobrang ganda ng gising ko kaya hanggang sa office ay maganda pa rin ang mood ko. Nagulat pa nga si Zoey kanina dahil naunahan ko siya sa pagbati ng good morning. I usually don't say it kasi and I don't greet first.

Pag-upo ko sa swivel chair ay agad kong tinext ng good morning ang baby vixen ko at pinaalala ko rin na maglagay ng concealer. Napangisi ako pagkatapos nitong mag-send.

"Come in." Wika ko nang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at iniluwa si Zoey.

"Ma'am nandito po si Sir Gab."

Kumunot agad ang noo ko dahil sa narinig pero wala na rin akong nagawa kundi ang tumango na lang.

Pumasok si Gab na may dala na namang bouquet.

"Good morning." Nakangiting bati niya.

"Gab, can you stop giving me flowers?" Kunot noong sabi ko at itinutok ang tingin sa laptop. From my peripheral vision ay nakita ko siyang lumapit.

"Why?" Nag-aalangang tanong niya. Napairap ako saka siya tiningnan ulit.

"I don't want my baby to get jealous." Sagot ko.

Kita ko ang pagrehistro ng gulat sa kanyang mukha pero naghalukipkip lang ako. Can he leave now? He's wasting my time.

"Baby? You mean... you have a boyfriend already?" Pagkukumpirma niya.

"No, a child." Sarcastic kong sagot at hindi ko na napigilan ang sarili kong mapairap na naman.

"Who's the guy?" Tanong niya pa.

"Can you just leave, Gab? Wala na tayong dapat pag-usapan. I need to work."

"Who's the guy, Tami." Semeryoso na ang boses niya.

Sandali ko pa siya tinitigan at mukhang wala na akong ibang choice kundi ang sabihin sa kanya para na rin tigilan ako.

"She's not a guy, Gabriel." Walang gana kong sagot.

"W-What? What do you mean?" Bakas na naman ang gulat at halatang hindi siya makapaniwala.

Hinilot ko ang sentido ko. Ilang gulat na tao pa ba ang kailangan kong harapin everytime na ito ang nagiging topic? Gosh. Ang aga-aga!

"It's Venine, Gab. She's my girlfriend."

Napaawang ang kanyang bibig at bumaba pa ang kamay niyang may hawak na bouquet. Halatang hindi pa niya napa-process ang sinabi ko.

"She's your best friend, right? Are you just telling me this para layuan na kita?"

Umiling ako. "I know it's really hard for you to believe it but that's the truth. I love her and she loves me too."

"This is really unbelievable!" Iyon lang ang huli niyang sinabi at mabilis na siyang lumabas. Buti naman.

Napasandal ako sa swivel chair at huminga nang malalim. Parang napagod ako agad kahit kasisimula pa lang ng araw. For sure naman hindi na babalik ang Gab na 'yon 'no?

Bigla kong naisip si Ven. I wanna hug her. I miss my baby vixen already.

Mabilis akong nagtipa ng text kay Ven. I said I miss her and sabay kaming mag-lunch later. After that ay nag-focus na 'ko sa work.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang busy ko at lunch time na pala. Inayos ko agad ang mga gamit ko at dumiretso sa parking lot para sunduin si Ven.

Nawala ang lahat ng pagod ko ng makita ang naka-smile na baby vixen ko. Nagmamadali akong lumabas ng kotse at agad siyang kinabig sa waist saka hinalikan sa labi. Gulat siyang napatingin sa paligid nang maghiwalay kami.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon