Chapter 26

71.8K 2K 1.1K
                                    

Venine's POV

Paglabas ko ng bathroom ay naabutan ko si Tami na nagbo-blow dry ng buhok. Tumingin siya sa akin at nginitian ako nang matamis.

"Come here. I'll blow dry your hair." Aniya. Lumapit naman ako at umupo ng patalikod sa kanya.

"Tami." Mahinang tawag ko.

"Hmm?"

"Pwede bang sa susunod, bago ka mainis sa akin at gumawa ng desisyon... kausapin mo muna ako?"

Narinig kong namatay ang blower kasunod 'non ay ang mainit niyang yakap mula sa likod sunod ay ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.

"Alright. I'm really sorry. I was really hurt kanina kaya hindi ko na kayang magtagal pa at tapusin ang usapan niyo at kausapin ka. I cried a lot inside my car." Mahina siyang tumawa pagkatapos magsalita. Napaharap tuloy ako sa kanya at hinawakan siya sa pagkabilang pisngi.

Hala umiyak pa pala siya? Sa pagkakaalam ko ay wala sa bokabularyo ng isang Tamira Sienn Alcantara ang umiyak.

"Weh? Umiyak ka nga?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Oo nga! Edi 'wag kang maniwala." Kunot noong sagot niya at umirap pa. Natawa tuloy ako.

"Joke lang. Kawawa naman pala ang sexy devil ko." Malambing na sabi ko saka siya hinalikan sa tungkil ng kanyang ilong. Pagkatapos niya ngumiti ay nagsalubong na naman ang mga kilay niya.

"What? Anong sexy devil?!"

"Kung ikaw may baby vixen, ako naman may sexy devil." Natatawang sagot ko.

Umirap siya ulit habang ako naman ay nakangiting ipinulupot ang mga braso sa batok niya.

"Tami." Mahinang tawag ko. Taas kilay siyang tumingin sa akin sunod sa mga labi ko dahil sobrang lapit lang ng mukha namin.

"What?" Tanong niya.

"Do you like the kiss?" Seryosong tanong ko. Naalala ko na naman kasi ang naabutan ko sa loob ng club. Ang hirap kalimutan.

"Natin? Of course! Do you need to ask me that?" Walang alinlangan niyang sagot.

"Hindi 'yon. Iyong kahalikan mo sa club ang tinutukoy ko." Sumimangot ako.

Bigla naman siyang bumuntong hininga pagkatapos ay ipinulupot ang mga braso sa bewang ko saka ako tiningnan sa mga mata.

"I don't like it. Para lang akong nakikipaghalikan sa tapat ng mirror."

"E bakit pagdating ko tuloy pa rin kayo kahit nakita mo na 'ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"'Cause I want you to get jealous." Siya naman ang natatawa ngayon. Akala niya naman may nakakatawa 'ron.

"Sorry ka na lang kasi hindi ako nagselos." Inismiran ko siya at nag-iwas ng tingin.

"Really? E bakit parang iiyak ka na kanina?" Panunudyo niya pa.

"E ikaw nga may palayas pa sa school e. Missing kunwari tapos pinatay pa ang phone." Bwelta ko. Akala niya huh. Hindi ako magpapatalo.

"Whatever. Let's just forget about it. I won't do it again and I won't kiss someone if it's not you."

Parang hinaplos ang puso ko sa huli niyang sinabi at idagdag niyo pa ang maganda niyang ngiti habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko at ako na ang unang humalik sa mga labi niya. I feel like I'm addicted to her lips.

Marahan lang ang paghalik namin sa isa't-isa na para akong dinuduyan. Ibang-iba sa paghalik niya sa akin sa loob ng rest room kanina at sa loob ng sasakyan ko.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon