Chapter 47

45.3K 1.5K 1.3K
                                    

Venine's POV

Almost 12am na pero mulat na mulat pa rin ako at hilam na ang mga mata kakaiyak. Hindi nga ako nakapasok kanina sa school dahil hindi ko talaga kaya at nagpasabi na lang ako kay Sam na masama ang pakiramdam ko.

Sobrang namimiss ko si Tami. Hindi ako pinatulog ng mga huli niyang sinabi sa school bago siya tuluyang tumakbo palayo.

Alam kong duwag ako dahil hindi ko siya kayang ipaglaban. I'm so weak and I hate it. Mali bang piliin ko kung ano man ang mas makakabuti sa kanya?

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko na hindi na naubos-ubos pero agad ko rin itong pinahid nang mag-vibrate ang phone ko. Tumatawag si Ate Clarisse.

"H-Hello?" Sagot ko at pilit kong hindi pinahalata na galing ako sa pag-iyak.

"Ven! Kasama mo ba si Tami? Bigla kasi siyang nawala rito sa bar e nag-cr lang ako saglit. Lasing na lasing pa naman 'yon at walang dalang sasakyan." Nag-aalalang sabi niya kaya bigla akong napabangon.

"Hindi ko siya kasama. Na-try mo na ba siyang tawagan, ate?"

"She's not answering her phone. Nag-aalala ako baka saan na napunta 'yon. Tumawag ako sa kanila pero sabi ni Manang Ada wala pa rin daw 'don."

"Sige Ate Clarisse susubukan kong hanapin si Tami. Please update me kapag na-contact mo na rin siya."

Nagmamadali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at mabilis na nag-drive. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kahit hindi ko alam kung saan siya hahanapin ay nagmaneho lang ako.

"Shit!" Sigaw ko out of frustration. Sinubukan ko kasing tawagan ang phone ni Tami pero naka-off na.

Tinext ko si Ate Clarisse kung saang bar sila nagpunta at doon ako sa paligid nag-drive. Mabagal lang ang takbo ko habang nagpapalinganga. Baka sakaling naglalakad lang sa tabi si Tami.

Isang oras na ata akong nagpapaikot-ikot pero hindi ko pa rin talaga siya mahanap. Sandali akong huminto sa tabi para tawagan si Ate Clarisse.

"Ven! Ano? Nahanap mo na?" Bungad sa akin ni Ate Clarisse kaya lalo akong pinanghinaan ng loob.

"Hindi pa ate e. Tinawagan nga kita para tanungin sana kung nahanap mo na ba siya."

"Wala pa rin. Naka-off ang phone e. Gosh! Saan ba kasi nagsusuot 'yon?" Bakas na rin ang frustration sa boses niya kaya nagpaalam na ako at sinabi kong mag-iikot ako ulit.

Papaandarin ko na sana ang sasakyan ko nang bigla may incoming call ang phone ko. Tumatawag si Ate Tess?

"Ven!" Bungad niya agad sa akin pagkasagot ko ng tawag. "Mabuti naman at ito pa rin ang number mo."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko talaga inasahang tatawag siya. Nawala na nga rin sa isip ko na naka-save pala ang number niya sa akin. Noon kasi ay nagtetext ako para magpa-reserve dahil madalas ay mabilis maubos ang paninda niya.

"Bakit po kayo napatawag, Ate Tess?" Taka kong tanong.

"Hindi ba may kasama ka noong huli mong punta rito? Naku nandito ngayon at lasing na lasing!"

"Po? Sige po papunta na ako diyan. Pakitingnan lang po muna at huwag niyo ng papaalisin. Thank you, Ate Tess!"

Mabilis kong in-end ang call at pinaharurot agad ang sasakyan ko.

Halos takbuhin ko na ang pwesto ni Ate Tess pagka-park ko ng sasakyan. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang nakayukong si Tami na naka-upo sa tabi ni Ate Tess.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong bumagal sa paglalakad. Nakaramdam ako ng takot na lapitan siya at sumasakit na naman ang dibdib ko.

"Please... let me work here."

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon