Chapter 45

47.3K 1.7K 2.9K
                                    

Venine's POV

Pagpasok ko pa lang sa pamilyar na japanese restaurant ay nanlamig na agad ang mga kamay ko. May pumunta kasing lalaki sa apartment kanina at sinabing hinihintay raw ako ni Mr. Tobias Alcantara sa favorite japanese restaurant ni Tami.

Hindi pa nga ako halos makapaniwala dahil hindi ko alam na nakauwi na pala ito galing US. Wala naman kasing nababanggit sa akin si Tami.

"This way po, Ma'am." Sabi ng waiter na agad akong nilapitan. Dinala niya ako sa isang VIP room.

Pagbukas ng sliding door ay parang gusto ko na agad umalis ng restaurant. Masyadong mabigat ang atmosphere sa loob at kinilabutan ako ng makita ang lalaking nakaupo doon.

Seryoso niya akong binalingan. Halos tumigil naman sa pagtibok ang puso ko dahil tingin niya pa lang ay sobrang nakaka-intimidate na.

"Come in, young lady. Make yourself comfortable." He said in a deep authoritative voice.

Nangatog ang mga tuhod ko pero pinilit kong maglakad hanggang sa tuluyan akong makaupo sa tapat niya.

Nakatingin lang ako sa ilalim ng lamesa kung nasaan ang mga kamay kong magkasalikop at nanginginig.

"Madalas daw kayo rito ng anak ko?"

Napalunok ako at ibinuka ang aking bibig para sumagot pero walang lumabas na boses kaya tumango na lang ako.

Bumukas ulit ang pintuan at pumasok ang waiter dala ang mga pagkain. Nakatitig lang ako sa pinto. Parang gusto kong lumabas dahil para akong nasu-suffocate dito sa loob.

"Kumain ka." Utos ulit nito.

Nabigla ako ng muli itong magsalita. Sandali akong napasulyap sa kanya na seryoso pa ring nakatingin sa akin na tila ine-eksamina ako.

"T-Thank you po pero busog pa po kasi—"

"Are you refusing Tobias Alcantara?"

Tumaas nang kaonti ang tono ng boses niya kaya nanlaki ang mga mata ko at nanginginig na kinuha ang chopsticks.

Nakita kong kumuha na rin siya ng chopsticks at nagsimulang kumain. Sumubo ako nang kapirasong wagyu steak pero wala akong malasahan. Hindi ko rin malunok.

Maya-maya pa ay ibinaba niya ang kanyang hawak na chopsticks na nagpakaba naman sa akin. Dali-dali akong kumuha ng tubig at uminom para malunok ko lang ang laman ng bibig ko.

"So you are Tamira's girlfriend." Wika niya sa siguradong tono at hindi patanong.

Nakatingin lang ako sa plato ko dahil hindi ko kayang makipag-eyecontact sa kanya. Aura pa lang kasi niya ay sobrang nakakatakot na.

"I'm not here to waste my time so I will tell you straight to the point kung bakit kita pinatawag. Break up with her."

Doon na ako gulat na napatingin sa daddy ni Tami. Seryoso pa rin ang kanyang mga mata na nakatingin din sa akin. Kung paano siya tumingin ay parang si Tami. Nakuha rin niya dito ang mga labi nito.

"H-Hindi ko po magagawa 'yon." Sagot ko habang pinipilit na palakasin ang loob ko.

"I'm not giving you any choice, young lady. I'm telling you to break up with my daughter."

Hindi ko na napigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang matinding emosyon. Halu-halong kaba, takot at sakit ang nararamdaman ko. Nag-iinit na rin ang gilid ng mga mata ko kaya nagbaba ulit ako ng tingin.

"Hindi ko po siya iiwan." Sagot ko ulit.

Alam kong ipinaglalaban din ako ni Tami at sinabi ko rin sa kanya na hindi ko siya iiwan.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon