Chapter 19

68.4K 2.3K 1.5K
                                    

Venine's POV

Saturday ngayon at nasa school ako dahil may kinailangan akong i-submit.

Habang hinihintay si Sam ay nagpunta muna ako ng library at bigla akong naka-tanggap ng text mula kay Wade. Paano niya nalaman ang number ko? Tanungin niyo ang magaling na si Sam.

Wade:

Nasa school raw kayo ngayon? Where are you?

Nagtipa ako ng reply na nasa library ako at pagkatapos magsend ay ibinaba ko na ang phone ko.

Wala sa sarili akong napatitig doon. Walang text si Tami. Pagkatapos din ng 'date' namin ay hindi na ulit kami nakapagkita dahil pareho kaming busy lalo na ang babaeng 'yon. Ngayon naman ay nasa business trip siya simula pa kahapon. I miss her.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling naisip. Oh my gosh! Namimiss ko ba talaga siya?

'Oo, gaga! Hindi ka nga makatulog nang maayos kakaisip sa kanya!' Sigaw ng utak ko.

Nasubsob ko tuloy ang mukha ko sa binabasang libro. Oo na. Talo na 'ko. Miss ko na nga siya nang sobra!

Bakit naman kasi hindi siya nagte-text simula kahapon? Ganon ba siya ka-busy? O busy makipaglandian sa iba?

Dahil na naman sa huling naisip ay parang biglang umakyat ang dugo ko sa ulo. Inuntog-untog ko pa ang noo ko sa libro para magtigil na ang isip ko sa kakaisip nang kung anu-ano.

"Venine? Are you okay?"

Mabilis akong napa-angat ng tingin dahil sa boses na iyon. Si Wade pala at nahuli niya akong nababaliw. Nakakahiya!

"A-Ah oo. Masakit lang ang ulo ko." Nahihiya kong sagot.

Umupo siya sa tapat ko at bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Gusto mo bang pumunta sa clinic para mabigyan ka ng gamot? Come on, samahan kita."

Umiling ako agad habang iwinawagwag pa ang kamay. "Naku hindi na! Kaya ko na 'to. Hindi naman sobrang sakit e."

"Are you sure?" Tanong niya pa na halatang nag-aalala pa rin kaya ngumiti ako habang tumatango.

"Have you eaten? Baka hindi ka pa kumakain at lalo pang sumakit 'yang ulo mo."

Sandali akong napatitig kay Wade. Kung dati ay hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata nang matagal ay ngayon nagagawa ko na. Hindi na rin ako naiilang sa tuwing tinitingnan niya ako at ngumingiti. Hindi na rin ako nakakaramdam ng kilig. Hindi ko na ba siya crush?

"Ven." Tawag ulit sa akin ni Wade na pumutol sa pag-iisip ko.

"Pagdating na lang ni Sam para sabay-sabay tayong kumain." Sagot ko naman at ibinalik ang tingin sa hawak kong libro.

Nag-vibrate bigla ang phone ko kaya halos malaglag ko ang librong hawak dahil hindi ako magkandaugaga sa pagkuha 'non. I hope it's Tami pero nalaglag ang balikat ko nang makitang si Sam ang nag-text na malapit na raw siya.

Badtrip na Tamira na 'yan. Gusto ko tuloy siyang i-text kung bakit hindi siya nagpaparamdam. Kung nakikipaglandian ba siya? Tapos na ba niya akong paglaruan? May iba na ba siya? Sawa na ba agad siya sa akin? Kainis!

Ibababa ko na sana ang phone ko nang muli itong mag-vibrate. Rumehistro ang contact name na 'Sexy Devil' at halos mabitawan ko ito dahil sa magkahalong gulat at excitement.

"Wait lang Wade ah. I'll just answer this call." Paalam ko at hindi na siya hinintay pang sumagot.

Dali-dali akong lumabas sa pinakamalapit na exit na halos takbuhin ko na. Pumwesto ako sa part na walang tao saka ko sinagot ang tawag habang nanginginig pa.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon