Chapter 13

63.1K 2.2K 2.2K
                                    

Tamira's POV

Pagmulat ko ay sumilay agad ang ngiti sa aking mga labi. Ang ganda kasi ng panaginip ko. I kissed Ven and we hugged each other until we fall asleep daw.

Napayakap tuloy ako nang mahigpit sa unan na yakap ko ngayon. Kaya siguro sa panaginip ko ay sobrang lambot ng body ni Ven dahil unan pala ang yakap ko. Even her lips were so soft. Pakiramdam ko tuloy ay totoong-totoo ang panaginip ko.

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin si Venine at saktong lumabas siya ng bathroom. Nakasuot siya ng baby pink tube ruffle top at white shorts. Napangisi ako dahil expose ang sexy tummy niya.

"Ano ba?! Huwag mo nga akong tingnan!" Singhal niya sabay takip sa tiyan.

Natawa ako nang makitang mukha siyang nahihiya at namumula pa ang pisngi. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.

"Good morning, sexy." Bulong ko saka tuluyang pumasok ng bathroom.

Pagkatapos kong mag-bath ay nagsuot ako ng tube style sheer lace jumpsuit na color white. Nakapatong ito sa purple two piece na suot ko sa loob.

Paglabas namin ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Naglalakad kami ni Ven patungo sa bungalow para magbreakfast.

Habang nasa hallway kami ay napatingin ako sa butt niya. A smirk formed on my lips nang may maisip akong gawin. Isinuksok ko ang right hand ko sa left pocket ng shorts niya sa likod.

"Ano ba 'yan, Tami?" Salubong ang kilay niyang baling sa akin.

I just gave her my sweetest smile that made her shook her head and let out a defeated sigh.

"Abnoy ka talaga." Bulong pa niya.

"What did you say?" Taas kilay kong tanong.

"Wala! Sabi ko bingi ka!" Sigaw niya na nagpakurap sa akin dahil hindi ko inasahan 'yon.

Bakit ba mainit ang ulo nito? Pansin kong kanina pa siya sa room wala sa mood at panay ang pagsusungit.

"Meron ka?" Tanong ko ulit.

"Wala!" Inis na sagot niya.

Oh wala pala e bakit ang taray taray niya? Hindi siya si Tamira Sienn Alcantara para magtaray ng ganyan. Mabuti na lang talaga maganda ang mood ko kundi kanina ko pa siya sinupalpal.

Naalala ko na naman tuloy ang panaginip ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti ulit.

Oo na. Now I know I like Venine. I won't deny it anymore but last time I check I'm straight as f uck. Mas straight pa sa mga bagong rebond na hair niyo.

I don't get attracted to other women, men do pero hindi ganon katindi sa attraction na nararamdaman ko kay Venine. That's why I'm so confused back then and used guys as distraction kaya papalit-palit din ako ng boyfriend. I only check out girls when I feel like they are threat to me like kung mas maganda ba o mas sexy but other than that ay wala na.

Not like Ven that can give me butterflies in my stomach and can make my heart skip or beat like there's no tomorrow. Sa kanya lang talaga. It feels like she's using some kind of magic that can allure me.

"Good morning, cousins!" Masayang bati ko sa aking mga pinsan na nasa table na namin. Nginitian naman nila ako at binati rin maging si Ven.

"Ganda ng gising ah." Pansin sa akin ni Clarisse.

"Yah. Ang ganda kasi rito. Ang sarap gumising." Nakangiting sagot ko at pasimpleng tiningnan si Ven na tahimik lang na kumakain, mukha pang malalim ang iniisip. Ano kayang problema nito?

"Uy, Ven. Got a problem?" Sita ko sa kanya.

"Huh? Wala. Pangit mo lang ay este ang pangit pala ng gising ko." Sagot niya sabay ngiwi.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon