Chapter 12

62.3K 2.5K 2.5K
                                    

Venine's POV

Kakatapos ko lang magbanlaw at magbihis ng damit pero hindi pa rin ako makalabas ng bathroom. Sinuot ko kasi ang biniling dark blue floral romper sa akin ni Ate Clarisse. Sleeveless ito, medyo maikli, v-neck na malalim kaya kita ang cleavage ko.

See? Ang revealing talaga ng mga damit na binili niya sa akin. Parang gusto ko tuloy maiyak.

"Hoy, Ven! Ano? Kinain ka na ba ng bowl diyan?" Dinig kong sigaw ni Tami mula sa labas.

Speaking of Tami. Kahit nabwisit ako sa kanya kanina ay na-enjoy ko rin naman 'yong jet ski nang tumagal. Tinuruan niya rin ako kung paano gamitin 'yon.

Bumuntong hininga muna ako saka lumabas. Napatingin agad si Tami sa akin at nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya habang tinitingnan ako simula sa paa pataas sa mukha ko.

Sa tagal ng pagtitig niya sa akin ay napagmasdan ko rin tuloy siya. Nakasuot siya ng orange na parang brown basta ganoon ang kulay na short sleeves tie-front top na hanggang dibdib niya lang paired with white shorts. Silip na silip na naman tuloy ang cleavage niya.

"Wow." Isang salitang lumabas sa bibig niya.

"Anong wow?" Nginiwian ko siya.

"Wow nagmukhang tao." Sabi niya ulit na may nang-aasar ng ngiti. Parang kanina lang ay mukha siyang manghang-mangha sa nakita.

Inirapan ko lang siya at kinuha ang suklay na nasa ibabaw ng bedside table.

"We'll eat dinner then may beach party after."

"Okay." Walang interes kong sagot. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga party at alam ko ring inuman 'yon e hindi naman ako umiinom.

Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na kami. Dinig ko na agad ang malakas na music na nanggagaling sa harap. Mukhang ready na para sa party.

Dumiretso kami sa bungalow at marami ulit pagkain saka kami pumunta sa table namin kanina, nandoon ulit sila.

"Wow! Our Venine look so good! Sabi na at bagay 'yan sa'yo e." Puri sa akin ni Ate Clarisse na nag-thumbs up pa.

"She's my Venine, huwag kang nakikiangkin." Mataray na sabad ni Tami kaya napalingon kami sa kanya.

"What a possessive sister. Ate na rin naman kami ni Ven ah, hindi lang ikaw kaya huwag kang madamot." Sagot ni Ate Clarisse.

"Whatever." Sabi niya sabay upo at hindi na kami pinansin. Napaka-brat talaga.

Kumain na lang kami at as usual ay hindi na naman ako makasabay sa kwentuhan nila.

"So baby Venine, are you still studying?" Tanong ni Ate Zahra.

Medyo na-flutter ako sa narinig. Itinuturing na rin talaga nila akong baby sister. Ang saya lang sa pakiramdam.

"Op-"

"Yah, graduating." Sagot ni Tami kaya napatingin ako sa kanya pero nagpatuloy lang ulit siya sa pagkain.

"What course, baby Venine?" Tanong naman ni Ate Gene na mukhang interesado sa isasagot ko.

"Architecture." Si Tami na naman.

Ibubuka ko pa nga lang ang bibig ko pero hindi ko naitutuloy dahil sa pag-una niya sa aking sumagot. Venine na ba ang pangalan niya ngayon?

"Wow! Great course. Can you design my dream house?" Si Ate Denise naman ngayon ang nagtatanong. Ngumiti ako at sasagot na sana kaso...

"No." Mabilis pa sa alas kwartong singit ni Tami kaya sinamaan ko na siya ng tangin.

"Ano ba?" Saway ko sa kanya.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon