Chapter 25

64.3K 2.3K 3.5K
                                    

Venine's POV

Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa club. Nanginginig ang laman ko at hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng aking mga kamay.

Nakatanggap kasi ako ng text kay Sam na nakita niya raw dito si Tami. Sakto kasing naisama siya ng mga pinsan niya at nakita niya ngang may kalandiang lalaki ang magaling na si Tamira kaya napasugod ako.

Pagbalik namin ni Wade kanina sa gym ay wala si Tami. Sabi ni Sam ay lumabas din daw ito noong umalis kami. Lumabas din ako ulit para hanapin siya kasama si Sam pero kahit anong hanap ko ay wala. Maging sa parking lot ay wala rin maging ang sasakyan niya.

Doon na ako tinanong ni Sam ng nangyari. Tinanong niya rin ang nangyari sa amin ni Wade dahil alam niya pa lang magco-confess ito sa akin kaya ganoon na lang ang ngiti. Pero dahil si Tami ang nasa isip ko ay sinabi kong ni-reject ko si Wade. I also told her that I like Tami.

As expected ay nagulat siya pero thankfully ay totoong kaibigan si Sam at hindi ako ni-judge, suportado pa nga raw niya ako.

Gusto kong maiyak ngayon sa sobrang inis. Mahigpit ang hawak ko sa phone ko dahil hindi nagrereply at hindi ma-contact si Tami.

Nakaramdam ako ng kaba nang maalala pa ang naging usapan namin ni Wade kanina.

"Venine." Tawag sa akin ni Wade nang huminto kami sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano 'yon, Wade?" Tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. May kakaiba kasi sa mga mata niya habang tinitingnan ako.

"I can't wait to tell you na kasi 'yong sasabihin ko kaya ngayon ko na sasabihin sa'yo."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Sige. Ano ba 'yon?"

Ano nga bang sasabihin niya at hindi na siya makapaghintay pa?

Pumihit pa ang ulo niya paharap sa akin at mataman akong pinagmasdan.

"Venine kasi... 'di ba ako ang unang lumapit sa'yo? Nasabi ko rin na matagal ko na 'yon gustong gawin at humahanap lang ako ng tyempo."

Oo naaalala ko pa naman 'yong pag-approach niya sa akin sa library. Kilig na kilig pa ako noong mga panahong 'yon pero ngayon ay wala na kasi sa iba na ako kinikilig.

"Sa maikling panahon na nagkakasama tayo at nakakasabay ka mag-lunch, lalo lang kitang hinangaan. You've exceeded my expectations. You're really smart, pretty, and very kind. Nasayo na ang lahat ng mga qualities na gusto ng isang lalaki."

Bahagyang umawang ang bibig ko. Hindi ko kasi inaasahang makakatanggap ako ng ganoong compliment mula sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi ko alam kung paano babawiin iyon kaya tiniis ko na lang para hindi siya ma-offend.

"Venine... will you let me court you? I like you. Matagal na. Matagal na rin kitang pinagmamasdan sa malayo at ngayong nabigyan ako ng chance na mapalapit sa'yo ay hindi ko na sasayangin pa."

Hindi ko alam kung bakit wala talaga akong maramdaman. Kahit konting pagbilis ng pagtibok ng puso ko ay wala kahit pa nag-confess na siya sa akin ngayon. Imagine, ang dating crush na crush ko at pinapangarap ng iba na si Wade Martinada ay gusto akong ligawan at sinabi pang may gusto sa akin.

Sa mga oras na ito ay hindi kilig ang naramdaman ko kundi lungkot. Nakakahiya mang tanggihan siya pero kailangan kong maging honest sa sarili ko at sa kanya.

Humugot muna ako nang malalim na hininga saka ipinatong ang isa ko pang kamay sa mga kamay namin. Tiningala ko siya and gave a small smile.

"Wade. You know I like you too." Lumiwanag ang bukha niya. "I like you too but as a friend. I'm sorry, Wade. I can't let you court me. May nagugustohan na kasi akong iba."

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon