Chapter 41

50.4K 1.9K 3K
                                    

Venine's POV

Nakakapagtaka ang mga tingin sa akin ng mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway. Kakaiba kasi ang tingin na para akong hinuhusgahan habang nagbubulungan.

"Ven!" Tawag agad ni Sam kahit malayo pa ako sa classroom namin. Patakbo niya akong nilapitan.

"Ven have you heard the news?" Tanong niya na halatang nag-aalala.

"Huh? Anong news?"

Hindi naman kasi ako mahilig manood ng balita at minsan lang din ako mag-check ng social media.

"About you and Tami." Sagot niya.

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko kaya mabilis ko siyang hinila palayo kung saan walang tao.

"Anong news 'yon?" Kunot noo kong tanong kay Sam.

"May article na lumabas about sa pagbibid sa'yo ni Tami ng 10 million then sabi rin doon na girlfriend ka niya."

Nanginig ang mga kamay ko at gusto kong mapahilamos sa mukha. Shit. Anong gagawin ko?

"Ang dami agad negative comments bago naalis 'yong article. May nabasa pa nga ako na sayang daw si Tami at malaking dungis daw 'yon sa Alcantara clan."

Parang may sumaksak sa puso ko dahil sa narinig kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Ven okay ka lang? Sorry. Hindi ko na dapat sinabi 'yon e." Nag-aalalang sabi ni Sam at hinawakan ako sa braso.

Kumapit ako sa kanya at sa railings. Para kasing mauubusan ako ng hininga dahil sa magkahalong sakit at kaba na nararamdaman ko.

"Anong gagawin ko, Sam? Hindi ko kayang masira si Tami." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Kahit minsan ba... napag-usapan niyo na ni Tami ang tungkol diyan?" Tanong niya rin. Tumango ako. "Iyon pala e. Anong sabi niya?"

"Sabi niya wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba and she will keep me." Tulalang sagot ko.

"Then there's nothing to worry. Kilala mo naman si Tamira. Hindi nagpapasindak 'yon."

Umiling ako. "Pero iba ang sitwasyon ngayon, Sam. Hindi lang din si Tami ang maaapektohan, pati na rin ang buong pamilya niya."

Natahimik kami pareho. Mukhan na rin siyang nag-iisip nang malalim ngayon dahil siguro na-realize niya na malaki talagang problema ito.

Pumasok na lang kami sa room at sa lahat ng klase ay lutang ang isip ko. Sobrang bothered ako sa nangyayari at gusto kong makausap si Tami.

Dumating ang lunch at nasa cafeteria na kami ngayon ni Sam. Panay pa rin ang mga mapanghusgang tingin sa akin at mga bulungan pero hindi ko na lang pinapansin.

"Hayaan mo 'yan sila. Inggit lang 'yan kasi wala silang kasing ganda ni Tami." Bulong ni Sam at kahit papaano ay napangiti ako 'ron.

"Ven."

Sabay kaming napatingin ni Sam sa nakatayo sa gilid ng table namin at tumawag sa akin. Si Wade.

"O-Oh Wade." Tanging nasabi ko.

"Pwede bang makisabay?" Tanong niya na may alanganing ngiti sa labi at may hawak na tray.

"Sure." Mabilis na sagot ko. "Dito ka Sam."

Mabilis namang tumayo si Sam at lumipat sa tabi ko habang si Wade ay umupo sa tapat namin.

"How are you two? Ikaw, Ven?" Tanong ni Wade na may maamong ngiti sa mga labi.

"Okay lang naman." Nakangiti ko ring sagot.

"Ako rin, okay lang." Sagot din ni Sam na may mahinang tawa pa. Nagpapa-cute ba siya kay Wade?

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon