Chapter 14

65.9K 2.6K 4.6K
                                    

Venine's POV

Kinakawag-kawag ko ang mga paa'ng nakalubog sa tubig habang nasa gilid ng pool. Ang tagal ni Tami. Pinauna niya na kasi akong pumunta rito at susunod na lang daw siya.

Lalong gumanda ang pool dahil gabi na at may underwater lights pa. Ang ganda sigurong mag-picture rito ng sunset. And speaking of pictures, uuwi na kami bukas pero hindi pa ako nakakapagpicture dito pati na kami ni Tami. Sabihin ko nga sa kanya mamaya.

"Hey, kid."

Napairap muna ako bago lumingon sa bwisit na si Tami. Nakangisi siya habang ina-untie ang suot na robe.

Halos malaglag ang eyeballs ko kasabay ng paglaglag ng robe niya sa sahig dahil tumambad ang napaka-sexy niyang katawan sa suot na black one piece. Hindi lang 'yon! Sobrang revealing din ng suot niya na halos wala ng maitago.

Pa-V ang design ng swimsuit niya na napakanipis kaya maging ang maputi niyang singit ay kita. Open din ang tiyan at sa bandang dibdib ay may maliit lang na parang gold chain ang humihila sa magkabilang tela na tumatakip sa dibdib niya. Parang gusto ko na lang tumakbo papunta sa dagat at magbangka palayo.

"Do you like the view?" Nakangisi niyang tanong habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin.

Kahit gusto kong mag-iwas ng tingin ay para akong may stifneck at hirap na hirap akong igalaw ang ulo ko.

Gusto ko na lang umiyak. I feel so betrayed by my body, mind, and heart! I hate you all!

Wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lang at ipagdasal na sana ay pulmunyahin at kabagin si Tami. Walang hiya siya! My virgin eyes. Omg! Someone save me!

Narinig ko ang tawa ni Tami kaya napadilat ako. Nakaupo na siya sa tabi ko ngayon.

"Ano bang klaseng suot 'yan? Sana nag-bold ka na lang kung ganyan naman ang isusuot mo!" Nakangiwi kong sermon sa kanya.

"Ah ganon ba ang gusto mo? Pwede naman." Sagot ni gaga na akmang huhubarin nga ang suot kaya mabilis kong pinigilan ang kamay niya.

"Pang-asar ka talaga kahit kailan 'no? Sarap mo lunurin!" Nanggigigil na sabi ko.

Tinawanan niya lang naman ako na parang tuwang-tuwa pa na nanggagalaiti na ako sa inis dito. Bwisit!

"Cute mo talaga mainis 'no?" Sabi pa niya habang tumatawa.

"Ang cute mo rin. Sa sobrang cute mo ang sarap mong ipakain sa mga pating." Sagot ko habang nagpipilit ng ngiti.

"Init ng ulo. Tara na nga, ligo na."

Bigla niya akong hinila papunta sa pool kaya sabay kaming nalaglag. Mabuti na lang at mababaw kaya hindi ako nagpanic.

"Sana nag-two piece ka rin. Tayo lang naman dito. Naka-rash guard ka na naman." Puna niya sa akin.

"Asa ka." Sagot ko at inirapan siya.

Lumangoy ako papunta sa kabilang side at dahil mas magaling siyang lumangoy sa akin ay naunahan niya agad ako.

Mabuti na nga lang din at kami lang ang nandito ngayon dahil kung may ibang tao ay malamang pinagpyestahan na siya ng tingin.

"Ang pangit mo naman lumangoy." Tatawa-tawa na namang sabi ni Tamira'ng mapanlait.

"Ba't ka ba nangingialam? Nanlait pa 'to. Kainis." Pagtataray ko.

"I'll teach you." Prisinta niya.

Sandali ko siyang tinitigan at mukha naman siyang seryoso talaga. Gusto ko rin namang matuto kaya sa huli ay pumayag ako.

Solong-solo namin ang malaking pool kaya ang saya rin lumangoy. Minsan ay tatawanan ako ni Tami kapag halos malunod ako sa tuwing bibitawan niya. To the rescue naman siya agad pero tawa pa rin nang tawa.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon