Chapter 10

69.3K 2.2K 783
                                    

Venine's POV

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakatulala sa kisame. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa KTV room. Bwisit kasi si Tami. It's all her fault!

Pinakiramdaman ko ang aking dibdib dahil bumilis na naman ang puso ko maalala ko lang si Tami.

Ano ba 'to? Am I attracted to her? Kailan pa 'ko na-attract sa babae? Sheet of paper! Straight kaya ako! Mas straight pa sa ruler na bakal!

Hindi 'yan, Venine! Nagalingan ka lang talaga sa pagkanta niya kanina dahil unang beses mo lang din na marinig siyang kumanta.

"Yes. That's right." Pagkukumbinsi ko na lang sa sarili ko kahit feeling ko ay may something talaga lalo na 'nong magkatitigan kami.

Napatadyak tuloy ako kahit nakahiga ako sa kama. Letse ka talaga, Tamira!

Nagulat ako sa biglang pagtunog ng phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bedside table at heto na naman ang puso ko, abnormal na naman ang bilis nang makita ko ang pangalan ni Tami.

Ilang segundo ko pa itong tinitigan hanggang sa sinagot ko na habang nanginginig pa ang mga kamay.

"Oh?" Kunwari seryosong bungad ko.

"Sungit ah." Maangas na sagot niya. Napairap ako.

"Bakit ka tumawag? Inaantok na ako e. Istorbo 'to." Masungit kong sabi kahit ang totoo e gising na gising pa ako kahit late na.

"Liar! Sinong niloko mo? Ang lively pa nga ng boses mo e."

Nagmake face ako dahil hindi niya naman ako nakikita.

"Bakit nga?" Totoo na talagang naiirita na ako.

"Umabsent ka sa Friday may pupuntahan tayo."

Kumunot ang noo ko sa narinig. "Ano ka boss? Bakit kasama pa ako? Edi iba na lang ang isama mo. Ayokong umabsent!"

"May welcome party na in-arrange si Selene para kay Clarisse sa private beach nila sa Bohol. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Susunduin kita sa inyo ng 4am sharp kaya magpaalam ka na diyan dahil Sunday ng hapon tayo uuwi. Kapag hindi ka pinayagan akong bahala."

"Bahala ka." Sabi ko na lang.

Sa beach? Ano namang isusuot ko 'ron tsaka nakakahiya 'no! Malamang puro mga kapag-anak at friends nila ang nandoon.

Siya lang naman at si Ate Clarisse ang kilala ko, I mean close ko dahil lahat naman ng mga pinsan niya ay sikat kaya alam ko ang mga pangalan. And speaking of Selene, siya lang naman ang sikat na sikat na actress ngayon sa buong bansa na pinsan niya rin.

"Huwag mo 'kong subukan, Venine. Ang i-pack mong mga damit ay 'yong binili sa'yo ni Clarisse para matuwa 'yon kapag nakitang sinusuot mo." Utos niya pa na akala mo talaga ay siya ang boss.

Friday? E sa isang araw na 'yon. Ang bilis naman!

"Hoy!" Sigaw ulit ng nasa kabilang linya nang hindi ako sumagot.

"Tsk. Oo na!" I said, defeated.

Kilala ko 'yang si Tami. Kapag sinabi niya, sinabi niya at kung may sinabi siya sa'yong gawin mo, kailangan ay gawin mo talaga or else you're dead meat.

"Good. Sige na. Goodnight!"

"Tse!" Singhal ko. Narinig ko pa siyang tumawa bago ibaba ang tawag.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang dahil sa tunog ng alarm clock.

Mabilis akong naligo at nag-ayos para sa pagpasok. As usual pagpasok ko ay nagklase agad at may quiz sa isang subject hanggang dumating ang lunch.

"Sasabay ba raw ulit sa atin mag-lunch si Wade?" Tanong ni Sam.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon