Chapter 30

67.5K 2.3K 1.2K
                                    

Venine's POV

"You're shaking." Pansin sa akin ni Tami ng makabalik sa table namin. Hawak niya ang kamay ko at marahang pinipisil iyon na parang minamasahe.

"E grabe naman kasi ang kaba ko sa stage. Akala ko talaga doon na 'ko sa lalaki kanina mapupunta. Thank you for bidding pero hindi naman kailangang ganon kalaki."

Tinitigan ko siya sa mga mata at nginitian niya naman ako pero mabilis din siyang sumeryoso.

"Ayoko sana mag-bid 'cause I know you're priceless but I told you, I won't let other guys date you. Over my dead sexy body."

"Wala namang sexy 'yong sinabi mo dati ah." Biro ko naman kasi masyado siyang seryoso at para pakalmahin din ang puso ko na parang lalabas na naman. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Good evening, everyone!"

Naputol ang usapan namin at sabay kaming napatingin sa stage dahil si Ate Clarisse ang nagsasalita.

"Are you ready for the next highlight of my party?" Nakangiting tanong niya pa.

May mga sumagot naman ng 'yes' at may nagpapalakpakan din.

"Ako na ang nag-emcee ngayon 'cause I'm really proud for this special performance."

Kusa akong napatingin kay Tami ng marinig ang special performance. Naalala ko kasi ang sinabi ni Ate Clarisse sa kanya noon sa office.

Nakatingin lang si Tami kay Ate Clarisse at salubong ang mga kilay. Malakas talaga ang pakiramdam ko na siya ang tinutukoy nito.

"So here she is. The very beautiful, sexy and the most talented one. Please welcome her with a round of applause, my cousin, Tamira Sienn Alcantara!"

Umalingaw-ngaw ang malakas na palakpakan at sandali pang hindi kumilos si Tami na nakahalukipkip lang hanggang sa sinenyasan na siya ni Ate Clarisse na lumapit. Napabuntong hininga naman siya saka tuluyang tumayo.

"This is for you." Bulong sa akin ni Tami bago siya tuluyang umakyat sa stage dala ang rectangular case kanina. Ano kayang laman 'non? Kasama sa performance niya?

May naglagay ng upuan sa gitna at doon umupo si Tami. Bahagyang naka-side ang upo niya. Lumapit si Ate Clarisse at tinulungan siyang buksan ang case at doon ay lumabas ang isang saxophone na kulay gold.

Oh my gosh! Tutugtog siya ng saxophone? Seriously? Marunong siya niyan?

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ganitong-ganito ako noong unang beses ko siyang narinig kumanta at napanood maglaro ng volleyball.

Grabe. Hindi na talaga ako magugulat kung may iba pa akong bagong matutuklasan tungkol sa kanya. Tama nga si Ate Clarisse, sobrang talented talaga ni Tami.

Nakangiting isinuot ni Tami ang black lace saka siya iniwan ni Ate Clarisse. Bumukas din ang pulang kurtina sa likod niya at doon ay may band. Ang bongga naman.

Nanlalamig ang mga kamay ko kaya pinaghawak ko ang mga ito nang mahigpit. Parang ako ata ang kinakabahan para kay Tami. Relax na relax lang kasi ang maganda niyang mukha habang nasa gitna ng stage.

Lumingon pa siya saglit sa band at parang may pinag-usapan sila hanggang ang isa 'ron ay nag-thumbs up.

Ipinusisyon ni Tami ang mga kamay sa katawan ng saxophone saka ito inilapit sa kanyang bibig. Bago siya magsimula ay sumulyap pa siya sa akin at kumindat. Huminto naman sandali sa pagtibok ang puso ko dahil 'don. My ghad!

Nagsimulang tumugtog si Tami ng intro at kumabog agad nang malakas ang puso ko. Alam ko ang kantang 'yan! Best Part by Daniel Caesar.

Nakapikit na siya ngayon habang bahagyang nakakunot ang noo. Sobrang sexy niyang tingnan at nag-uumapaw ang sex appeal. Grabe.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon