Chapter 43

47.8K 1.7K 1.3K
                                    

Venine's POV

Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Tami dahil busy siya sa trabaho. Ang huli pa naming kita ay 'yong kumain kami sa ihawan ni Ate Tess. Panay nga ang tanong niya sa akin 'non kung may problema ba raw ako dahil parang ang lungkot daw ng aura ko. Lakas din talaga ng pakiramdam.

Tinanong niya pa nga sa akin kung nagsumbong ba raw si Trina kay Tita Helen. Nagsinungalin na lang ako na hindi dahil masyadong natakot sa kanya. Heto namang magaling na si Tamira ay sinabi pang mabuti naman daw at hindi ako niresbakan dahil kayang-kaya niya raw pasabugin ang bahay namin habang nasa loob 'yong apat. Abnoy talaga.

Napagpasyahan kong dalawin siya sa office since maaga naman ang uwian namin ngayon. Hindi na rin ako nag-abala pang i-text siya dahil gusto kong sorpresahin siya ulit.

Mabilis akong nag-drive papunta sa Alcantara Prime Holdings. Dahil sa nangyari sa parking lot noong nakaraan ay natigil na rin ang mga bulungan ng mga students sa tuwing nakikita ako. Natakot siguro talaga sila sa banta ni Tami.

Pagdating ko ay dumaan muna ako sa cafeteria ng building para bumili ng blueberry muffins at iced coffee para sa sexy devil ko.

"Siya ba 'yong Venine?"

Napalingon ako sa table na malapit sa akin nang marinig ko ang pangalan ko. May dalawang babaeng nag-uusap doon at nakatingin sa akin. Ang tingin pa nila ay parang nanghuhusga.

"Ma'am ito na po ang order niyo." Tawag pansin sa akin ng crew kaya nginitian ko siya at kinuha ang binili ko.

Nagmadali na lang akong lumabas ng cafeteria at hindi pinansin ang mga tingin at bulungan sa paligid.

Sumakay ako ng elevator at sakto pang may kasabay akong tatlong babae na pare-parehong napatingin sa akin. Pinindot ko ang pinakamataas na floor saka sumiksik sa gilid.

"Siya ba 'yong girlfriend?"

Dinig kong bulong 'nong isang babae. Kinutuban agad akong ako ang pinatutungkulan niya.

Seriously? Pagkatapos sa school nalipat dito?

Pasimple akong huminga nang malalim at hindi na lang pinansin ang tensyong nararamdaman ko sa paligid. Kita ko kasi sa reflection sa salamin sa gilid na pasimple nila akong tinitingnan. Mabuti na lang at bumaba na agad sila.

Pagdating ko sa office ni Tami ay halatang nagulat si Ms. Zoey ng makita ako.

"Hi, Ms. Zoey." Bati ko at nginitian siya. "Si Tami?"

"Nasa loob. Mainit ang ulo." Sagot niya naman. Tumango na lang ako at dumiretso sa glass door.

"Bullshit! I said do not disturb me!" Sigaw agad ni Tami pagbukas ko.

Naestawa ako dahil sa gulat. Grabe. Sobrang init nga ng ulo niya.

"Okay. Babalik na lang ako." Mahinang sagot ko.

Nag-angat ng tingin sa akin si Tami. Rumehistro ang gulat sa kanyang mukha na agad ding nag-soften ang facial expression nang magkatinginan kami.

"I'm sorry." Buntong hininga niya.

Naglakad ako papasok at inilapag ang dala ko sa glass table saka ko siyang nilapitan. Bagsak ang balikat niyang nakaupo sa swivel chair.

Pinagmasdan ko pa ang kabuuan niya at kumunot ang noo ko. Ang gulo ng buhok, mukhang pagod na pagod, at parang kulang pa nga siya sa tulog pero sa kabila 'non ay hindi nabawasan ang ganda niya.

"What happened to you?" Nag-aalala kong tanong habang hawak siya sa magkabilang pisngi.

Hindi naman siya sumagot at niyakap lang ako nang mahigpit sa bewang.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon