Chapter 15

70K 2.4K 2.8K
                                    

Venine's POV

Hindi na namin pinag-usapan ni Tami ang nangyari kagabi pero sobrang ganda ng mood niya paggising. Napakaaga nga akong kinulit para gumising at magbreakfast dahil maaga rin daw kaming magsu-swimming.

"Try this, baby." Nakangiting sabi ni Tami sa tabi ko at pilit na inilalapit sa bibig ko ang isang slice ng baguette na may spread sa taas.

Kahit naiilang ako dahil kasabay naming kumain ang mga pinsan niya ay kumagat pa rin ako. Ayaw ko naman siyang mapahiya.

"So nakiki-baby ka na rin?" Sabi ni Ate Gene na naka-taas ang isang kilay kay Tami.

"Why not? She's my baby sister. My baby and mine alone." Mataray na sagot niya.

Lalo tuloy akong nailang kaya hindi na lang ako nagsalita. Naala ko rin ang sinabi niya kagabi na she wants me to be hers and hers alone. Napaka-possessive.

"Last day na natin today so i-enjoy na natin. Swimming na agad tayo after this." Nakangiting sabi ni Ate Denise. Nagsitanguan naman kami.

Na-tense ako bigla nang maalala ang suot ko. Walang hiya kasi si Tami. Pinasuot ako ng two piece! Last day na raw kaya magsuot na ako ng ganon dahil magpipicture din kami.

Napapayag niya rin ako dahil magsusuot na naman kasi siya nang micro bikini na halos wala na namang natatakpan sa kanya kaya pinagpalit ko siya ng iba. Nakaka-stress!

Mabilis na natapos ang breakfast dahil light lang ang mga kinain namin. Excited silang lumabas pwera sa akin na mabigat ang mga paa.

"What's with the long face?" Tanong sa akin ni Tami. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa tingin mo ba matutuwa ako sa suot ko ngayon?" Inis na sagot ko habang mahigpit na nakayakap sa katawan ko at pilit itong tinatakpan gamit ang suot kong black cover up.

"Ako matutuwa." Pang-asar niya pa kaya inirapan ko na lang siya.

Lumapit kami sa lounge chair at doon niya inilapag ang kakahubad niya lang na cover up. Tumambad ang sexy figure niya sa suot na black polka dot two piece na tie-front sa dibdib. Mas matino na 'yan kesa kanina na nagpasakit talaga ng ulo ko. Mas revealing pa ba naman sa suot niya kagabi!

"Lemme see that body, baby vixen. Don't be shy." Nakangising sabi niya pa.

"Anong baby vixen ka diyan?" Kunot noo kong tanong. Daming alam nitong tawag e.

"Baby for being innocent like a kid and vixen for being sexy and attractive at the same time." Sagot niya sabay kindat.

Gusto ko siyang sigawan ng letse pero pinigilan ko ang sarili ko. Bumuntong hininga na lang ako at tinanggal na ang suot kong cover up.

I'm wearing a retro plaid two piece na black ang white. High waisted ang pangbaba at parang crop top naman ang taas kaya medyo natatakpan ang tummy ko at konti lang ang expose.

"Damn, girl." Nakangiting sambit ni Tami at bahagya pang ibinaba ang suot na sunglasses habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

Sabi niya kanina ay siya raw ang bumili nito para sa akin kaya siguro proud na proud 'yan ngayon.

"Ven! Tami! Dito na kayo!" Tawag ni Ate Clarisse na kinakawayan pa kami kaya hinila na ako ni Tami.

Hiyang-hiya ako nang makalapit sa kanila kaya nanatili lang akong nakatingin sa buhangin.

"Oh my! You're so sexy, Venine. Bagay na bagay sa'yo!" Dinig kong puri ni Ate Selene.

"Of course. Ako ata ang pumili at bumili niyan." Pagyayabang naman ni Tami.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon