Chapter 33

65.1K 2K 1.4K
                                    

Venine's POV

Hindi ako makatayo dahil sa narinig mula kay Ate Clarisse. Mabuti na lang at parang hindi narinig ng iba pa nilang pinsan dahil nakatayo na ang mga ito at medyo maingay rin sa paligid dahil sa music.

"Don't mind her, baby vixen. Bastos lang talaga ang bibig ng babaeng 'yon." Sabi ni Tami.

Tumango lang ako. Grabe talaga si Ate Clarisse. Hindi ko akalaing aasarin niya kami ng ganon. Masyado ba talaga kaming obvious ni Tami?

"I missed you... sobra." Malambing na sabi niya ulit habang nakangiti.

Kaming dalawa na lang naman dito sa table namin kaya hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya.

"I missed you too, sexy devil." Sagot ko.

Niyakap niya rin ako nang mahigpit pero mabilis akong kumalas nang maramdaman ko ang kiliti sa likod ko dahil sa paghaplos ng kamay niya.

"Your sexy back is a temptress." Natatawa pang sabi niya.

"Hay nako. Tara na nga." Aya ko sa kanya at akmang tatayo na pero pinigilan niya ako.

"Do you think... Venine Amary Madrigal is free on weekend? I wanna claim my exclusive date with her." Tanong niya na parang nag-aalinlangan habang pinipisil-pisil pa ang kamay ko.

Bigla kong naalala ang bidding na exclusive date nga pala ang kapalit. Ang tagal na kasi 'non kaya nawala na sa isip ko.

Sandali akong kunwaring nag-isip kahit free naman talaga ako at balak ko rin siyang yayaing lumabas sa weekend para bumawi sa mga araw na hindi kami nagkita.

"I think she's free." Nakangiti kong sagot kaya napangiti na rin siya.

"Great! We're going to our rest house in Batangas ah." Ngiting-ngiting sabi niya. Tumango naman ako.

Hinawakan niya ako sa pisngi at unti-unting lumapit ang mukha niya kaya napapikit na lang ako. Her lips crushed mine. Sobrang namiss ko ang mga labing 'to at may nagliliparan na namang paru-paro sa loob ng tiyan ko.

"Oh my!"

Mabilis akong napadilat at mahinang naitulak si Tami palayo dahil sa narinig. Pagtingin ko kung sino ang nagsalita ay nakita ko si Ate Gene na gulat na gulat habang nakatingin sa amin ni Tami.

Gusto kong magtakip ng mukha. Bakit ba palagi na lang kaming nahuhuli? Gosh!

"Bakit ba palagi na lang ang daming istorbo?" Inis na sabi ni Tami sa tabi ko.

Seriously? After kami mahuli 'yan lang ang sasabihin niya?

"What was that, Tami? Don't tell me..." Hindi maituloy na sabi ni Ate Gene.

Para akong napipi dahil hindi ako makapagsalita at sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

"What you see is what you get, Gene." Iritable pa ring sagot ni Tami.

"You mean... kayo ni Ven?"

"Exactly. This woman right here is my girlfriend." Sagot ni Tami sabay pulupot ng braso sa bewang ko.

"What?! Kailan pa?" Mukhang hindi pa rin makapaniwala si Ate Gene kaya halos hindi ako makapag-eye contact sa kanya.

"Can we talk about this next time, Gene? Masyado na akong napagod sa reaction ni Clarisse kanina and I can't handle another shocked cousin." Ani Tami na mukhang malapit nang mawala sa mood.

"So alam na rin ni Clarisse?"

"You heard me, Gene."

Tumayo si Tami at hinila rin ako.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon