Chapter 39

59.8K 1.9K 2K
                                    

Venine's POV

Narinig kong bumukas ang pintuan ng bathroom pero nanatili lang akong nakatutok sa laptop ko. Hindi ko rin pinansin ang sweet scent ng body wash ni Tami na parang nagpapaliyo na naman sa akin.

"Psst!"

Kumunot lang ang noo ko pero hindi ko siya pinansin. Kumukabog na naman kasi nang mabilis ang puso ko at nakakaramdam ako nang malanding Tamira.

"Baby vixen." Tawag niya ulit.

"Hmm?"

Hindi ko pa rin inalis ang tingin sa laptop. Hindi ko na nga alam kung ano ba 'tong pinagta-type ko basta pindot lang ako nang pindot sa keyboard.

"Tingnan mo nga kung bagay." Sabi niya at alam kong nasa tapat na siya ng kama. Nasa kabilang dulo kasi ako at nakasandal sa headboard.

"Ano ba—"

Naiwang nakabukas ang bibig ko at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang nakangising si Tami. Ang guess what? Nakasuot lang naman siya ng lingerie!

Kulay black na halos see-through tapos may parang stockings pa na may strap na connected sa underwear. Naka-ponytail pa siya kaya lalong nagmukhang malandi. Akala mong kakagaling niya lang sa isang fashion show ng Victoria's Secret. My ghad!

"Ano na naman bang kalandian 'yan, Tamira? Magbihis ka nga!" Singhal ko saka siya binato ng unan na hindi naman siya inabot.

"Ayoko. I wanna wear this tonight." Sagot niya habang tumatawa.

Sunod siyang gumapang paakyat ng kama kaya napapikit ako at hindi makagalaw.

"'Wag kang lalapit! Isa!" Mabilis kong itinabi ang laptop ko saka kumuha ng kumot. Hinagis ko iyon sa kanya.

Jusko. Bakit ba ganito kalandi ang girlfriend ko?

Tuluyan na akong napasigaw nang malakas dahil bigla akong hinila ni Tami papasok ng kumot. Tatawa-tawa pa si gaga habang tinatakpan ang bibig ko.

"Don't shout! Baka isipin ng mga kapitbahay at ni Nanay Ada may ginagawa akong krimen dito." Saway niya pa.

Napatingin ako kay Tami na sobrang lapit ng mukha sa akin. Nasa ibabaw ko pala siya kaya mabilis ko siyang itinulak.

"Busy ako. 'Wag mo 'kong gulohin." Sabi ko saka gumulong palayo pero napigilan niya ako agad.

"Busy? Akala ko ba quality time natin ngayon? Nag-sleepover ka pa rito kung 'di mo rin naman ako papansinin." Inis na sagot niya at salubong na rin ang mga kilay.

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa mukha niya ba o sa malaki niyang dibdib. Grabe naman kasi ang suot!

"Tsk. Basta 'wag mo 'kong landiin at magbihis ka na 'ron!" Inis ding sabi ko.

"Ayoko nga e! Ito ang gusto kong isuot 'cause we will do our own version of fifty shades later." Maarte niyang sagot sabay hila ulit sa akin palapit sa kanya.

Wtf? Ano raw? Fifty shades?!

"What? Nababaliw ka na ba? Mag-fifty shades ka mag-isa mo!" Singhal ko ulit at pilit na kumakawala sa hawak niya pero lalo lang niyang hinigpitan.

"Ang KJ mo kamo!" Sabi niya na tumawa na naman sabay yakap sa akin nang mahigpit. Ako ay parang estatwa na nanigas na naman.

"Ba't ba ang landi landi mo?" Kunot noo kong tanong.

Kung isang olympic size pool ang isinahod niya sa kagandahan, ganon din ata ang isinahod niya 'nong nagpaulan ng kalandian!

"Minsan lang naman ah." Sagot niya.

Dare To Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon